#13: Keyboard Piano

2832 Words
Dahan-dahan ko pang Iminulat ang dalawa kong mata. Parang effective nga yung ginawa ko, kasi pakiramdam ko parang walang ibang tao na nandito sa silid kung hindi ako at ang Piano lang na nasa harapan ko. Pero nagulat ako nang siya lang ang maliwanag na ruhemistro sa akin. Nakatayo siya doon sa tapat ng Pinto nitong Kuwarto. Nakangiti pa siya sa akin habang ako ay patuloy pa ring kumakanta at tumutugtog. I came back to my senses nang ma-realize kong si Ever mismo ang nakikita kong nakatayo roon. Pero bakit ganon? Siya lang ang malinaw at bukod tanging nakita ko simula kanina. Wendy, Anong nangyayari sa'yo? **** *** ***** Nang makarating ako sa bahay. Napansin kong sarado ang pinto at ang mga bintana. Nag-taka naman ako nang mapansin kung parang madilim sa loob. Teka.. Umalis ba silang lahat? Bakit parang ang tahimik naman ata? Parang walang tao sa loob. Pinihit ko na iyong door knob at bumukas naman iyong pinto. So nasaan ang mga tao dito? "Mama, Nakauwi na po ako!" Sabi ko pa nang makapasok na ako doon sa loob. Wala talaga akong makita na kahit na ano dahil ang dilim-dilim ng buong bahay. Pinindot ko na iyong switch ng ilaw saka ko naman biglang narinig ang boses ng kapatid ko at nakita ko itong si Ate liyann. "Happy birthday, Wendy!" Rinig kong sabi nito habang may hawak-hawak na Cake papalapit sa akin. Nag-labasan na rin sila Mama, Liyah at yung Asawa't anak ni Ate na si Kuya Leo at Lily. Sabay-sabay nila akong kinantahan ng Happy birthday song. "Maligayang bati ulit sa'yo, Anak ko." Palapit nitong sabi sa akin ni Mama saka siya yumakap sa akin. "O Lily, Anong sasabihin mo kay Tita?" Turo nitong asawa ni Ate kay Lily saka ako nito ginawang batiin sa abot ng kanyang makakaya. Lily is only 3 years old. Kaya naman hirap pa siya at medyo bulol pa siyang mag-salita. Siya ang unang baby nila Ate liyann at ni Kuya leo. "O sige na, Wendy. Mag-wish ka na at hipan mo na itong cake. Nangangawit na ako e!" Pabiro pang sabi nitong si Ate liyann sa akin. Kaya naman nag-tawanan kaming lahat! "Salamat po sa inyong lahat! Nag-handa pa kayo. Akala ko tapos na yung kaninang umaga. Pero okay na ako roon sa simpleng pancakes ah? Tapos may pa-ganito pa pala kayo para sa akin. Kaya pala kaninang umaga hinahanap ko kayo nila Kuya.. Wala kayo. Wala rin namang sinasabi sa akin itong sila Mama. Akala ko nga umalis kayo e! Ang dilim-dilim kasi dito kanina." Dire-diretsong sabi ko. Hindi ko maipaliwanag ang galak na nararamdaman ko. "Plano talaga ito ng mga Kapatid mo, Anak. Tumulong lang kami nitong si Leo. Nasurprise ka naman ba?" Sabi pa nitong si Mama habang nakangiti pa ito sa akin. "Opo. Nasurprise talaga ako! Ewan ko ba, Si ate palagi naman siyang may ginagawa tuwing may mag-bibirthday dito sa'tin. Pero hindi ko Ini-expect na ganito ang gagawin niya this time. Thank you, Ate liyann ha? Sobra kong na-aappreciate lahat nang ginagawa mo para sa amin. Kahit na may sarili ka ng pamilya hindi ka pa rin nawawalan ng oras para sa amin. Saka okay lang naman sa akin kung hindi tayo mag-handa ngayon. Kahit pumunta na lang kayo dito ng family mo at sabay-sabay tayong mag-dinner masaya na ako doon." Hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong matuwa dahil sa mga nakikita ko. Medyo teary eyed pa nga ako buti na lang hindi ako tuluyang naluha sa harapan nila. "Ano ka ba naman, Jairah! Isang beses isang taon lang naman dumadaan ang birthdays.. Ano ba naman kung mag-handa tayo at kumain ng masarap paminsan-paminsan di'ba?" Nakangiti pa nitong pag-kakasabi sa akin. "Saka gusto ko masaya ka. Gusto ko mayroon tayong celebrations every birthdays ninyo nila Aloy. Deserved mo naman lahat ng 'to kapatid! Kaya huwag ka nang mag-salita diyan nang kung anu-ano. Kumain na tayong lahat, Tara na!" Dagdag pa nito saka kami nag-puntahan doon sa harapan ng Lamesa. Ang rami nilang niluto! Daig pa namin ang nasa Fiesta sa dami ng pag-kaing nakahain. Kumakain na lang ako pero hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mukha ni Ever na nakangiti. Ang weird lang kasi! Dahil sa dami ng bagay at taong puwede kong unang makita... Bakit siya pa ang malinaw na nakita ko? Akala ko tuloy nananaginip ako ng gising kanina. Sabi ko pa naman.. Effective iyong ginawa ko para mabawasan yung kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam.. Pero bakit nong nakita ko siya kanina doon sa Music room instead na mainis ako sa kanya, parang kumalma pa ang buong paligid ko. Parang may something kanina sa Awra niya na hindi ko maipaliwanag kung ano. Ang weird ng feeling! Saka paano niya nalaman na nag-punta ako doon para mag-audition? "Nga pala, 4:30 ng hapon hindi ba dapat tapos na ang klase mo? Pero bakit mag-aalasais na ng gabi umuuwi ka pa lang. May pinuntahan ka pa ba?" Tanong naman saakin nitong si Ate habang kumakain. "Ahh. Sa school lang rin." Maikling sagot ko dito saka muling sumubo ng Spaghetti na kinakain ko. "O bakit, Anong meron? May group project ba kayo or anything?" "Wala naman." "E anong meron bakit hindi ka agad umuwi kaninang alas kuwatro?" Napatigil ako sa pagkain ko saka ako isa-isang napatingin sa kanilang lahat. "May... Open audition kasi kanina sa School. Nag-audition ako para sumali sa Music club ng school namin. Ayon nag-try out ako. Matagal na kasi akong hindi sumusubok sumali. Kaya ayun!" Finally nasabi ko rin. Nahihiya kasi akong sabihin sa kanilang nag-audition ako. Tho.. Alam naman nilang lahat na nag-susulat ako ng sariling kanta. "Talaga, Anak? Wow naman! O kumusta yung nangyaring audition? Natanggap ka na ba?" Tuwang-tuwa pang sabi nitong si Mama. "Wala pa pong result na sinasabi regarding doon. Bale next week pa namin malalaman kung pasok ako sa Group or hindi." "Ano ka ba, Ate. Sure naman ako na matatanggap ka diyan. Saka magaling ka kaya at sure na may talent!" Singit naman nitong si Aloy sa usapan. Proud na proud pa siya habang sinasabi iyon sa akin. "Agree ako diyan sa sinabi ni Liyah. Saka tama yang ginagawa mo, Wendy. Mag-paka active ka sa School enjoyin mo lahat ng nangyayari sa paligid mo habang nag-aaral ka. No pressure just be yourself, okay?" Dagdag naman nitong si Ate liyann sa mga sinabi nila. Ngumiti lang ako at tumango bilang tugon sa mga sinabi nito. "Marami ka na sigurong naisulat na kanta, Wendy no? Minsan baka puwede mong iparinig sa'min yan nila Mama." Sabi naman nitong si Kuya leo. Ngumiti ako bago muling mag-salita.. "Sige po. Kapag natapos ko na yung isang kantang sinusulat ko ipaparinig ko sa inyo." Nakakatuwa at sobra nila akong na-appreciate dito. Sila pa nga ang mas nag-pupush sa akin sa mga bagay-bagay! At mas higit pa silang naniniwala sa akin kaysa sa sarili ko. Napuno ng ilang kuwentuhan ang buong bahay namin habang masayang kumakain. At matapos non.. Umakyat na muna ako ng kuwarto ko para mag-palit ng damit pang tulog at para na rin ayusin ang mga bitbit ko simula kanina. Inilagay ko na muna sa Refrigerator iyong cupcake na ibinigay sa akin ni Welsy dahil hindi ko naman iyon magagawang kainin agad. Same with these sweets and everything na ibinigay rin sa akin ni Ever. At nang okay na ang lahat, Bumalik na ako sa Kuwarto ko. Pero hindi pa man din ako nakakabalik sa aking kama narinig ko naman ang pag-katok nang kung sino doon sa labas. "Wendy, Puwedeng pumasok?" Nakasilip pa siya doon sa pintuan. "O kala ko umuwi na kayo nila Kuya leo?" Yon naman agad ang unang naging bungdad ko sa kanya. "Hindi. Nag-usap na kami ni Leo na dito na muna kami mag-papalipas ng gabi at bukas na lang kami uuwi sa bahay." "Uhm. Okay! May kailangan ka ba or may sasabihin ka sa akin, te?" Sabi ko saka ako naupo doon sa Kama. "Wala naman. Gusto lang kitang kumustahin. Like nakakatuwa kasing malaman na gumagawa ka ng paraan para maibalik yong ilang mga bagay na ginagawa mo non. Gaya nang pag-tugtog at pag-kanta." Ngumiti lang ako sa kanya. "Naalala ko kasi yung sinabi ko noon sa sarili ko. Na kahit na anong mangyari hindi ako dapat tumigil na gawin yung isa sa mga bagay na nag-papasaya sa akin, dahil lang may hindi magandang nangyari sa buhay ko. Hindi dapat maging dahilan ang pagiging malungkot ko, pagka-dismaya or failure para mag-stop ako." "Saka.. Gusto ko kasi talagang mag-join sa ganoong club sa school. Kaya nong malaman kong magpapa-Audition sila hindi na ako nag-patumpik tumpik pa at sinubukan ko." Tumango-tango lang ito sa mga sinabi ko. "May mga kaibigan ka naman sa School?" Tanong pa nito saka ito ngumiti ng malawak. "Meron naman." "Ahh.. Sila din ba ang nag-bigay ng regalo sa'yo?" Napalingon naman ako doon sa isang paper bag na nasa tabi ko. "Ito? Oo. Galing 'to sa isang kaklase ko." Maikling sagot ko rito. "Sinong kaklase?" Tanong pa niya. Bakit ba lately nagiging matanong siya? Nawiweirduhan nanaman ako dito sa Kapatid ko "Si Welsy at Ever. Sa kanila galing yung mga gift na natanggap ko kanina." Sinagot ko na yung tanong niya. Total naman yon rin ang gusto niyang marinig galing sa akin. "Ever? Lalaki ba yon o Babae?" Napakunot na lamang ang noo ko dahil sa naging tanong niyang yon. "Lalaki. Bakit may problema ba don, Ate?" "Ate liyann, matutulog na pala ako." Oo. Palalabasin ko na siya dahil alam ko na kung saan papunta ang usapan na'to. "Manliligaw mo yan no? Oh my ghaad Wendy! Dalaga ka na talaga. Dalhin mo yan dito sa bahay para makilala na namin." Rinig ko pang pag-kakasabi nito na para pang kinikilig. "Ewan ko sayo, Ate. Big deal na ba sa inyong tumatanggap o nakakatanggap ako ng regalo na galing sa lalaki?" Nag-sasalubong na tuloy ang dalawa kong kilay e. "Alam mo Lillian Jairah, kung para sayo walang kahulugan ang mga yan. Sa kanya meron! Lalo na't tinanggap mo. Masaya yon na tinanggap mo ang regalo niya sayo." "So.. Kailangan ba isauli ko na ito sa kanya? Para nang sa ganon hindi na niya bigyang kahulugan kung yon ang sinasabi mo sa akin." "Saka parang ang awkward naman ata kung ibabalik ko pa ang mga 'to sa kanya." Dagdag ko pa. "Bakit ano ba yang mga yan?" Gumana namang bigla ang curiosity niya kaya naman nag-tanong pa siya. "Kit ng kagaya mong naabnormal kada buwan." Natatawa ko pang pag-kakasabi dito. "Seryoso ba?" Medyo gulat pa nitong pag-kakasabi saka agarang hinila sa akin iyong bag. Pati siya hindi na rin mapigilan ang pag-tawa! "Infairness sa lalaking yan ha? Alam niya kung ano yung bagay na dapat niyang ibigay sa'yo. Useful! Saka oo hindi mo na nga naman yan maisasauli sa kanya. Ang sweet niya sa part na yan. Kung ako sa'yo... Wendy sasagutin ko na yan!" Sabi pa nito saka pa ako mahinang sinundot sa tagiliran. "Ewan ko sayo! Sige na.. Lumas ka na don. Kailangan ko nang matulog." Pinatayo ko na siya roon mula sa pag-kakaupo niya saka siya pilit na itinutulak palabas. Napahinto ako sa pag-tulak sa kanya nang may naramdaman akong bumangga sa bandang Likuran ko. Nilingon ko yon saka ko nakita ang Isang medyo pahabang bagay na may Taklub-taklob pang Puting tela. "Ate?" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung ano iyong nasa ilalim ng puting tela habang siya naman itong nakataas lang ang dalawang kilay at nakangiti pa sa akin. Bumulaga sa akin ang isang Keyboard piano na may kasama pang microphone recording set. "Hala! Salamat Ate liyann! This is too much." Sabi ko saka agad na lumapit sa kanya para akapin siya. "Kay Mama at kay Kuya leo mo. Sa kamila ka mag-thank you! Sila ang isa sa mga dahilan kung bakit nakabili kami niyan para sayo! Alam ko naman na matagal mo nang gustong mag-karoon niyan. Kaya naman pinag-laanan namin yan para sa Birthday mo." Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya naman naluha na ako ng tuluyan. "Ayan! Makatugtog ka na uli gamit ang Piano. Hindi na lang Gitara ang tutugtugin mo." Nakangiti pa nitong sabi sa akin. "Thank you, Thank you talaga sa inyo Ate. Hindi ko hiningi sa inyo 'to pero ginawa niyo pa ring ibigay ito sa akin." "You're welcome!" Hindi ko maialis ang tingin ko doon sa Piano. Dahil ko talaga inaasahan na mag-kakaroon na ako nito. My heart is full! "O baka hindi ka na makatulog niyan ha? Dapat talaga kasi bukas pa namin iyan ibibigay sa'yo. E itong kuya mo ang mas excited pang ibigay sa'yo yan! Kaya inilagay niya na yan dito sa kuwarto mo kaninang hapon." Paliwanag pa nitong kapatid ko habang nag-kukuwento. Kaya siguro dito muna nila piniling mag-palipas ng gabi dahil may iba pa pala silang pakulo para sa akin. "O sige na, babalik na ako doon sa ibaba. Matulog ka na at mag-pahinga! Happy birthday ulit. Mahal na mahal ka ng Ate." Anito saka siya lumapit sa akin at niyakap ako. "Thank you!" Sabi ko pa. "Sige na, Good night na." Rinig ko pang sabi nito saka ako hinalikan sa pisngi. *** **** ***** "Lillian Jairah! Halika na muna dito sa baba. Mamaya mo na pag-praktisan yang Piano. Mag-breakfast ka na muna doon dalian mo!" Sabi pa nitong si Mama sa akin mula doon sa labas ng aking kuwarto. Sumunod rin naman akong agad doon sa mga sinabi niya at bumaba na din doon para kumain. "Good morning!" Bati ko sa kanilang lahat nang makarating na ako roon sa Ibaba. "Kuya Leo, Thank you nga pala doon sa Keyboard ah?" Bungad ko sa kanya matapos kong maupo sa harap ng hapag. "You're welcome! Yon ang talagang surprise namin sa'yo." Aniya. "Oo nga kuya e. Akala ko nga tapos na ang surprise ninyo para sa akin. May pahabol pa pala kayo." "Mama, Thank you rin po." Nakangiti ko pang sabi doon sa Nanay ko. "Hmm... Walang anuman! O sige na, sige na kumain na kayo diyan ni Aloy at may klase pa kayo." "Sumabay na lang rin kayo ng Alis sa Kuya leo ninyo at saktong paalis na rin yan papasok ng Trabaho." ---- --- ---- "Alright, Everyone! Pumila kayo ng maayos diyan sa likuran. Uumpisahan natin ito sa magiging entrance ninyo during the program. Please guys.. I need you to participate with this one. Para matapos na rin tayo ng maaga okay?" "Yes, Ma'am!" We said in chorus. Kahit hindi ko tuloy gusto at hindi ako Interesado dito ginagawa ko. May grades rin ba itong kasama? Naririnig ko pa yung ilang hagikgikan nang mga kaklase ko at ilang mga estudyante galing sa ibang section na parang Kinikilig-kilig pa. Tse! Ang sasaya naman masyado. "Fall in line, people! Isa isa lang ng lakad Babae at lalaki. Kung sino ang mag-kakatapat kayo ang magiging mag-kapartner sa mismong Prom." "Sige.. Lakad! Imagine niyo muna na meron kayong Ribbon at Bulaklak na ikakabit sa Isa't isa. Smile! Sige.. Punta sa likod pag-katapos." Sunud-sunod na dinig ko mula doon sa isa sa mga Teachers na nag-hahandle sa amin. Mabuti na lang hindi na ganon katirik ang Araw kaya hindi na rin ganoong kainit ang panahon. Hindi mainit at mahangin. Turn ko na kaya naman nag-umpisa na akong mag-lakad papunta doon sa kunwaring stage. Napaangat ang Ulo ko nang makita ko kung sino iyong kapareha ko sa pag-lalakad. Napa-straight face ako lalo pa nang makita ko ang malawak na ngiti sa mga Labi niya! Ano ba yang ngini-ngiti niya diyan? Hinawakan niya pa yung kamay ko at aktong kunwaring ihahatid ako sa magiging Puwesto namin. Agad ko namang binawi ang kamay ko sa kanya nang matapos kami. "Another thing, students! After nong entrance ninyo boys with your partner ihahatid niyo sila sa magiging upuan nila. Huwag ninyo basta-bastang iiwanan ang mga kapareha ninyo. Okay?" Sabi pa nitong si Ms. Garcia. "And by the way, Ms. Lacierda... Huwag ganon ang pag-lakad mo sa mismong Prom night ha? Just walk naturally." Nag-tawanan naman iyong mga Kaklase ko matapos niya iyong sabihin sa akin. E hindi naman kasi talaga ako sanay sa mga ganitong klase ng event. Kaya wala akong idea, kahit pa sa mga tamang pag-lalakad na iyan! "Okay.. Sa mga kasama sa ating magiging Cotillion, Be ready ha? Practice everything ha until makuha ninyo ng perfect ang Dance na yan." Sabi pa nito saka pa pumalakpak ng dalawang beses. Anong nakakatawa doon sa sinabi ni Ms. Garcia sa akin at tawang-tawa sila? Hmp! I'm not a Clown ha? So stop laughing at me. "It's okay, Lirah. Huwag mo na lang silang pansinin." Sabi pa nitong si Welsy sa akin. Ngumiti lang naman ako sa kanya at wala ng sinabi. Hay nako! Napipilitan na lang talaga akong gawin ang bagay na hindi ko naman gusto Can someone help me to get out from here?! "Ms. Lacierda, Kailangan kitang kausapin mamaya. Sunod ka na lang sa akin." Napalingon naman ako kay Ms. Garcia matapos nito muling tawagin ang atensyon ko. "Okay po, Ma'am."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD