Nabuntis si Aerith ng isang anak ng duke at labis ang galit ni emperador Jeremiah. Hinarap nito ang nakabuntis kay Aerith at ang nakabuntis sa kaniyang kapatid ay si Cassmir. Nasa labing pitong taong gulang na ito at lumuhod sa kaniya ang nakabuntis sa kaniyang kapatid.
"Ikaw pala ang nakabuntis sa aking kapatid. Alam mo ba ang nakaatang na responsibilidad sa ginawa mo sa kaniya? Sumagot ka!" Pagalit na tanong ni emperador Jeremiah kay Cassmir.
"Patawarin mo po ako mahal na emperador ng Odisius. Minamahal ko ang iyong kapatid at handa ko itong pakasalan," pagmamakaawang sambit ni Cassmir sa kaniya.
"Hindi mo ba inisip na mahalin ang iyong sariling buhay! Lapastangan ka!"
Atsaka nito sinipa si Cassmir at labis ang sakit na naramdaman nito. Niyakap ni Aerith ang kaniyang kasintahan at ito ay umiyak nang umiyak sa harapan ng kaniyang kuyang emperador. Inawat naman ni prinsesa Allirea ang kaniyang kapatid upang mapakalma ito sa narararamdamang galit.
"K-kuya tama, nagkamali ang ating kapatid subalit sana ay mapatawad mo ito!" Umiiyak na saad ni Allirea kay emperador Jeremiah.
"Ano ang naging pagkukulang ko sa inyo, huh, Aerith. Ibinigay ko ang lahat- lahat upang hindi ni'yo maramdaman na wala na ang ating mga magulang. Buong buhay ko, kayo ang iniisip ko kahit minsan ay napapabayaan ko na ang ating emperyo. Pumayag akong samahan mo ang iyong kakambal dahil alam kong mas malakas ang iyong kalooban kaysa sa kaniya!" Pagalit na wika nito kay Aerith.
Inawat naman nina emperador Clovis at emperador Eliezer ang kanilang pamangkin nang papatayin niya sana si Cassmir.
"Jeremiah, pakalmahin mo ang iyong sarili. Uwi na muna tayo sa iyong palasyo, kausapin mo na lang si Aerith kapag maayos na ang iyong pakiramdam," mahinahong saad naman ni emperador Clovis sa kaniya.
"Allirea, halika na umuwi na tayo sa Odisius. Ayokong magaya ka sa kapatid nating hindi nag- iisip!"
"S-sige po kuya sasama po ako," gumagaralgal na tinig ni Allirea.
Natatakot si prinsesa Allirea sa kaniyang kapatid na emperador. Hindi ito makatanggi sa kaniyang inuutos. Pagdating ni emperador Jeremiah sa palasyo ng Odisius kaagaran itong umupo sa kaniyang trono.
"Mama, ama, hindi ko na po kaya. Bakit ganito ang aming naging kapalaran. Sana ay gabayan ni'yo po ako sapagkat hindi ko na alam ang aking gagawin," umiiyak na saad ni Jeremiah sa kaniyang sarili.
Ipinikit ni emperador Jeremiah ang kaniyang mga mata at nakatulog na habang nakaupo sa kaniyang trono. Nakatulog ito sa sobrang pagod at sakit ng kalooban. Napanaginipan nitong muli ang kaniyang mga magulang at nakita nitong umiiyak ang kaniyang ama at ina. Sa kaniyang panaginip, niyakap nila siya at humagulgol sa iyak si Jeremiah.
"Ang aking anak na napakatapang na emperador nakita ko ang nangyari," nag- aalalang wika ni emperador Schniziel sa kaniya.
"Anak huwag mong susukuan ang iyong kapatid na si Aerith. Patawarin mo na ito sa kaniyang pagkakamali," saad naman ni Amethyst sa kaniya.
"Ama, mama, mabuti pa rito dahil narararamdaman ko ang inyong napakainit na yakap. Ano po ba ang nagawa kong pagkukulang sa kanila? Hindi pa ba sapat ang ginawa ko para lamang sa kanila? Sumusuko na po ako," umiiyak na sambit ni Jeremiah sa kanila.
Hinalikan nila sa pisngi at noo ang kanilang anak. Humingi ng tawad ang dalawang mag- asawa sa kaniya dahil sa maaga nilang iniwan ang kanilang mga anak.
"Anak, parati kaming narito para sa iyo. Kahit sa panaginip lamang tayo magkasama- sama, sana ay huwag mong susukuan ang lahat ng bagay. Tulad ng aming ginawa sa inyo, ang tunay na pagmamahal ay walang sinusukuang mga dumarating na pagsubok. Bukas ay pumunta ka sa bayan ng Krushan at kausapin mo ang iyong kapatid. Ang kaniyang mapapangasawa ay isang napakabuting binata, kaya't huwag kang mag- alala aking mahal na panganay, " nakangiting wika ni emperador Schniziel sa kaniya.
"Subalit napakabata pa ni Aerith upang magdalang- tao, ama at mama," saad nito sa kaniyang mga magulang.
"Huwag kang mag- alala at mamaya ay pagsasabihan ko siya sa pamamagitan ng panaginip. Subalit baka heto na ang huli nating pag- uusap aking anak, alam kong kayang- kaya mo iyan. Magkikita- kita na lamang tayo rito sa aming emperyo ng paraiso. Tandaan mo mahal na mahal ko kayong lahat, lagi namin kayong gagabayan kasama ng iyong ina," nakangiting wika ni emperador Schniziel sa kaniya.
"Ikaw ang ala- ala ng iyong ama, Jeremiah. Alam mo bang hindi nangungulila ang iyong mga kapatid sa amin? Sapagkat ang nakikita nila sa iyo ay hindi bilang ikaw na kanilang kuya kung hindi nakikita nila ang inyong ama sa iyo. Kaya kung mapapansin mong si Scaffer, Allirea, Schneider at Aerith ay hindi na sila nangulila sa kanilang ama. Samantalang si Aerith siya ang aking ala- ala sa inyo, kaya't magpakatapang ka anak. Hihintayin ka namin r
dito sa takdang panahon. Kung sakaling magkaroon ka man ng anak, malalaman mo kung bakit magpahanggang sa ngayon ay hindi namin kayo sinusukuan," sambit naman ni Amethyst sa kaniya habang hinahaplos nito sa mukha ang kaniyang panganay na anak.
Niyakap nang mahigpit ni Jeremiah ang kaniyang mga magulang at nagpasalamat ito sa kanila. Hinalikan din nito sa kanilang pisngi at umiiyak na nagising ang emperador ng Odisius. Samantalang si Aerith ay patuloy na umiiyak magdamag at hinihiling nito sa Bathala na sana ay mapatawad siya ng kaniyang kapatid na emperador. Kinabukasan ay dumating sa emperyo ng Krushan si emperador Jeremiah upang kausapin ang kaniyang mga kapatid. Niyakap ni Jeremiah ang kaniyang kapatid at sila ay nag- iyakan. Lumapit din sina emperador Schneider, prinsepe Scaffer, prinsesa Allirea, nakisali sila sa pagyayakapan ng dalawa.
"Mahal na mahal ko kayo aking mga kapatid. Kung ano ang kaligayahan ni'yo hindi ko kayo pipigilan. Ikaw Aerith, pinapayagan na kitang makisama kay Cassmir subalit manatili na lamang kayo rito sa emperyo ng Krushan upang matulungan mo ang iyong kakambal," umiiyak na saad ni Jeremiah sa kanila.
"Salamat kuya ko, salamat dahil nagpaka-ama ka sa amin. Sa tuwing nakikita kita, tila kayakap ko na ang ating ama. Kaya't hindi na kami nangungulila sa kanila," umiiyak na wika ni Aerith sa kaniya.
Kinagabihan, namanhikan sina Cassmir at ang kaniyang amang duke sa emperyo ng Krushan. Napag- usapan nilang gaganapin ang kanilang pag- iisang dibdib pagdating ng ika- 18 kaarawan ni prinsesa Aerith.