Chapter 7 - Deal

1498 Words
Naunang umuwi si Francine at hindi rin naman sila nagtagal ni Arabella sa mall kung kaya't nasa kuwarto lang siya nagpapahinga at nagbabasa ng libro. Habang tahimik siyang nagbabasa ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Chezca. "Hi Twin." Tumalon ito sa kama at humiga na animo'y pagod na pagod. "Hello, kumusta? Saan kayo nagpunta ng mga kaibigan mo?" tanong ni Francine. "Wala nga, eh. Paano na-flat ang gulong, kaya hindi kami natuloy. Umuwi agad si Stacey kasi biglang tumawag 'yong Tita niya, nauna na lang din si Jallessa buti na lang ando'n si Ke–" putol niya, "Kuya guard." Muntik na itong madulas sa kung sino pa ang isang kamasa nila. Ayaw niya nang malaman pa ni Francine 'yon baka kung ano pa ang masabi niya kapag nagtanong pa ito sa kan'ya. "Buti naayos mo agad, nag-merienda ka na ba? Kung hindi pa ay sabayan mo na ako." Pinatong nito ang binabasang libro sa side table upang bumaba. Nagutom kasi ito bigla kaya kukuha na muna ito ng makakain. "Sige, hindi rin naman ako nakakain do'n kanina," aniya. "Saan mo gusto? Dito, o do'n na lang tayo sa dining?" tanong muli ni Francine. "Do'n na lang, Tara!" Kumapit na si Chezca sa braso ng kakambal at sabay silang bumaba. Gan'yan silang dalawa ka-close magkapatid sa lahat ng bagay kaya natutuwa ang mga parents nila dahil kahit kailan walang naging problema ang dalawa. Kinagabihan ay patulog na silang dalawa pero si Chezca ay hindi pa makatulog, iniisip niya kung anong mangyayari bukas dahil magkikita na naman sila Keve at may Deal sila. 'Tss. Bahala na nga.' Maya-maya ay nakatulog na rin ito sa kakaisip. Kinabukasan ay maaga silang pumasok, may biglang meeting lang kasi kahapon kung kaya't wala sila mga pasok. Pagkarating sa university ay naghiwalay na sila agad dahil sumabay na rin si Francine kay Arabella, saktong kararating lang kasi nito. "Twinny, mauna na ako," paalam ni Francine kay Chezca. "Sige Twin, pasok na rin ako maya-maya. Hinihintay ko lang 'yong dalawa," aniya at kumaway na sa kapatid. "Okay, see you later." Tumalikod na ito sa kan'ya. Hinihintay niya ang dalawang kaibigan pero iba agad ang dumating. 'Kung minamalas ka nga naman, oh. Ang aga ko naman 'to nakita.' "Good morning, mukhang inaabangan mo 'ko, ah." Ngising bungad nito sa kan'ya. "Puwede ba sa susunod gandahan mo naman mag-joke!" Inirapan nito si Keve pagkasabi no'n. Natawa naman si Keve sa inasal ni Chezca, ang aga-aga ay nakabusangot na naman. "Eh... Sino ang hinihintay mo?" "Wala ka na do'n. Tabi nga!" "Oh! Papasok ka na? Akala ko ba hindi ako ang hinihintay mo? Eh, bakit sasabay ka sa 'kin?" pang-aasar pa nito sa kan'ya. Bigla naman napatigil si Chezca, 'Kainis! Bakit nga ba ako aalis.' Sakto naman ang dating ni Stacey kaya may palusot na naman ito. "Excuse! Natural ayan na ang hinihintay ko, eh." Lumingon naman si Keve at nakita niya ngang papalapit na si Stacey. "Fine! See you later mag-usap tayo," anito at iniwan siya ng nakanganga. 'Grrrrrr…' "Good morning, Best. Ako ba ang hinihintay mo?" bati ni Stacey ng malalapit na ito. "Yeah! Kayo ni Jellessa. Wala pa nga, eh. Mauna na lang tayo," aniya dahil malapit nang ma-umpisa ang first class nila at hindi rin nag-re-reply si Jallessa sa mga message niya. "Sige," pagsang-ayon ni Stacey kaya pumasok na lang silang dalawa. Buti na lang bago magsimula ay dumating na si Jallessa. "Best, ba't nahuli ka?" tanong ni Stacey. "Tinanghali ako nang gising, eh. Nagkatuwaan kasi kami sa bahay naglaro kami ng Chess, partner kami ni Mommy at sina Daddy and kuya naman. Ang Deal ay kapag kami ang nanalo ni Mommy ay bibilhan nila ako ng Car, alam niyo naman na gusto ko na talaga magkaroon ng sarili kong service 'di ba?" saad ps ni Jallessa. "Wow! mayaya nga rin sina Daddy," mangha na tugon ni Stacey. "Wait! How about if your Kuya and Dad are gonna win?" tanong naman ni Chezca rito. "Condo naman ang kay, Kuya," simpleng tugon naman ni Jallesa sa dalawa. "What?! bulalas naman ni Stacey. "Grabe naman pala ang price, kung ako ay pagpupuyatan ko rin talaga, eh! Pero, teka, sinong nanalo?" naghihintay sina Chezca at Stacey sa sagot ni Jallessa kaya nakatutok talaga silang dalawa. "Me!" tipid nitong sagot sa kanila. "Waaaaah! Really? OMG!" hindi na mapigilan ni Stacey ang tumili. Si Chezca ay napasinghap din. "Ms. Parker, quiet please. Ano ba ang pinag-uusapan niyo d'yan? Dito mo na lang sa gitna sabihin para ma-informed naman kami," saway ng professor nila sa ingay ni Stacey. "I'm sorry po, Sir," hinging pasensya nito. "Okay, listen." Lihim silang nagtatawanang tatlo. Nang mang break time sila ay nagtungo na sila sa Cafeteria. Nakapag-order na rin sila at habang kumakain ay biglang nagtanong si Jallessa kay Chezca. "Best, kumusta pala kahapon?" "Okay naman, naayos agad at sinamahan na rin ako ni Keve. Siya na rin ang nakabit ng gulong pagbalik namin dito," saad naman ni Chezca. "Nice! Ang bait naman ni Keve," sambit ni Stacey. "Naku! May deal rin kami, no! Wala nga lang talaga akong choice kaya napapayag ako," naiinis nitong sagot. "Ha? Ano naman ang, deal?" tanong ni Stacey habang si Jallessa ay naghihintay rin na sumagot si Chezca. "Ano pa nga ba? E 'di tulungan ko siya sa kakambal ko," walang ganang sagot ni Chezca sa mga kaibigan. "Tss. Unggoy talaga! Talino eh!" Humagalpak naman kakatawa ang dalawa kung kaya't sinamaan niya ito nang tingin. Mas lalo siyang nainis dahil inaalala niyang baka magalit sa kan'ya si Francine. "Speaking of monkey, he's coming," ani naman ni Jallesa. "Hi girls," bati ni Keve sa kanilang tatlo ngunit hindi kumibo si Chezca. "Hello Keve, upo ka," aya ni Stacey rito pero tinanggihan naman ni Keve. "Hindi na, saglit lang naman ako, eh. Ahmn… Chezca, puwede ba kitang makausap?" tanong ni Keve kaya napabaling naman si Chezca rito. "Bakit?" maang nitong sagot kahit pa alam na nito ay sasabihin ni Keve. "Puwede bang do'n tayo saglit?" Itinuro nito ang table na nasa bandang dulo ng Cafe. Bumuntong-hininga naman si Chezca pero pumayag naman siya at tumayo upang magtungo sa table na sinasabi ni Keve. "Best, mauna na lang kayo. Susunod na lang ako ro'n," ani nito bago lumipat ng table. "Okay! Let's go, Stacey." Umalis na ang dalawa kung kaya't silang dalawa na lang ni Keve. "Speak!" walang ganang sabi ni Chezca. "Whoa! Ang aga-aga nakasimangot ka na naman, eh. Smile para mas lalo kang gumanda." Natigilan naman si Chezca sa sinabi ni Keve. Tama ba ang narinig niya? Maganda? "Sabihin mo na dahil may class pa ako!" "Okay! Relax! Gusto ko lang naman na maging maayos naman tayo. Like friends, ang pangit naman na palagi na lang tayong nagbabangayan, 'di ba?" Napaisip naman si Chezca sa sinabi ni Keve at na-realized niyang my point naman ito. Nakaramdaman naman si Chezca na sincere talaga si Keve sa sinabi nito. "Hindi naman sa gano'n Keve, inaalala ko lang ang kapatid ko," tugon niya naman kay Keve. "I understand, kahit hindi mo ako tulungan itutuloy ko pa rin naman ang panliligaw sa kan'ya. Ako ang lalaki kaya dapat ipakita ko talaga sa kan'ya na seryoso talaga ako," bigla naman nakaramdam ng konsensiya at awa si Chezca para kay Keve. Ramdam niya talagang pursigido ito sa kapatid niya kaya nagpasiya siyang tulungan na lamang ito. "Sige na nga! Tutulugan na kita, basta kapag med'yo okay na ay ikaw na lang ang magtuloy, ha?" pagpayag nito na kinatuwa naman ni Keve. "Talaga? 'Di ka nagbibiro?" bakas sa mukha nito ang kasiyahan pati ang mga mata nito ay kumukutitap na akala mo ay bituin sa kalangitan. 'Tss. Gan'yan ba talaga ma-inlove? Hay.. Francine sayang dahil hindi mo man lang mapansin kung gaano ka kagusto ni Keve.' "Oo na! Kaya kumalma ka na, okay? Sige na, baka ma-late pa ako sa class namin." Tatalikod na sana siya nang pigilan ni Keve ang braso niya. Ayan na naman ang parang boltaheng dumaloy sa katawan niya sa tuwing napapadikit ang balat ni Keve sa kan'ya ngunit 'di siya nagpahalata. "Wait, Chezca. From now on, we will be friends?" Inilahad nito ang kanang kamay kay Chezca. Nakatitig naman si Chezca sa kamay ni Keve, at umangat pa muna ang tingin nito kay Keve. Hinihintay naman ni Keve kung payag ba si Chezca na maging magkaibigan sila. At napangiti siya ng todo nang tanggapin ni Chezca ang kamay niya. Nakangiti itong tinanggap ang kamay niya at naramdaman niyang malamig 'yon. "Friends!" Nakangiti si nitong tinanggap ang kamay ni Keve. Nagdalawang isip siya kung tatanggapin ba ito dahil baka maramdaman na naman nito ang boltaheng 'yon kanina. Pero kalaunan ay tinanggap niya rin ito. "Thank you!" ani ni Keve kay Chezca na walang pagsidlan ng saya. "Basta kapag naging kayo kung sakali ay 'wag mo siyang sasaktan, dahil 'pag nangyari 'yon ay friendship over na tayo," sabi nito kay Keve na may pagbabanta. "Deal?" Si Chezca naman ang naglahad ng kamay kay Keve na tinanggap naman nang isa. "Deal."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD