“UY! ‘Yung isa d’yan, kinikilig!” makulit na panunudyo ni Maddie kay Adrian, gamit ang mahinang tinig. “Bati na kayo, ‘no? Ang lagkit ng tinginan n’yo, eh.” Nakatambay siya sa upuan ng audience samantalang si Adrian naman ay nakatayo sa tapat ng panibagong upuang mas mababa ng isang lebel kaysa sa kinapupuwestuhan niya. Nasa studio sila ng Party under the Sun—ang Sunday noontime variety show ng FLE Network—at nagri-rehearse para sa performances nila sa live airing ng naturang programa, tatlong oras mula ngayon. Huminto lamang sila saglit para magpahinga. Kasama rin nila roon ang iba pang artista ng FLE, kabilang na si Lara na siya nilang pinanonood mula sa kanilang kinaroroonan. Batid ng babae na nakamasid sila, dahil ilang minuto nga lang ang nakalilipas ay panay ang nakaw nito ng sulya

