Ni hindi ko nga rin malaman sa sarili ko kung bakit ang aga ko nanamang nagising. So nag-timpla na lang muna ako ng Gatas at bumalik rito sa loob ng Kuwarto ko.
Binuksan ko na rin iyong dalawang bintana at kurtina dito sa loob.
Saka ako naupo sa harapan nitong Piano.
I was Bored. So I started to set the Phone stand at iyong cellphone ko. Saka ako nag-simulang tumugtog at kumanta. Wala gusto ko lang ma-Irecord iyon pero wala akong planong ilabas ito sa Social media.
While playing and singing napansin ko ang biglang pag-bagsak ng Tubig ulan doon sa labas. Napapikit pa ako habang dinadama ng mag-kasabay ang Panahon at ang aking pag-kanta.
Now is the day na pinakahihintay nang lahat. Habang ako naman ay hindi hinihintay ang araw na ito. It's just an ordinary day for me. Bahala sila diyan basta ako uupo lang ako doon at kakain.
Hindi ko lang talaga feel ang mag-punta sa mga ganoong Event. Mas gugustuhin ko pa ang mag-stay dito sa bahay kaysa ang rumampa doon mag-hapon.
I'm just trying to relax myself. Kaya ako tumutugtog. It gives me peace and sobra ring napapanatag ang isip at puso ko whenever nakakarinig ako ng Music. Ang ganda masyado ng lyrics ng kanta ko kumpara sa mga bagay na na gumugulo ngayon Isipan ko.
Hindi mahina ang ulan at hindi rin naman ganoon kalakas. Tama lang ngunit malalaki ang mga patak nito.
Itinigil ko na iyong pag-rerecord sa aking sarili. Saka ko inilapag iyong Phone sa aking katabing mesa.
Kailangan ko ba talaga na mag-punta sa Event na yon? Napapaisip talaga ako e! Ewan ko ba.. Napaka-Big deal ng bagay na ito para sa akin. Hindi naman sa may iniiwasan ako ano pero parang ganon na nga!
Nakakapagod lang kasi ang mag-bihis at mag-bitbit ng mga koloreta sa mukha. Ang bigat-bigat kaya ng Make up sa face.
Sino ba kasi ang nag-invent ng Senior and Promenade prom na iyan? Asan ba siya, Nabubuhay pa ba siya sa panahong 'to? Gusto ko siyang tanungin kung anong pumasok sa Kokote niya at bakit may pautot pa siya ng ganyan? I mean.. Bakit may ganitong eksena sa Highschool? Hayss..
Ini-off ko na iyong Phone ko kanina pa. Saka muling nag-umpisang pindutin iyong Piano. Napatigil ako sandali..
I sipped sa aking Cup of milk. Saka ako tumayo at lumipat ng pag-kakaupo doon sa aking Study table.
"O Ma, kanina ka pa po ba nandiyan?" I asked saka dahan dahang tumayo mula doon sa pag-kakaupo ko.
Saka ko lang kasi napansin na andon na pala siya sa Pinto nitong room ko.
"Ngayon na lang kita ulit nakitang ganyan, Anak." Aniya saka ito pumasok at lumapit sa akin. Napakunot naman ang noo ko dahil doon sa narinig ko galing sa kanya.
"Nakitang ano, Ma?" Hinawakan niya ako sa Ulo saka siya ngumiti sa tapat ko.
"Yung ganyan. Na parang ang saya-saya mo habang kumakanta." Ako naman ngayon ang ngumiti dahil sa kanya. But ang weird nang mga sinasabi niya sa akin? Hindi ko din alam kung anong magiging reaksyon ko kaya sinuklian ko na lang rin siya doon ng ngiti.
Pero teka.. Ako nakangiti at the same time masaya habang kumakanta? Wooah! Oh wait! Dahil siguro maganda yung Song na tinutugtog ko. Kaya siya nag-reflect sa face and expression na binibigay ko. Tss.. Pero masaya ako oo. Dahil nandiyan silang lahat para sa akin. Yon lang yon. Oo tama! Wala ng iba.
"Ay oo nga pala... Mamayang gabi na yung Prom night ninyo diba?" Bila namang nag-bago iyong ekspresyon sa mukha ko at napa-straight face na lamang nang madinig ko nanaman ang tungkol doon.
Tumayo siya at akmang palabas na nitong Kuwarto ko. At biglang naaligaga sa mga gagawin niya.
Tinawag ko siya..
"Ma!"
"O bakit?" Maikling tanong nito sa akin saka siya napahinto.
"Kailangan ko ba talagang pumunta doon?" Bagsak balikat na pag-kakasabi ko dito.
Ngumiti siya..
"Wendy, Anak.. Sige na. Hayaan mong maging memorable ang gabing ito para sayo. Enjoyin mo lang kasi. Masaya naman yon. Huwag mong i-pressure ang sarili mo kakaisip kung bakit kailangan mong mag-punta don, Okay? Sige na. Bumaba ka na roon at kumain. Nakapag-handa na ako ng Siningag at Itlog sa baba." Sabi pa nito sa akin.
"Magiging masaya ang gabing yon paea sa inyo. Sige na at mamaya lang anong oras na. Tatawagan ko na yung sinasabi ng Ate mo na mag-aayos sa'yo." Ngiting-ngiti pa siya habang sinasabi ang mga yon sa akin. Sa totoo lang.. Mas excited pa sila kaysa sa akin.
Napairap na lamang ako doon sa naging Eksplanasyon niya. Saka na siya tuluyang lumabas nitong kuwarto.
Napahiga na lang ako uli doon sa Kama ko. Hays! Sige na. Oo na pupunta na ako kahit ayoko. Pipilitin kong ngumiti kahit hindi ko feel. Isang gabi lang naman.. Wendy. Isang gabi lang.
*** *** ****
"Wendy!" Napatayo agad ako nang marinig ko yung boses na yon. Si Ate liyann. Hala! Ang aga naman niya masyado?
Sinilip ko pa sila doon sa baba mula dito sa Terrace sa tapat ng aking kuwarto. Tatalikod at babalik na sana ako roon sa loob.
"Wendy, Bumaba ka nga muna dito. Bakit nag-kukulong ka diyan? Naligo kana ba ha?" Tanong nito sa akin mula doon sa ibaba.
Napakamot na lang ako sa Ulo. Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod na lang sa kanya.
Minsan talaga pakiramdam ko parang si Ate pa ang mas Nanay namin dahil diyan sa kung paano siya mag-salita sa amin ni Liyah.
"Ma, Hindi pa ba naliligo yan?" Rinig ko pang sabi nito kay Mama.
"Sabi ko diyan kanina. Bumaba at maligo na. Pero ayan pag-katapos kumain ng Umagahan at Tanghalian, bumalik lang diyaan sa kuwarto niya at nag-kulong." Ano ba yon? Para naman akong isang bata na kailangan pang piliting maligo kapag ayaw.
"Hoy! Anong oras na, Lillian Jairah. Maligo kana. Iboblower pa natin yang buhok mo. Papaayusan pa kita. Mamaya lang nandito na yung Kinausap kong mag-memake up sayo. Kaya dali-dalian mo na diyan at kumilos ka na." Dagdag pa nitong sabi sa akin. Bakit paramg sinesermonan niya ako? Nagawa ko pang maupo doon sa Sofa at tumabi na ito sa akin.
"Wendy, Bakit ba hindi ka interesado sa Prom night? Masaya kaya yon. Ano ka ba naman? Parang hindi ka tao kapag hindi mo naranasan yon. I mean.. Ang magical lang kaya ng gabing yon. Saka hayaan mo nang maranasan mo iyon sa life mo bilang estudyante. Once in a Life time lang ang Experience na yan! Kaya pumunta ka." Aniya habang hinahaplos-haplos pa ang iyong buhok ko.
Saka.. Ang OA naman niya sa Parang hindi ka Tao. Nabother akong bigla dahil doon. Ganon ba talaga yung feeling non? At napaka-big deal sa kanilang pumunta ako? To the point na sila pa ang gumagawa ng paraan para lang makapaghanda ako para araw na'to.
---- ---- ----
"Sige, Maupo ka muna diyan. At kukunin ko yung Hair blower sa Bag."
Naupo nga ako sa Harapan nitong salamin kagaya ng sinabi niya. Hindi ko pa din tinatanggal yung Nakabalunbon na Tuwalya sa aking ulo. Tinitignan ko lang doon ang sariling repleksyon ko. Wala lang, Wala naman akong masyadong naiisip sa mga oras na ito. Blangko. Walang ibang pumapasok sa Isipan ko.
Teka, Maaari ba yon?
Maya-maya lang may tao nang kumakatok roon sa labas ng bahay. Saka naman pinagbuksan nila Ate iyong sinasabi nilang tinawagan nila.
"Finally nandito kana! Halika pasok ka, Nandito yung paaayusan ko."
"Anong oras ba yung Prom?" Tanong naman nong Babae.
"Wendy, Anong oras nga ulit yon?" Biglang tanong naman nito sa akin.
"Hindi ko alam e!" Sagot ko saka pa napakunot ang Noo ko.
"Ano ba namang Bata ka. Bakit hindi mo alam. Tignan mo yung hawak mong Invitation diyan." Sabi nito sa aking si Ate na any time puwede na akong sipain dahil sa inis niya. Nakita ko naman na yu-- Ay Teka.. Akala ko boses babae lang yung sinasabi nilang mag-aayos saakin. Akala ko Gay, Hala.. Sorry po, Ang Judgmental ko!
Usually kasi ineexpect ko kapag ganyan, LGBT member iyong Hair stylist at Mag-memake up lalo na kapag galing Salon o Parlor. Mali ako for this time. My bad, Sorry po talaga. Most of the Gay kasi Babaeng babae rin ang tone ng voice kaya akala ko talaga hindi babae iyong mag-aayos sa akin. Kaya nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino iyong mag-aayos sa'kin. Hindi naman siguro niya nahalata iyong naging reaksyon ko, Kaya hindi ko na dapat isipin pa kung nagulat din siya sa naging reaksyon ko or what.
"Hello, Young lady! Tanggalin na muna natin itong Towel sa ulo mo ha?" Aniya at Ngumiti pa ito sa akin.
Alam ko kapag ganitong ayusan, Matagal-tagal at mahaba-habang kudkudan ang kailangang gawin sa Mukha. Kaya tiyak kong mabigat ito sa Balat! Which is hindi ko masyadong gusto. Mabilis din kasing ma-irritate ang balat ko. So hindi talaga ako pabor rito.
Halos concealer pa lamang ang naipapahid sa buong face at neck ko pero ramdam ko na yung weight ng make up sa mukha ko.
Pumikit ulit ako saka niya inumpisahang lagyan yung Talukap ng mga mata ko ng Eye shadow. Kinilayan ako at pag-katapos ay sinunod niya naman ang mga Pilikmata ko. Dahil medyo mahaba na daw ang mga yon. Hindi na kailangang lagyan pa yon ng false eye lashes. Akala ko doon na matatapos yung Make up session na iyon pero meron pa palang kasunod para sa magiging finish product. At para sa buong buhok ko. They decided na ikulot iyon ng bahagya at bwalaa.. Mukha na akong Tao sa Itsura ko.
Pumunta sa likuran ko si Ate liyann saka ako nito pinag-masdan. Kita ko naman yung mga ngiti niya sa labi habang tinitignan pa din ako nito.
"Kumusta?" Tanong noong babae sa kapatid ko.
"In fairness sayo, Wala ka talagang kupas." Anito sa babae na parang proud na proud pa.
"Hmm.. Bolera ka talaga, Liyann." Saka pa sila nag-biruan at nag-tawanan.
"O mag-kano ba ang Talent fee mo?" Natatawa pang sabi nitong si Ate liyann.
"Nako, Halika dito.. Sa labas na lang nating dalawa yan pag-usapan!" Agad naman silang lumabas nitong bahay. Nauna yung nag-ayos sa akin na sinundan naman nitong si Ate.
Iba pala talaga ang nagagawa ng Make up sa mukha ng tao no? Halos hindi ko na makilala ang sarili ko. OA bang pakinggan? Pero yon kasi ang nakikita ko ngayon sa Salamin.
"Wendy! Gusto mo bang tulungan na kita sa pag-papalit mo o kaya mo na Sarili mo?" Napalingon naman ako dito kay Ate liyann na nakabalik na pala.
"No need na, Ate. I can handle na!"
"O sige. Tawagin mo na lang kapag may kailangan ka ha?" Tumango na lamang ako sa kanya pagkatapos non.
Tumayo na ako saka agad na umakyat sa Kuawrto ko. At nag-punta na doon sa harapan ng Aparador. Pinag-masdan ko pa muna iyong Damit na binili namin. Na siya namang nakasampay pa sa loob nong Cabinet.
"Talaga bang kailangan kita?" Bulong ko sa sarili.
---- ---- ----
Napalingon naman ako saka agad na Napangiti nang makita kung sino ang taong nasa Pinto
"Ma!" Nakangiti pa rin ako.
"Ang ganda-ganda mo, Anak!" Aniya saka niya inayos nang kaunti ang buhok ko. Napangiti lang ako ulit sa kanya.
Nakaupo pa din ako at nakatingin sa repleksyon ko sa Salamin. Pero ngayon suut-suot ko na iyong Dress.
"Anong oras nga ulit ang start nong Prom niyo?" Tanong nito saakin. Nilingon ko naman siya kahit na kita ko naman na ang Repleksyon niya sa na nasa Salamin.
"7PM po."
"O sige, Maghanda kana. Huwag ka na masyadong mag-gagagalaw, At baka ka pag-pawisan." Rinig kong pag-kakasabi nito.
"Ma, saan ka pupunta?" "
Kakausapin ko ang Ate mo kung saan tayo sasakay papuntang School ninyo."
"Ay teka.. Sandali!" Rinig ko pang sabi nito. Saka siya lumapit kung nasaan yung Bentilador at itinapat pa iyon sa akin.
"O sige sandali, Lalabasin ko na muna yung Ate mo." Tumango na lang ako bilang tugon don sa sinabi niya.
Ala sais na ng gabi. And maya-maya lang puwede na akong umalis.
"Wendy, Wendy! Halika na dito. Nandito na yung mag-hahatid sa atin." Rinig kong pag-tawag ni Ate liyann mula doon sa ibaba.
Tumayo naman na ako sa kinauupuan ko saka na sinuot yung flat shoes na nasa tabi ko.
Aligagang-aligaga pa itong si Ate habang inaasikaso ako. Hindi ko na lang mapigilang mapangiti dahil sa mga nakikita ko.
Sumakay na ako doon sa Taxi na nasa labas.
"O Aloy ang bahay ha? Huwag ka na munang lumayas. Babalik kami agad ng Ate liyann mo." Bilin pa nitong si Mama kay Aloy paglabas ko noong bahay.
"Opo, Ma. Ingat kayo Ate wendy. Enjoy!" Rinig ko pang sabi nitong si Aloy habang naroon sa pintuan. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Liyann, Dalian mo na diyan. At mag-Aala siyete na!" Bulyaw naman nitong si Mama kay Ate.
~~~~ ~~~ ~~~~~
Nasa tapat na kami nitong School. Pero bago pa man ako bumaba e sinuot ko na iyong sapatos. Si Ate na ang siyang nag-bukas nang pinto nitong Taxi saka ako tuluyang bumaba.
"Sige na. Pumasok ka na doon sa loob! Text me na lang kapag tapos na ang whole event at ipapasundo ka namin. Enjoy ha?" Nakangiti pang sabi nitong si Ate sa akin.
"Sige, Ate. Thank you! Ingat kayo ni Mama."
Pumasok na ako roon sa loob matapos na makaalis nong Taxi.
Sunud-sunod na din ang pagpasok nang mga tao.
Wala pa akong nakakasalubong na mga Kakilala at ilang mga Kaklase ko. Kaya nag-patuloy lang ako sa Pag-lalakad ko. Hanggang sa makarating na ako doon sa Place.
Sadyang pinag-handaan nang mga Taong kung sino man ang nag-organize nito para maging possible ang event na 'to. Halos hindi ko na kasi makilala ang parte na ito ng School dahil sa dami nang ayos at decoration na ginawa dito.
Nag-lalakad na ako papasok doon hanggang sa mapansin kong ako na lang pala ang nasa gitna at lahat sila ay nasa mag-kabilang gilid na!
Teka.. Umpisa na ang Entrance? Hindi ako agad naging aware sa Paligid ko.
Masyado akong namesmerized sa mga nakita ko. Kaya nang mahimasmasan ako ay dali-dali akong dumiretso ng pila doon sa Dulo. Nag-uumpisa nang Umentre ang ilan sa mga Junior at Senior namin. Pero dahil medyo malayo pa ako e.. Nagawa ko pa ang mag-palinga linga sa paligid.
Lingon dito, Lingon doon! May tao kasi akong hinahanap na gusto kong makita e.
Nasaan ba siya? Hindi ko siya makita. O baka naman hindi na siya natuloy? Hmm.. Hindi bale na nga!
Ginawa ko na lang ang manahimik at panuorin ang ilan sa mga Ka-schoolmate ko. Lahat sila halatang pinag-handaan ang gabing ito! Gaya nang ginawang preparation nang Ate at Nanay ko para sa akin. Sa kagustuhan nilang hindi ko Mamiss ang Isang event na ito sa life ko mas excited pa sila kaysa sa akin. May mga sinasabi pa siya e.. Pero hindi ko na naintindihan.
Halos lahat ay nasa kanya-kanya na nilang Upuan at nang mapatingin ako sa Harapan ko.. Ako na ang Next in line na pupunta roon sa harapan. Hindi ko na tinignan pa kung sino man yung taong makakapareha ko. At nagdire-diretso na lamang ako sa aking pag-lakad nang sa ganon e.. Makaupo na rin ako gaya nang iba.
Pakiramdam ko parang ang haba nang nilalakad ko. Kaya gusto ko nang bilisan para makaalis na ako rito sa gitna. Pero naalala ko yung naging Practice namin na dapat smooth lang at hindi kailangang mag-madali sa pag-lakad. Pero diretso lang ang tingin ko hanggang sa makarating na ako noong Stage! Para matapos na ito.
And I don't even care kung sino iyong kapareha ko. I just walked. At nang makarating na ako doon sa gitna.. Sarili ko lang talaga ang iniisip ko ano? Puros Ako e! Napatingala ako nang kaunti saka ko nakita kung sino itong lalaking nasa harapan ko.
And yes.. It's him again. I'm not that happy though but it's totally okay na siya na ang nandiyan para sa akin.
Nagawa pa niya ang ngumiti sa tapat ko. Habang inilalagay nito iyong maliit na bulaklak na pula sa wrist ko. So I just did my part ang Ipin iyong maliit na ribbon sa right chest niya. And after that bumaba na kami at nag-lakad na muli ng sabay. Hindi ko na sana hahayaang alalayan niya pa ako pababa nong Mini stage kasi I can handle naman. Pero hindi ko kasi puwedeng itaboy iyong kamay niya sa akin. Kaya instead na hindi ako humawak sa kanya.. Nabaligtad ang Eksena na ngayo'y nasa Isipan ko.
Habang nag-lalakad kaming dalawa. Ramdam ko ang tinginan ng ilang mga tao nasa paligid namin.
So anong meron? May dumi ba ako sa mukha?! Nahihiya ako sa tinginan nila sa amin. Hindi na talaga ako nasanay.
Ayoko talaga sa Spot light!
"Just smile." Rinig kong pag-kakasabi nito habang hawak pa rin niya ang right hand ko.
Ramdam niya siguro iyong energy na binibigay ko. Kaya ayon!
Sinunod ko siya ngunit naging pilit ang pag-ngiti ko. E.. Sa hindi ko feel ang Ambiance dito. Hindi talaga! Puwede bang dalian niya na ang pag-lalakad?
"You're simply pretty!" Dagdag niya pa. Pero hindi ko siya doon pinansin. Dahil ang main goal ko is ang Makaupo na.
Tinry kong hanapin kung nasaan si Welsy pero hindi ko siya makita. Kaya naupo kaming dalawa sa Table na Vacant na nasa bandang gitna! At talagang.. Sa gitna ang walang tao? Yung totoo? Nanadya ba sila dito ha?
Gusto ko na talagang maging Assuming dahil sa nararamdam ko at nakikita kong eksena sa buong hall. At the end.. Wala akong nagawa kung hindi ang maupo na lang roon sa Table na ito kasama siya.
Feels like something is happening. Ang awkward talaga ng pakiramdam noon sa akin. Napapikit na lang ako nang marinig ko iyong sumunod na song na pinatugtog nila.
Inhale.. Exhale! Saka ako huminga ng malalim.
"You okay?" Tingin pa nito sa akin. Kaya naman napangiwi na lamang ako sa kanya dahilan para mas maging malawak iyong pag-ngiti niya sa akin.
Everything is going to be okay, Wendy. Kalma ka lang.