Chapter 20 -Maghintay Ka Lang Bago pa ako natulog kagabi ay nagplano na ako kung paano ko sisiyasatin ang DE SILVA CONDOTEL. Kung pag-aari ito ni Hector ay malamang dito siya madalas na nagla-lagi para nga naman malapit lang sa pasugalan niya. Pero alam ko na may ibang tirahan pa siya bukod dito dahil noong naging target ko siya ay sa Laguna ko siya natagpuan. Sinimulan ko ang unang araw ko sa ground floor, sa loob at labas. Tumambay muna ako sa lobby upang magmasid. Habang hawak ang newspaper at nagkakape ay naka-manman ang mga mata ko sa paligid. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang mga cctvs na nakalagay sa kabuuan ng lobby. Nakipag-kaibigan rin ako sa babaeng nasa front desk at sa isang maintenance personnel. Dito sa ground floor matatagpuan ang maintenance and supply room, security

