Chapter 23: A Mother's Love

1620 Words

PABAGSAK na naupo si Adrian sa papag na isa sa props nila sa binubuong pelikula, katamtaman ang layo mula sa puwesto ng male antagonist at ng iba pang co-star niyang kasalukuyang nakasalang sa shooting. On standby siya dahil eksena na raw nila ni Lara ang kasunod na kukunan. “Bakit parang nagdadabog ka?” pabulong na sambit ni Maddie, na naroon na rin sa upuan bago pa siya dumating. Nang lingunin niya ang babae sa kaniyang tabi ay nakita niyang inilapag nito sa kandungan ang kaninang pinag-aaralang script upang mapag-ukulan siya ng buong atensyon. Bahagya pang nakataas ang kilay nito habang naghihintay ng sagot niya. But instead of answering, muli lang siyang nag-iwas ng tingin at sumimangot sa kawalan. Kasunod noon ay narinig niya ang pagpalatak ni Maddie at ang bahagyang paglangitngit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD