"May pasok ka ba ngayon Kath?"ang mama ni Marcus.
"Meron po mama pero tumawag na po ako sa secretary ko na hindi muna ko papasok ngayon.
"How about you Marcus? baling nito sa anak.Nakabihis na kasi ang lalaki.
"May importanteng meeting ako mama sa mga supplier natin.
"Okay,sabagay after lunch ay aalis na din ako,dadaan ako sa kapatid mo sa Filinvest bago ako umuwi ng Batangas.
"I'll go ahead ma" sabay halik s pisngi nito.
"Bye honey" mag rest ka ha mukha kang puyat,sabi ni Marcus sa kanya.
"Thanks hon,ingat ka" sabay halik sa pisngi ng asawa.
Nakaalis na si Marcus at tanging sila lang ng biyenan ang naiwan, magiliw sa kanya ang kanyang biyenan kahit nuon pa mang magkakabarkada pa lang sila ni Marcus.
"Natutuwa ako anak at maayos kayo ni Marcus,hindi kami nagkamali sa aming pasya na ipakasal kau".
Nginitian lang niya ang biyenan niya gusto niyang sabihin na hindi sila okay at kahit kailan hindi na yata magiging okay,pero natatakot siyang sabihin dito ang totoo,dahil lalo lang mamumuhi sa kanya si Marcus.
"Anak na lang kulang sa inyo"
"Masyado pa po siguro kami busy lalo po ngayon na wala dito sina mommy at daddy marami pong pressure sa kumpanya,ganun din po si Marcus mama".
"Kaya nagustuhan ka namin napaka responsible mong anak"
"Thank you po,wala naman pong ibang aasahan sina mommy at daddy"nag iisa kasi siyang anak.
Nasa America ang mga magulang niya,nung mag asawa siya ipinabahala na sa kanya ang negosyo ng pamilya.
Nagpaalam na din ang mama ni Marcus at kailangan pa daw nitong dumaan sa Alabang.
Ipinasya niyang maggrocery na lang marami na siyang kulang sa kusina nila.Siya ang personal na namimili ng mga gingamit nila sa bahay, weekly lang pumupunta sa kanila ang kabilang taga laba at taga linis ng bahay.Busy siya sa pagtitingin ng mga spices nang mamataan niya nasa may kabilang section ng grocery si Marcus na kaakbay ang isang babae.Mukhang namimili din ang mga ito at kahit nakatalikod ang babae kilala niya ito.
Si Shane ang kasama ni Marcus.
Sweet na sweet ang dalawa.
Dali dali siyang nagpnta ng counter at binayaran ang mga pinamili niya.Parang gustong bumigay na ng mga paa niya,pero pilit niyang kinalma ang sarili.Masakit na makitang masaya si Marcus sa piling ng iba.Pero mahal na mahal niya ito at ang pagmamahal na yun ang dahilan para mawasak siya ng sobra.Mabilis siyang nakalabas ng supermarket.
Baka makita siya ni Marcus.Siya ang natatakot makita gayung dapat sinusugod niya ang dalawa.Kanina pa tumutulo ang luha niya,nakita na niyang lumabas si Marcus at Shane.Sumakay ang dalawa sa kotse ng asawa niya.Gusto niyang sundan ang mga ito pero lalo lang niyang papasakitan ang sarili pag ginawa niya yun.Ipinasya niyang umuwi na,nakadama siya lalo ng awa sa sarili.
Kinukuwestiyon din niya sarili bakit nagtitiis siya sa ganung set up nilang mag asawa.May kasalanan siya at alam niya yun hanggang kelan ba siya magbabayad sa kasalanang nagawa niya dala ng labis na pagmamahal sa asawa.Malalim na ang gabi ng dumating si Marcus.
"Bat gising ka pa"? tanong nito sa kanya.
"Hindi pa ko makatulog" tugon niya sa asawa.
"Are you drunk? muling baling nito sa kanya ng mapansin ang bote ng champagne.
"Nagpapa antok lang ako dami kasi stress sa opisina,nag aalis lang ako ng stress" pabuntung hininigang sabi nya dito.
Dapat kinokompronta niya ito dahil sa nakita niyang tagpo kanina.Pero hindi niya magawa.Sasabog na ang dibdib niya sa sakit pero hindi siya makaiyak SA harap nito.
Kinakausap siya ngayon ni Marcus na himala naman yata,dahil ba maganda mood nito dahil kay Shane.At malamang dun ito galing ngaun dahil kanina pa siya tumawag kay Beth at sinabi ng sekretarya na hindi sumipot sa opisina niya ang asawa.
"Take some break,alam kong hindi biro magptakbo ng negosyo"si Marcus na inagaw ang iniinom niya.
Mataman itong nakatitig sa kanya na para bang inaaral ang ikinikilos niya.
Totoo ba ito hindi siya sinidinghalan ng asawa.O baka naguguilty ito,na imposible naman yata.Dahil ito ang taong nagiging masaya talaga pag miserable siya.
"Bakit hindi ka muna magbakasyon sumunod ka muna kina mommy at daddy"biglang sabi ni Marcus.
Akala pa naman niya nagmamalasakit na sa kanya ang asawa.Pinagbabakasyon siya nito para malaya sila ni Shane.
"I don't need a break,thank you sa suggestion pero wala akong mapapag iwanan ng kumpanya" sagot ni Kath kay Marcus.
Gusto niyang umiyak at sumbatan ang asawa pero pinipigil niya ang sarili.
"Okay,mauna na ko sayo pagod din ako sa trabaho,tumalikod na ito sa kanya.
Gusto niyang sabihin na hindi ka pagod sa trabaho kasi hindi ka naman pumasok,dahil kasama niya si Shane.Pero walang lumabas sa bibig niya kahit ano.Nang wala na ang asawa saka sunod sunod na pumatak luha niya.Hanggang kelan ba niya ipaglalaban ang pagiging asawa ni Marcus.
Marcus POV
Hating gabi na siyang nakauwi dahil maghapon silang magkasama ni Shane.
Sa apat na taon na nawala ito sobra niya itong namiss.Mahal pa rin talaga niya ang babae.Hindi na siya nakapasok sa opisina.Ginugol niya ang buong araw na kasama ito.
Nadatnan niyang maliwanag pa veranda andun ang asawa niyang si Kath.Umiinom ito na bihira lang gawin ng asawa,pero sabi niya'y nagpapaantok lang siya.Hindi naman biro ang magpatakbo ng isang malaking kumpanya at sa bagay na yun ay hindi niya maitatangging hanga siya sa asawa.Kanina lang ulit niya ito natitigan kitang kita niya ang malamlam at malungkot na mga mata nito.Malayo sa Kath na kilala niya bago niya ito naging asawa.Kahit papano may kurot yun sa konsensiya niya.Hindi niya alam kung naguguilty ba siya o ano.
Kanina pa siya nakahiga pero hindi siya dalawin antok at hanggang ngaun nasa veranda pa si Kath.Minabuti niyang silipin ito kitang kita niyang nakasusob ang ang asawa sa tuhod at base sa pagyugyog ng balikat nito alam niyang umiiyak ang babae.Ni hindi nito namalayan na lumapit siya.Lasing na ito dahil halos naubos na nito ang isang boteng champagne.Naramdaman nito ang presensiya niya at mapait itong ngumiti sa kanya.
Tumayo ito at akmang punta na kuwarto namin.Aalalayan ko sana siya pero pinigilan niya ako.
"Kaya ko" pigil nito sa akin.
"Lasing ka at baka mapasubsob ka"
Kaya kahit anong pigil nito ay inalalayan niya ito hanggang makarating sa kuwarto.Pabagsak itong nahiga sa puwesto niya.Madali agad itong nakatulog,dala siguro ng dami nitong nainom.