Francine Hindi ko na talaga matagalan pa ang nararamdaman ko, kailangan ko nang kausapin si Keve ng tungkol sa aming dalawa. Nagmessage ako sa kan'ya na kailangan na naming mag-usap, at pumayag naman siyang makipagkita. Sumaglit lang ako, nando'n naman sa ospital ang mga kaibigan namin kaya may mga kasama si Chezca do'n. Sandali lang naman siguro itong pag-uusap naming dalawa. Nandito kami ngayon sa ospital sa rooftop nga lang. , dito ko na kasi siya pina deretso. "Francine," tawag niya sa 'kin. "Keve, buti dumating ka," ani ko. Kita ko ang pag-aalala s mga mata niya. "Bakit tayo nandito?" tanong niya, peke akong napangiti. "Wala lang Love, gusto lang kitang makausap. Parang may nag-iba kasi sa 'yo eh! Tama ba ako? LOVE?" may diin ang pagkakasabi ko ng huli. Nasasaktan lang di

