
Paraiso kung ika'y tawagin ng nga Pilipino, ang iyong ganda'y nagniningning sa mata ng bawat bisita. Isang araw, ang iyong ganda ay nagbago at biglang nadungisan ng dayuhan. Mga nagsisigandahang tanawin biglang nagtago at naglaho. Ang mga Pilipino ay tinawag nilang nga indio, mangmang at walang alam. Maraming pilipino ang nag-alsa laban sa pang-aabuso ngunit marami ring bumaliktad sa mga plano. Masakit isipin na kapwa Pilipino and hihila sayo ngunit yan and realidad sa buhay ng tao. Ika'y nalugmok at nabahiran ng pawis, luha at dugo, karahasan at kawalan ng hustisya ang nanaig at nagdulot ng hinagpis at takot sa bawat Pilipino.
