TWO MORE MONTHS have passed at natapos na ang shooting ng pelikula nina Adrian, Maddie at Lara, kaya naman puspusan na ang promotion nila. Malakas ang kompyansa ng producer at direktor nila na magiging isang blockbuster hit ang proyekto sa oras na ipalabas na iyon sa takilya, dahil bukod sa powerhouse casts ay walang dudang kapana-panabik din talaga ang istorya niyon. Maging ang thirty-second trailer na ipinakita nila sa publiko ay napaka-catchy rin, kaya hindi nakapagtatakang nakakuha iyon ng libo-libong positive feedbacks mula sa netizens. Umaasa ang buong team nila na mas makahahatak pa sila ng mas maraming manonood sa mga susunod na buwan, lalo na kapag nai-release na ang full trailer ng movie. Narinig ni Adrian ang pagbukas-sara ng pinto ng sinasakyan niyang van, at kasunod niyon ay

