Chapter 24: Eavesdrop

1437 Words

PADASKOL na hinubad ni Lara ang suot na sleep mask. Kumurap-kurap muna siya hanggang sa muling luminaw ang mga mata, bago nayayamot na bumangon mula sa kama. Hinagilap ng kaniyang paningin ang alarm clock na nakapatong sa bedside cabinet. She then groaned when she realized it was already 2:30 a.m. Kaunting oras na nga lang ang magiging pahinga niya ay hindi pa siya dalawin ng antok! Tuluyan siyang umalis sa higaan at binuhay ang ilaw sa silid. Pagkatapos ay kinuha niya ang picture frame na nakapatong sa ibabaw ng cabinet. Dinala-dala niya iyon hanggang sa kaniyang pag-upo sa silyang nasa isang sulok ng kuwarto at matamang pinagmasdan ang picture na nakapaloob doon. Silang dalawa ni Adrian ang subject ng larawan. Kinunan iyon noong minsang nakisalo siya sa wedding anniversary celebration

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD