Chapter 6 - GRANTED

1249 Words
Keve Hanggang ngayon talaga ay ayaw pa rin ako bigyan ng chance ni Francine, pinaparamdam niya talaga na ayaw niya sa 'kin. Paano ko ba makukuha ang loob niya? Sana kahit bigyan niya man lang ako ng isang pagkakataon kahit isang araw lang talaga ay tatanggapin ko. Then if she's really don't like me, maybe I should stop chasing her. Ang nag-iisang pag-asa ko naman ay ayaw akong tulungan. 'Ibang klase ang kambal na 'yon!' Lunch time na kaya uuwi na lang siguro ako. Wala naman na dito si Francine kaya ano pang gagawin ko dito at wala pa naman final class ngayon talaga. Nasa papunta na ako sa parking lot nang makita ko si Chezca pati ang dalawang kaibigan nito kaya nilapitan ko sila, "Hi girls, uwi na rin ba kayo?" tanong ko sa kanila. "Oh, hi Keve. Yeah! Uuwi na nga sana kami kaso na-flat ang service nito ni Chezca kaya hindi rin naman namin siya maiwan," tugon ni Stacey sakin habang si Chezca ay hindi ko alam kung saan pumunta. "Eh, saan napunta si Chezca?" tanong ko. "Ewan ko do'n baka nagtawag kung sino puwedeng tumulong para dito sa gulong ng service niya," tugon naman ni Jellessa. "Gano'n ba...dapat ay tanggalin muna ang gulong niyan at dalhin sa vulcanizing shop para mahanginan or palitan kapag hindi naayos," sabi ko naman sa kanila. Maya-maya ay nakita naming a balik na ito. "Ayan na pala siya, eh," ani ni Jallessa. "Kumusta, makahanap ka ba?" "Tss. Hindi nga, eh! Nakakainis naman. Ayaw kong iwan 'yan dito!" Nakangusong aniya. Biglang nag-ring ang cellphone ni Stacey at sinagot niya ito agad. "Hello...oh hi, yes po. Okay, bye! Ahmmn…guys, I need to go. Tumawag 'yong Tita ko at pupunta raw sila sa bahay ngayon kaya kailangan kong umuwi," hinging paumanhin ni Stacey. "Okay best, sige. Una ka nang umuwi. Ingat ka, ha." Nag beso-beso pa silang tatlo bago umalis si Stacey. 'Hay! Mga babae talaga ang daming arte.' Ngayon silang dalawa na lang ni Jallessa at ako ay uuwi na rin kaya magpapaalam na rin sana ako nang bigla akong tawagin ni Chezca. "Ah! Sige, una na rin ako sa inyong dalawa." "Keve! Sandali lang, baka alam mo kung anong gagawin ko dito sa service ko. Puwede mo ba akong tulungan?" mukhang nahihiya pa siya nang sinabi 'yon kaya lihim akong napangiti. Siguro nahihiya siya dahil sinungitan niya ako kanina, pero hindi ako nagpahalata. "Nasabi ko na kay Jallessa kanina kung ano ang dapat gawin," tugon ko. Kunwari wala akong gana sagutin siya. Nakita ko namang napanguso ito kaya natuwa ako. Ang cute niya do'n. "Eh, baka puwede mo akong tulungan. Sige na, please. Ahmmn...babayaran kita o kung anong gusto mo, basta ba ang kaya ko lang." Bigla naman akong napaisip sa sinabi niya kaya napangiti ako nang maalala ko ang plano ko sana kanina. "Talaga? Kahit ano?" tanong ko. "A-ah...eh! Basta nga ang kaya ko lang 'di ba?" Nauutal pa nitong sabi. 'Hahah! Kung sinusuwerte ka nga naman, maganda pa rin ang araw na 'to sa 'kin.' "Alam mo na ang gusto ko, 'yon lang naman." Ngisi kong sabi sa kan'ya. Naghanap si Chezca ng tutulong sa kan'ya upang maalis ang gulong ng Big bike niya pero wala siyang mahanap kaya agad na siyang binalikan ang mga kaibigan. Nang makaalis na si Stacey ay sina Jallesa na lamang ang kasama niya at Keve na pagbalik niya ay nando'n na rin kasama ng mga kaibigan niya kaya. Naisipan niyang ito na lang ang hingian ng tulong kahit pa nakaramdam siya ng hiya dahil sinungitan niya ito kaninang umaga. Pero kailangan niya talaga ng tulong nito kaya susubukan niyang makiusap rito. Ngunit nagkamali yata siya ng offer nang sinabi niyang gagawin kung ano man ang gusto nito. Sh*t*! Nagkamali yata ako nang sinabi. Ngumisi pa siya sa 'kin nang sabihin niya ang gustong mangyari. 'Hanep talaga!' Kahit alam ko naman na agad ang kondisiyon niya ay naiinis pa rin ako ngunit sinunikan kong pa rin siyang kumbisihin na iba na lang at baka pumayg nga siyang baran ko na lamang. 'Tss. Sabi na nga ba, eh!' Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla itong nagsalita. "Hep! Hep! Hep! Wala nang bawian Chezca, kung ayaw mo, aalis na lang ako." Tumalikod na ito kaya pinigilan ko ang braso niya. Pero napabitaw ako agad dahil parang nakuryente ako nang nahawakan ko siya. "Sandali!" "Oh?" Lumingon siya ulit sa 'kin pagkabitaw ko. "Sige na nga! Pumapayag na 'ko!" "Really?" Ngumiti ito sa pagpayag ko. "Happy?" banas kong sagot. Nakakainis! "Okay! Kakalasin ko lang ang gulong tapos dalhin natin sa volcanizing shop na malapit dito." 'It's okay Chezca, na kay Francine naman kung bibigyan niya ng Chance si Keve, at least ginawa mo ang deal niya sa'yo,' bulong ng isipan ko. Ilang saglit lang ay nakalas na niya ang gulong kung kaya't inaya na ako nito. "Let's go." Pinagbuksan ako nito ng pinto ng kotse niya. 'Hmmn...may pagka-gentle man din pala ang isang 'to, eh! Mukhang okay naman.' Napailing ako, ano ba 'tong nasa isip ko. 'Okay, siyempre para sa kakambal ko. Gusto kong masiguro kung karapat-dapat 'tong si Keve.' Isip-isip ko. Nang makarating kami sa shop at pinagbuksan ako nito nang pintuan ng kotse niya. "Thank you!" At nauna na siya. "Excuse me, kuya," tawag pansin ni Keve sa lalaking may inaayos sa sasak'yan. "Ano 'yon, pogi?" baling naman nito kay Keve. "Tss. Pogi!" "May sinasabi ka?" Nagulat ako nang bigla niya akong kausapin. Hinampas ko siya, "Bakit ka ba nanggugulat!" "Parang narinig ko kasing, sabi mo pogi. Well, tutuo naman 'yon!" Sabay kindat pa nito sa 'kin kaya sinamaan ko ito agad ng tingin. "Excuse me! Hindi ikaw ang sinabihan kong pogi!" nakakainis talaga 'tong lalaking 'to, Masyadong feeling. "Ayon ang sinasabihan kong pogi, oh! 'Yong puppy," ani ko sa kan'ya at tinuro ang ang tuta. Nilapitan ko ito at kinarga. "Hello puppy, ang pogi mo naman. Hindi katulad ng iba diyan na masiyadong feelingero," parinig ko sa kan'ya ngunit natawa lang ito sa sinabi ko. 'Ang kapal talaga.' "Puwede pa 'to, kaya 'wag niyo muna palitan. Hintayin niyo lang muna at gagawin ko," sabi ni kuya. "Okay, thank you." Bumalik na muna ako sa labas at sumunod naman siya sa 'kin. "So, pumapayag ka na talaga?" tanong niya. 'Kita mo 'to! Siya ang may sabing wala nang bawian, tapos biglang magtatanong.' "Bakit? Puwede ba'ng bawiin? Kasi kung puwede ay binabawi ko, na," tugon ko. " "Hindi pa rin, inulit ko lang. Baka kasi magbago ang isip mo." Inirapan ko na lamang siya. Maya-maya ay tinawag na kami ni Kuya, sinabing ayos na ang gulong kaya nang mabakabayad ay bumalik na kami sa School. Siya na rin ang nagkabit ng gulong, mabuti naman at kahit papaano ay nabawasan ang inis ko sa kan'ya. "Ayos na 'to, kaya makakauwi ka na," anito "Thank you, ah! Ayaw mo talagang bayaran na lang kita?" tanong ko. Ngumisi siya sa 'kin. "Mukha ba akong walang pera?" tugon naman niya na kinainis ko naman. "Yabang! Sinabi ko, ba?" singhal ko sa kan'ya. "Diyan ka na nga!" Sinuot ko na ang helmet ko at sumakay na sa Big bike. "Bye! See you tomorrow," paalam niya nang may nakakaasar na ngiti. "T'se! Bye your face!" At agad kong pinasibat ang service ko. Kung hindi niya lang talaga ako tinulungan, hindi talaga ako papayag sa usto nitong mangyari eh! No choice lang talaga ako. Sana ay hondi magalir sa 'kin si Francine 'Patay ako nito kay Francine. I'm sorry my, Twin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD