LARA can’t take her eyes off the full length mirror in front of her. Hindi niya lubos na mapaniwalaan ang nakikitang kasalukuyang hitsura; kung dati ay nasanay siyang minimal makeup lang ang ginagamit na pampaganda sa araw-araw, ngayon ay halos hindi niya makilala ang sarili sa dami ng koloreteng nakalagay sa kaniyang mukha. Mula sa pinakapal na magkabilang kilay, brown eye shadow na ipinahid sa kaniyang mga talukap, false eyelashes na mas lalo pang nagpalantik sa natural na may kakapalan nang mga pilikmata niya, matte red lipstick on her full lips, hanggang sa highlighter at contour na nagpalitaw ng magandang hugis ng kaniyang mukha: all those made her look like a totally different person. Sunod ay bumaba ang paningin niya sa suot na red off-shoulder side slit dress, na sa palagay niya

