Today is February 11 and everyone is definitely excited sa sinasabi nilang Special and magical night. A night to remember raw sabi ng marami. Pero kung ako ang tatanungin about it? Hindi ako naeexcite. These are not my stuff lang! Mas gugustuhin ko pa ang mag-kulong at ang mag-stay sa bahay. Mag-basa ng maraming libro, sumulat ng kanta at magmuni-muni.
Ayoko lang talaga na maging Center of attraction. Ayoko ng spotlight!
Tatlong araw na rin ang nakakalipas simula nong mag-Birthday ako at mag-try out na mag-audition para sa isang Club na gusto ko.
Actually nakatanggap na rin ako ng balita from them. And yes, nakapasa akong makasali sa Musical club na iyon. At masaya ako dahil finally part na ako ng isang club na may kinalaman sa isa sa mga interes ko. I loved singing and playing Piano kasi.. Kaya laking tuwa ko nang sabihin nila sa akin mismo ng personal na mapapasama na ako sa Team nila.
Later that day nong nag-practice kami para sa Prom... Ms. Garcia told me na gusto ng School na isa sa ako sa mga mag-perform para sa araw na iyon.
Tinanong naman nila ako kung interesado ako at kung gusto kong tumugtog para sa Event.. And I said yes to them.
So here it goes..
Nang makarating na ako sa place kung saan I-heheld iyong Junior and Senior prom night. One of the organizers and the Teachers is niremind pa ako para sa aking magiging performance mamaya. Nakahanda na rin naman ako at ang ilang songs na kakantahin ko for tonight. So they don't have to worry about it. Kung yun ang iniisip nila. At isa sa mga tutugtugin ko is yung kantang isinulat ko na finally natapos ko na rin.
---- --- ----
Maaga-aga akong nagising. Ala-sais pa lang ata ng umaga nong magising ako. At hindi ko alam kung bakit napabangon akong agad. Matutulog pa sana ulit ako at tatayo na lang mamayang 9AM pero hindi ko na magawang pumikit at makatulog. Kaya naman lumabas na muna ako sa aking kuwarto at para mag-timpla ng sariling Kape. Saka ako muling bumalik sa aking silid.
Naupo ako sa harapan nitong Keyboard na ineregalo sa akin nila Ate liyann. Saka ko inilapag sa tabi noon iyong tasa ng Kape. Idinampi ko pa ang ilang daliri ko sa keys nitong Piano.
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil hanggang ngayon e.. Hindi pa rin ako makapaniwalang may sarili na akong Piano.
Ni minsan naman hindi ko nabanggit kala Ate na gustung-gusto kong magkaroon nito. Dahil sinabi ko rin noon sa sarili ko na kapag may sarili na akong pera at kumikita na.. Bibilhan ko ang sarili ko ng Keyboard dahil passion ko ang Tumugtog at ang kumanta.
And for me.. Ang Music ang isa sa mga nakakapag-pakalma sa akin. It gives me peace and positive vibes.
"Wendy.. Namiss mong tumugtog ano?" Napalingon naman ako roon sa Pintuan nitong silid ko nang marinig ko ang boses ni Mama. Nakasilip pa siya doon sa Pinto nitong Kuwarto ko.
Ngumiti lang ako sa kanya..
"Sige nga, Tugtugan mo ako. Iparinig mo sa akin yung kantang sinasabi mong nasulat mo." Nakangiti pang suhestiyon nito sa akin.
"Ay oo nga pala.. Hindi ba sabi mo sa susunod araw na iyong Prom night ninyo? Hindi ka pa din ba nabibilhan ng Ate liyann mo nang maisusuot mo para doon?" Anito nang maalala niyang bigla ang bagay tungkol doon sa Prom.
"E meron naman po atang masusuot diyan diba, Ma? Kahit yung pinag-lumaan na lang siguro ni Ate. Hindi naman kailangang sobrang maganda ang susuotin ko doon e! Saka ayoko nga sanang pumunta doon. Kung hindi lang ako binigyan ng Task ng School, Hindi na po talaga ako pupunta." Paliwanag ko pa at dahan-dahan pang pinindot iyong keys sa Keyboard.
"Ano ka ba naman, Wendy.. Masaya yon! Huwag mong palagpasin. Mami-miss mo ang parte na yon nang buhay mo. Saka minsan lang naman mag-karoon ng ganyan Anak! Isang beses lang yan at hindi na mauulit pa. Hayaan mong makapag-suot ka nang bagong damit na masasabi mong memories mo ang bitbit mo para sa gabing iyon. Minsan lang yan, nak. Kaya enjoyin mo!" Hindi ako sumagot ni tumango sa kanya pero nakikinig naman ako sa mga sinasabi nito sa akin.
"Tatawagan ko ang Ate mo para masamahan kang mag-punta sa bilihan ng damit na puwede mong isuot sa susunod na araw." Dagdag pa nito saka diretsong lumabas nitong kuwarto ko.
"Mama.." Tawag ko sa kanya bago pa siya tuluyang makababa.
"O bakit? May kailangan ka?"
"May itatanong lang po ako sana ako." Plain kong pagkakasabi saka ako lumipat ng puwesto sa aking Kama.
"Tungkol saan?"
"Ikaw po ba.. Naranasan mong mag-punta sa Prom nong nag-aaral ka pa?" Panimula ko. Naupo ito sa tabi ko bago nito tuluyang sagutin sa tanong ko.
"Aba, Oo naman. Masayang experience yon! Kaya nga sinasabi ko sa'yong pumunta ka. Dahil ayokong mamiss mo ang event na iyon ng buhay mo bilang Highschool. Once in a life time lang iyan at hindi na mangyayari ulit gaya nong sinabi ko sa'yo kanina. Kami non.. Wala kaming magagarbong damit pero hindi ko hinayaang hindi ma-experience ang bagay na iyon. Hindi ko pinalagpas at nag-punta ako."
"Saka I-enjoy mo lang ha? Makipag-kilala ka sa mga kaklase mo. Makipag-halubilo ka sa mga tao doon. Huwag mong ikukulong ang sarili mo rito sa bahay, anak. Make friends. At idiskubre mo sa sarili mo kung ano pa ang kaya mo at gusto mong gawin. Sinasabi ko sayo... Magiging masaya ang Highchool life experience mo." Kitang-kita ko sa mga mata ng Nanay ko kung gaano siya kasaya noon habang kinukuwento niya ang mga bagay na iyon.
At tama siya.. Hindi ko dapat ikulong ang sarili ko rito. Kailangan ko na talaga sigurong paunti-unting lumabas sa Comfort zone ko. Kailangan kong masanay sa mga taong nasa paligid ko.
*** *** *****
At the end of that discussion sa bahay.. Ito ako. Nag-lalakad papasok ng Academy. Half day lang naman ang aming klase ngayong araw kaya 9AM na ako umalis at pumasok.
"Hey, Lirah dito!" Kumakaway pang salubong sa akin nitong si Welsy mula doon sa Veranda nong Building.
Nangiti ako sa kanya kaya agad na rin akong nag-lakad papalapit sa kanya. Pero napatigil ako sa pag-lalakad nang makita ko na nandoon din si Ever. I was about to walk away para mag-punta na muna sanang CR nang tawagin ako nitong si Welsy.
"Lirah, Uy.. Saan ka pupunta?" Rinig ko pang tawag nito sa pangalang sila lang rin ang nag-bigay.
"Ay.. Sorry nandiyan na pala kayo!" Palusot ko na lamang. Ewan ko ba.. Parang ayoko kasi siyang makita sa ngayon. Dahil feeling ko napahiya ako noong isang araw dahil sa nangyari sa Practice na iyon kahapon.
Naupo na muna kami roon sa isa mga School bleachers na nandito sa Hall.
"Akala ko hindi ka sisipot ngayong araw." Aniya saka ako nito nilingon mula sa tabi nitong si Welsy.
"Akala ko rin e! Pero naalala ko kasing kailangan akong makausap ng isa sa mga Member nong Music team. Kaya ako nandito." Dire-diretso ko pang pag-kakasabi ko dito nang hindi siya tinitignan.
"Masaya 'to Lirah sinasabi ko sayo, hindi ka mag-sisisi. This is a great experience lalo na sa atin na nasa Highschool. Nakaka-excite kaya!" Masigla pang sabi nitong si Welsy.
Hindi naman masyadong halatang excited siya ano?
"Okay?" Napabuntong hininga na lamang at iyon na lang rin ang salitang lumabas sa bibig ko.
"Basta.. Maniwala ka sa akin. Enjoyin mo lang ang gabing iyon. Minsan lang kaya itong mangyayari!" Dagdag pa nito na halatang excited na excited na.
Totoo nga naman yung mga sinabi nila sa akin. Oo nga naman.. Minsan lang itong mangyayari. Pero ayoko pa rin talagang ma-involve sa gantong mga kaganapan hangga't maaari.
"Okay, Students.. Good morning! Let's begin this.. Agad-agad. At ako'y may aayusin pa." Bungad nitong si Ms. Garcia pagkalabas niya galing doon sa Faculty room.
Nag-tayuan na kaming lahat at pumila na ng ayos kagaya nong ginawa namin kahapon. Napatingin pa ako sa buong paligid ko. Wala lang, Tinitignan ko lang rin kung saan siya nakapuwesto uli. Baka kasi mamaya.. Siya nanaman ang Kapartner ko sa practice na ito. Baka kasi practice pa lang puros siya na ang Kasama ko.
Nakakasawa naman kung ganon!
"O lakad ng diretso.. Pero huwag masyadong mabilis pag-dating doon ha?"
"Yan! Pero huwag masyadong mabagal." Pumapalakpak pa itong si Ms. Garcia habang nakabantay sa aming lahat.
Nakatingin lang ako doon sa mga Schoolmates kong nauuna nang nag-lalakad.
"Dalawang ulit nating aayusin itong Entrance ninyo.. Tapos dalawang ulit lang rin ng Practice ang gagawin natin para sa mga kasama sa ating Cotillion. For those students will be participating. Yung mga heels ninyo ha, Ladies!"
Ako na itong sunod na lalakad. Hindi na ako magugulat kung siya nanaman ulit ang magiging katapat at magiging kapareha ko dito.
I tried to look sa kabilang side nitong tinatayuan ko. At hindi siya yung partner ko. Good! At least.. Naibaa.
"Very good! Ayan ganyan. Lakad. Huwag mabagal huwag ding mabilis. I-feel ninyo ang magiging lakad niyo. Mga magaganda't guwapo kayo sa gabing yon!" Komento pa noong Teacher na nasa tabi nitong si Ms. Garcia.
"Sa gabing yon lang, Ma'am?" Nag-tawanan naman ang mga estudyante sa buong lugar.
"Sshh.. Huwag na maingay. Bilis-bilis! May practice pa ang Cotillion."
"Grabe si Ma'am no? Masyadong serious." Rinig ko pang sabi nang mga kaklase ko habang yung iba naman ay nag-bubulungan pa. At rinig na rinig ko sila dito mula sa likuran.
After nong dalawang set ng Practice para sa aming magiging Grand entrance. Nag-umpisa na iyong mga kasama para sa Cotillion.
Umupo na muna akong muli doon sa Bleachers habang nanunuod.
"Gusto mong sumali diyan?" Rinig kong sabi nito sa akin na siya namang nag-pakunot sa aking Noo.
"Tubig o!" Aniya. Saka inalok sa akin iyong Bottled water na hawak niya.
Iniangat ko naman sa tapat niya iyong bote ng tubig na nasa Kanang kamay ko para sabihing meron na ako.
"Sumasayaw ka ba?" Tanong pa nito sa akin. Saka ito umupo sa katapat kong upuan.
"Bakit mo tinatanong?"
"Wala gusto ko lang ding malaman kung sumasayaw ka." Saka pa ito tumingin ng diretso sa akin.
Napatingin rin naman ako sa kanya dahil doon.
"Hindi ako marunong sumayaw. Saka hindi ako interesadong sumali sa ganyan!" Diretsong sagot ko sa tanong niyang iyon pero walang emosyon.
"Talaga?" Tanong pa nito. Saka siya tumayo mula doon sa pag-kakaupo niya katapat ko. At lumipat doon tabi ko.
"Oo nga. Hindi ako sumasayaw. Bakit hindi ka naniniwala?"
"Hmm.. 50/50? Tingin ko kasi magaling ka ring sumayaw." Ano bang sinasabi niya diyan? At tinatanong niya sa akin ang mga ganoong bagay.
Matapos nong buong Practice na iyon. Mineet na rin kaming agad nong Teacher sa unang subject namin na si Ms. Perez.
Halos pahapyaw lang ang nangyaring klase at pag-tapos non ay pinauwi na rin kami.
---- ---- ----
Pag-pasok na pag-pasok ko doon sa bahay pag-uwi ko.. Couch agad ang unang hinanap ng mga mata ko para sandaling mag-pahinga.
Pakiramdam ko kasi pagod na pagod ako kahit na wala naman akong masyadong ginawa ngayong araw.
"O nandiyan kana pala.. Ate wendy!" Bati naman sa akin nitong si Liyah pag-kalabas nito galing doon sa Kusina. Napakunot naman ang aking noo.
"Ate liyann.. Si Ate wendy nandito na." Sigaw pa nito doon sa tapat nong hagdanan. Saka ko naman nakitang bumaba itong Ate ko galing doon sa dating Kuwarto niya.
Napapadalas ata ang punta niya dito sa bahay. Akala mo tuloy walang pamilyang inuuwian e! Bakit kasi hindi na lang muna sila tumira dito kasama namin. Total naman tatlo lang naman kaming nandito. Madalas pang maiwang mag-isa si Mama dito gawa nong pareho kaming pumapasok ni Aloy sa School.
Maliit pa naman si Lily sa ngayon kaya ayos lang kung dito na muna sila mag-stay sa bahay kasama namin.
"Wendy.. Huwag ka na munang aalis diyan." Sabi nito nang tuluyan na siyang makababa galing doon sa itaas.
"Ha? Saan naman ako pupunta e.. Kakauwi ko nga lang galing School." Napapakamot na lamang ako sa aking ulo.
"Mabuti naman! Aalis tayo maya-maya ha? May aayusin at kukunin lang ako saglit." Umikot-ikot pa ito sa paligid ko na para bang may hinahanap. Nakailang ikot pa ito sa salas bago ko siya tuluyang punahin.
"Ate.. Puwede bang maupo ka muna dito? Nakakahilo ka e!" Reklamo ko sa kanya.
"Huwag mo kasi akong sundan ng tingin para hindi ka mahilo!" Sagot naman nito sa akin at nangiti pa.
Nang-titrip ba siya diyan?
"Ano ba kasing hinahanap mo diyan? Gusto mo bang tulungan na kita?" Offer ko pa rito. Nahihilo ako sa kakaikot niya e!
"Yung bag ko. Saka hindi ba sa susunod na araw na iyong Prom ninyo? Kaya ngayon na kita sasamahang bumili at humanap ng susuotin mo. At bukas may iba pa akong pupuntahan."
"Oo nga. Si Mama ang nag-papunta sayo dito hindi ba? Saka nabanggit ko naman sa kanyang andyan pa yung damit na sinuot mo noon. Kaya sabi ko ayon na lang rin ang gagamitin ko. Mukha namang maayos pa yon e! Yun na lang siguro ang isusuot ko para hindi na tayo gumastos." Suhestiyon ko dito.
"Hindi puwede. Hindi na yon bagay sayo. Saka hindi magandang gamit na yung isusuot mo para sa araw na yon. Saka huwag mong isipin ang gastos. Okay lang yon? Isang beses lang naman dadaan sa buhay mo yang ganyan. Kaya okay lang na gumastos ang Mama at Ate." Nakangiti pa nitong paliwanag sa akin habang kinukumbinsi ako tungkol sa mga bagay na iyon.
"Wala naman sigurong problema kung magagamit siya ulit! Saka kaka-regalo niyo lang sa akin noong Birthday ko tapos gagastusan niyo nanaman ako ng bago?" Ayoko na talagang mag-punta doon hangga't maaari kung hindi lang talaga ako napaki-usapang kumanta para doon sa Prom na iyon.
"Wendy.. Okay lang na gastusan ka namin. Alam mo kung bakit? Kasi nakikita ko na deserving ka sa lahat nang binibigay namin sa'yo. Kaya sige na.. Huwag ka nang mag-inarte diyan. Saka don't worry.. Sa Divisoria lang din kita bibilhan. Kaya huwag ka nang mag-reklamo okay? Hindi naman ganoong mahal ang mga Damit roon. Doon arami tayong puwedeng makita na pupuwede para sa'yo." Hindi na ako sumagot pa sa kanya para matapos na iyong usapan.
"Sasama si Mama sa tin di'ba?" Tanong ko.
"Hindi." Mabilis naman nitong sagot sa akin.
"Pero sabi niya sa akin, Sasama siya?" Dagdag ko pa.
"Hindi na. Kaya nga tinawagan niya ako para ako na lang ang sasama sa'yo. At yang si Aloy hindi puwedeng umalis dito sa bahay. May group project daw siya. At dito niyan dadalhin ang mga kaklase niya para dito na lang rin sila gumawa. Saka hayaan na muna nating mag-pahinga yang si Mama dito sa bahay!"
"O sige na, Tara na't umalis na tayo."
Nakasakay na kami nong Taxi saka ko sa kanya nabanggit ang tungkol sa kanila ni Kuya leo.
Madalas rin naman kasi silang pumunta ni Lily sa bahay para bumisita kay Mama. Dahil sila lang din namang tatalo ang naiiwan sa kanila.
I'm trying to convinced her na bumalik na lang muna sa amin at doon na lang tumira kasama namin. Pero hindi daw puwede dahil ayon sa Asawa niya mas gusto ng mga Magulang nito na nakabukod silang pamilya kaysa ang makipisan sila sa mga Kamag-anak. Na parang kahit ilang beses kong isipin yon hindi ko talaga maiintindihan.
Kakakwentuhan namin.. Ni hindi ko na namalayang nakarating na pala kami sa Divisoria. Ito kasi ang isa sa mga place kung saan ka makakahanap ng mga bilihing abot kaya.
"Pumili ka na kung anong gusto mo. Para titignan na lang natin kung anong mga isusukat mo." Kailangan ko ba talaga tong gawin? Gastos lang ulit ito e! Ewan ko! Ako itong nanghihinayang kesa kanila.
Sana pala hindi na lang rin ako umoo kay Ms. Garcia.
Lumapit ako sa mga Section nang mga Cocktail dress na naroon. At isa-isa yong hinawakan at chineck. Ilang minutes akong nakatayo doon pero nahihirapan akong mag-decide kung ano ang kukunin ko.
Hanggang sa makuha ng Atensyon ko ang Isang kulay Blue na Cocktail dress.
Hanggang tuhod ang haba non, Pero may kamay With pakintab kintab pang design dahil doon sa sequence na nakapalibot dito. Ang simple lang pero maganda na.
Kinuha ko iyon sa Rack kung siya nakasabit, saka ko iyon ipinakita sa Kapatid ko. Tinignan niya pa ito ng maigi saka siya nag-comment.
"Kumuha ka pa ng ibang isusukat mo. Okay ka na ba sa ganyang klase? Ayaw mo ng mas mahaba or fitted sa'yo?" Tanong pa nito.
"Hindi naman kailangang gown pa ang isuot ko doon." Napakunot naman ang noo ko sa kanya. Saka naman ito natawa sa reaksyong ibinigay ko.
"Sige na... Kumuha ka pa ng ibang klase niyan." Sumunod na lamang ako roon sa sinabi niya at umikot doon sa ibang Racks.
Pumili pa ako nang Isa pang Coktail dress. Tube na Cris-cross kulay itim. I loved black. Bet ko rin ang kulay na Black.
"Bakit itim yan? Ano ka mag-luluksa doon?" Rinig ko namang sabi nitong si Ate Liyann na siya namang ikinagitla ko.
Hindi siya nag-sasabing nakasunod na pala siya sa akin. Gusto niya ba akong gulatin?
At last tinulungan niya na rin akong mag-hanap. Kanina pa kasi ako nahihirapang pumili e. Naubos na ang almost 30 minutes namin pero hindi pa rin ako nakakapag-sukat.
Pinapunta na ako nito sa isa sa mga Dressing room na nandito sa loob ng Boutique kung nasaan kami ngayon. Saka nito iniabot sa akin ang kulay light blue na Mini dress.
"Sige, Isukat mo yan isa-isa! Tapos lumabas ka rito para makita ko lahat." Suhestiyon nito. At agad na akong pumasok doon sa loob.
Medyo nahirapan pa akong mag-sukat kaya natatagalan ako bago lumabas. Natatakot rin kasi ako sa magiging kilos ko at baka magkaroon pa nang damage iyong mga dress na tina-try on ko.
Dalawa sa tatlong sinukat ko ang hindi pumasa kay Ate liyann.
Sa huli.. Hindi ko rin nakuha ang isa sa mga pinili kong dalawang kulay kanina. We decided.. Correction siya lang pala ang nag-decide na kuhain na lang namin iyong Mini dress na Off shoulder.
Mini dress siya na saktong hanggang tuhod lang ang haba. Medyo fitted ang lapat non sa akin pero ayos lang naman dahil natatakpan naman noon ang aking mga Braso. Hindi ko na rin nagawa ang mag-reklamo or mag-bigay sa kanya ng komento para sa damit na iyon kasi naalala kong okay lang pala kung ano na ang suotin ko para sa gabing yon! Iisipin ko na lang na pupunta na ako roon para mag-perform na kumanta at tumugtog.