CHAPTER 4:My Life After The Incident

1171 Words
"Fear no One..No Monster or evil brother!"-Hulk Hougan Year 2021 "Ama...Ama..Hindi!Ama!"napabalikwas ako ng bangon..hatinggabi nanaman!Nagmistulang alarm clock ko na ang panaginip na iyon..Ang eksena ng pagpaslang sa aking Ama. Gabi gabi na lang simula ng magising ako sa isang mahabang pagtulog hindi maaaring hindi ko iyon mapanaginipan.Panaginip na parang totoong totoo at tila kahapon lang nangyari!Ramdam ko pa din ang sakit ng paulit ulit!Ang katotohanang wala akong nagawa para iligtas siya.At oo..sabihin man ng iba na hindi ko kasalanan ang lahat..para sa akin..sa puso at isip ko..Kasalanan ko ang lahat!Ako dapat ang namatay ng gabing iyon.Ako dapat!Kaya kahit 10 taon na ang lumipas..hindi pa din mawala sa isip ko ang paghihiganti.I want to avenge my father's death!Hindi ako titigil hanggat hindi nanagot ang lahat ng gumawa niyon sa amin! Tumayo ako at binuksan ang bintana sa aking silid..Pumasok ang panggabing hangin..Ang hangin na madalas ko kaulayaw sa gabi..Hindi na ko makakabalik pa sa pagtulog..lagi namang ganun..dahil kahit naman hindi ako nagkakaroon ng masamang panaginip..bilang isang nocturnal dahil sa pagiging dugong bampira..mas mulat ang sa gabi kesa at tulog sa umaga.. Tiningnan ko ang kalangitan..Bilog nanaman ang buwan!Kaya pala sobrang pagkauhaw ang aking nararamdaman!Halos nanunuyo na ang aking mga lalamunan..Ipinasya kong bumaba sa bintana ng aking silid..subalit nakarinig ako ng kaluskos na nangagaling sa komedor..Kaya isinara ko ang aking bintana at lumabas ng pinto!Walang ingay akong tumalon pababa.Nakasanayan ko ng gawin iyon..At nakasanayan na din makita ng buong tao sa bahay maging ang kambal na sina Akeshi at Bien..Na noong una ay nagtago pa sa ilalim ng mesa pero ng masanay na eh..ginagaya na ang ginagawa ko..yun nga lang..sa mas mababang baitang sila nagsisimula Natatandaan ko pa na noong unang araw na gawin nila iyon ay muntikan pang malagay sa panganib ang buhay ni Akeshi kung hindi lang sa mabilis kong pagkilos..Sumabit kasi ang paa nito sa barandilya ng hagdan..Kaya naman pinapalitan na ito ni Pops ng full glass. Lumapit ako sa kusina..doon ko naririnig ang ingay..Mas nabigla pa siguro ang mukha ko ng makita kong may kagat kagat na isang buong crispy pata si Pops..kesa dito na nakita pula na naman ang kulay mg mga mata ko.. "Napaaga ata ang oras ng bangungot mo!"biro nito..Matanda na ito..Kung gaano katalas ang pandinig ko ay siyang kinahina ng pandinig nito. "Akin na iyan..Bawal yan sa iyo!"kinuha ko ang crispy pata na nasa bibig na nito.Kung ilang ulit na din kasi itong isinugod sa ospital dahil sa mataas na cholesterol..Pero wala itong kadala dala..Kung anong bawal yun ang kinakaen kapag walang nakatingin..tulad ngayon!Hating gabi na eh nagbubungkal pa ito sa kusina..Sino ba naman kasi sa kambal ang nag uwi ng crispy pata?Mababatukan ko talaga yun bukas. "Banal?Sinong banal?"iniiwas nito ang tangang crispy pata. "Bawal!Bawal Pops..Give me that" "Bawang?hindi ba ayaw niyong mga bampira yun?"sabi pa nito na nagtatakbo palabas ng kusina dala pa din ang crispy pata. Hindi na din naging lihim sa mga ito na isa akong Bampira. Wayback 2010 Kabilugan ng buwan noon..dahil sa matagal na pagkakatulog at hindi pag inom ng dugo..ay trumimple ang pagkauhaw ko..Lumabas ako ng bahay..walang alagang kahit anong hayop ang mag-lololo..kaya napilitan ako tahakin ang kakahuyan para dun maghanap ng pagkaen..Mabilis ang kilos ko..kailangang maibsan ko ang pagkauhaw na nararamdaman ko.Napangisi ako ng marinig ng kaluskos mula sa kung saan...Nag antay ako ng ilang saglit..Pagkaen!Naaamoy ko na ang magiging pagkaen ko. Maya maya...isang napakalaking baboy ramo ang tumatakbo papunta sa direksiyon ko..Hindi man sapat ang dugo nito pero mainam na iyon..laman tiyan din ito!Inihanda ko amg sarili sa pag atake..At ng malapit na ito ay sinunggaban ko ito..Napaigik ito ng tarakan ko ng punyal..Sumirit ang dugo nito kaya isinahod ko ang bibig ko..May kapaitan ang dugo ng baboy ramong iyon nung unang sumayad sa aking mga bibig pero kalaunan ay nagiging okay na din naman ang lasa.Masarap sa pakiramdam..ang daloy ng dugo nito sa aking lalamunan..Nadismaya ako ng humina ang pagsirit ng dugo kung kayat piniga ko ang bawat laman nito at inilapit pang mabuti ang bibig ko sa katawan nito.Hindi ko ito tinigilan hanggang sa huling patak ng dugo na meroon ito..Nasa kalagitnaan ako ng paghagod ng aking dila sa loob ng katawan nito ng makarinig ako ng papalapit na yabag..Hindi ito mabangis na hayop..magaan ang mga yabag nito.. "Calix?"napatda ako..Nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig.Nakita kong nakatayo at nakatingin sa akin si Pops at ang dalawang apo nito na sina Akeshi at Bien. Dahil hindi pa naiibsan ang aking gutom..naging isang masarap na pagkaen ang naging tingin ko sa tatlo..In one swift move..habang may dugo pa ang aking bibig ay nakalapit ako kay Pops..sinakal ko ito na ikinasigaw ng dalawang bata.. "His eyes is red again"narinig kong sabi ni Akeshi..Sa halos isang buwan kong pagtira kasama ang mga ito..kaya ko ng malaman kung sino si Akeshi o sino si Bien sa mga ito kahit hindi ko tingnan ang nagsasalita. "Shut up.Pops cant breathe..Huwag mo naman higpitan Mr.Calix!"wika naman ni Bien na hinawakan pa ang bakante kong kamay!Napatingin ako sa maliit na daliri na nakahawak sa mga kamay ko.Lumipat ang tingin ko sa mga mata nitong nakatingin sa akin..Walang takot ang mga mata nito.Wala ding panghuhusga na madalas ko makita noon sa aking mga kalahi.Naalala ko na!Kaya pamilyar ang paraan ng pagtingin nito..Ito ang tingin na ibinibigay sa akin ni Ama sa tuwing pinipilit kong palabasin ang mga Pangil ko but I ended hurting myself..ang tinging binibigay niya sa akin sa tuwing mawawalan ako ng kontrol sa sarili ko at makakagawa ng pagkakamali..Pang unawa!Unti unti kong niluwagan ang pagkakasakal sa abuelo ng mga ito..Nagtatanong ang tinging ibinigay ko kay Pops nang abutan ako nito ng panyo. "Busog ka na ba?Punasan mo sarili mo! "Oo nga Mr.Calix..you look grossed!"maarteng wika ni Akeshi..Lumakad ito palapit sa wala ng dugong baboy ramo! Sinundan ito ng kakambal.Tinapik pa ako ni Pops bago sinundan ang kambal. Napatingin ako sa mga ito,na matamang ineeksamin ang baboy ramo.. "Hindi mo ginalaw ang puso at laman loob..tanging dugo lang ang ininom mo!"malakas na sambit ni Pops sa akin..Kasalukuyan kong pinupunasan ang aking bibig.Kataka takang nawala ang pagkauhaw ko kahit hindi sapat ang dugong nainom ko. "He is a vampire Pops!but i didnt see his fangs!"wika ni Bien..na nakaindian seat sa tabi ng baboy ramo.. "Really?Is it possible?Vampire with no Fangs?!"nilingon pa ako ni Akeshi.He looks amazed!Matagal kasing nanirahan sa ibang bansa ang mga ito kung kaya't Ingles ang madalas na gamitin ng mga itong salita.Pero nakakaintindi at matatas din ang mga itong magTagalog.Nasa ibang bansa pa din ang Filipinong ama ng mga ito at Japanese na Ina! "Hindi ba kayo natatakot sa akin?"tila balewala sa mga ito ang nalaman..May pagkagulat akong nakita sa mata ng mga ito kanina..pero saglit lang at ngayon ay kalma na ulit ang mga ito. Nagkibit balikat ang kambal at tumayo na at nauna ng lumabas ng kakahuyan..Tila kabisado ng mga ito ang daan pauwi..Ang lolo naman ng mga ito ay lumapit sa akin.. "Fear no one..No beast or evil brother!"wika ni Pops.."Famous saying ni Hulk Hougan!"kumindat pa ito bago sinundan ang mga apo. Who the hell is Hulk Hougan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD