Chapter 2: Anger and Tears

1021 Words
Pumunta si emperador Clovis sa puntod nina Amethyst at dating emperador na si Schniziel. Nadatnan niya si Jeremiah at labis pa rin ang pangungulila nito sa kaniyang mga magulang. Kinausap ng emperador ng Sevias ang kaniyang pamangkin. "Araw- araw ka na lang bang umiiyak sa harapan ng puntod ng iyong mga magulang?" Tanong ni emperador Clovis sa kaniya. Lumingon si emperador Jeremiah at pinunasan nito ang kaniyang luha. "I-ikaw pala tiyo," wika nito sa kaniya. "Nabalitaan ko kay Scaffer na lagi ka na lamang raw narito? Wala ka bang balak makipagpulong sa bayan ng Quidan?" "Pupunta na rin po ako tito at binisita ko muna ang aking mga magulang." "Alam kong mahal na mahal mo ang iyong mga magulang, subalit tandaan mo ang responsibilidad na iniwan nila sa iyo. Lagi mong tatandaan ito, Jeremiah, sa tuwing makikita mo ang iyong mukha sa harapan ng salamin. Ang nakikita mo ang iyong ama, tandaan mo ang sinabi niya. Ikaw at siya ay magiging isa." "Alam ko po iyon tiyo, mahal na mahal ko ang aking mga magulang subalit maaga silang kinuha ni Bathala. Marami akong pangarap na sana'y kasama sila ngunit hindi na iyon matutupad dahil wala na sila. Pangarap kong sa kanilang pagtanda ako naman ang mag- alaga sa kanila at mabigyan sila ng apo. Ang sakit tiyo ko, hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap ang kanilang pagkasawi. Subalit ang inumpisahan ng aking ama ay dapat kong ituloy dahil alam kong binabantayan nila ako." "Oo, Jeremiah, hanga ako sa iyo. Katulad mo nga ang iyong amang napakatapang at napakatatag ng kalooban, halika na hinihintay na tayo ng iyong kapatid na si Schneider sa bayan ng Quidan." Pumunta ang mag- tiyo sa bayan ng Quidan upang makipagpulong sa mga tapat na emperador. Sa labing- lima ang miyembro nila dati subalit sa ngayon ay nasa walo na lamang ang mga emperador na naging kasapi ng kaniyang ama. Napatay ang iba, dalawang taon na ang nakakaraan. Nang makarating sila sa bayan ng Quidan sinalubong ni emperador Schneider ang kaniyang nakakatandang kapatid at ito ay kaniyang niyakap. "Kuya...." Lumuluhang wika ni Schneider sa kaniyang kuya na si emperador Jeremiah. "Kumusta ka na Schneider sa bayan ng Krushan?" tanong ni Jeremiah sa kaniya. "K-kuya, ayoko nang mamuno roon. Hindi ko alam ang aking mga gagawin." "Bakit? Palagiang ba na naman kayong nag- aaway ni Aerith?" "Hindi po kuya. Matigas ang ulo ni Aerith sapagkat wala pa sa kaniyang edad ang magkaroon ng kasintahan. Gusto na raw nitong mag- asawa. " "Bakit? Sino ngayon ang kaniyang kasintahan? Nasa labing- limang taong gulang pa lamang kayo at hindi ko pa ipinapahihintulutan ito!" "Isang anak ng duke sa aking palasyo ang kaniyang kinahuhumalingan. Hindi ko sinabi ito sa iyo kuya dati dahil alam kong magagalit ka. Isang araw ay nakita ko sila sa kaniyang silid at nagtatalik silang dalawa subalit hindi na lamang ako kumibo." "Kailan pa ito nangyayari?!" "Mag dadalawang buwan na po kuya at ngayon siya ay buntis sa anak ng duke." Nagulat si emperador Jeremiah sa ibinalita ng kaniyang kapatid. Narinig naman nito nina emperador Eliezer, Clovis, Calix at Jiren. Labis silang nag- alala sa isiniwalat na lihim ni Schneider. Kinuyom ni Jeremiah ang kaniyang kamao at nakikita nila sa kaniyang mukha ang pagkagalit. "Schneider, maiwan muna kita rito. Pupunta ako sa bayan ng Krushan upang kausapin si Aerith," wika nito sa kaniyang kapatid. "Sige po kuya," sagot naman ni Schneider sa kaniyang kuyang emperador. "Sasama kami ni emperador Eliezer," saad naman ni emperador Clovis sa kaniyang pamangkin. Pumunta sila sa bayan ng Krushan at nadatnan nilang si Aerith na umiiyak. Nagulat ito dahil nakita niya ang kaniyang kapatid na emperador na si emperador Jeremiah. "Kuya J-Jeremiah..." Gulat na sambit ni Aerith sa kaniyang panganay na kapatid. Sinampal bigla ni Jeremiah ang kaniyang kapatid na prinsesa at galit na galit ito dahil sa ginawa ng kaniyang kapatid. Inawat naman nina emperador Eliezer at Clovis ang kanilang pamangkin dahil alam na alam nila ang ugali ni Jeremiah sa tuwing nagagalit. Katulad ng kaniyang ama kung magalit ang kanilang pamangkin na emperador ng Odisius. "K-kausapin mo muna ng masinsinan ang iyong kapatid bago ka magalit Jeremiah. Pakalmahin mo ang iyong sarili," mahinahong saad naman ni emperador Eliezer sa kaniya. "Bakit mo nagawa ang kahihiyang ito, Aerith. Nagpabuntis ka sa anak ng duke at hindi ka na rin nahiya sa kakambal mong isang emperador sa bayang ito?! Nasaan ang lalaking ito?! Sumagot ka!" Pagalit na saad ni emperador Jeremiah kay Aerith. "K-kuya hindi ko po sinasadya, nadala lamang ako ng matatamis na salita sa anak ng duke na iyon. Umibig lamang ako at sa ngayon iniwan niya ako," umiiyak na sambit ni Aerith sa kaniyang kapatid. "Hindi ka man lang nag- isip, Aerith. Bata ka pa at nasa labing- limang taong gulang upang mabuntis. Kung buhay lamang ang ating mga magulang tiyak na hindi lang sampal ang aabutin mo sa ating ama!" "Bakit kuya?! Kasalanan nila kung bakit nagkaganito tayo dahil iniwan nila tayo. Hindi nila tayo mahal kaya napabayaan tayo. Hanggang ngayon sinisisi ko sila sa ating naging kapalaran. Kung bakit maagang namuno si Schneider dito at pakiramdam ko ay nagkawatak- watak tayo!" "Wala kang nalalaman Aerith sa kanilang mga sakripisyo. Alam kong alam mo iyan kung paanong namatay si mama dahil sa digmaan. Ang ating ama ay nilabanan nito ang kaniyang kalungkutan para lamang mabuhay tayo. Alam mo kung gaano nila tayo kamahal at ibinuhos nila ang kanilang mga oras at panahon para lamang sa atin. Pagkatapos maririnig ko lang sa iyong bibig ang kapangahasang iyan at ako hindi pa ba ako sapat sa inyong buhay. Wala akong magawa subalit lahat ibinibigay ko sa inyo upang hindi ni'yo maramdaman na nag- iisa kayo!" Tumayo si Aerith at niyakap nito ang kaniyang kapatid. Samantalang si Allirea ay walang- tigil sa kaniyang pagluha. Nagyakapan silang tatlo at humingi ng tawad si Aerith sa kaniyang kuyang si Jeremiah. "P-patawarin mo ako kuya kung inisip ko lang ang aking sariling kapakanan. Hindi ako nakapag- isip ngunit sana ay hayaan mo kaming magsama ng aking kasintahan, kuya. " Hindi na lamang kumibo si emperador Jeremiah sapagkat nagagalit ito sa kanilang naging kapalaran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD