Episode 3

1237 Words
"Babe ok na ba itong mga nabili ko"?si Shane na kasalukuyang pumipili ng mga canned goods. "I think it's enough"naisagot na lang niya. Hindi niya hilig ang mga canned goods,mas prefer niya yung lutong bahay,na usually inihahanda ni Kath para sa kanya.In two weeks na palagi siyang tumitigil sa unit ni Shane ni minsan hindi niya ito nakitang nag effort magluto,madalas sa nag oorder na lang sila ng dinner o lunch. Ilang araw na din na breakfast lang siya nakakain sa bahay nila ni Kath minsan ay hindi pa dahil maaga siyang tinatawagan ni Shane . Namimiss niya ba si Kath o ang luto ni Kath? Kath loves spices at pati siya na rin dahil sa mga niluluto ng asawa parang napaka special pag may ibat ibang spices ito.Natanaw niya section ng mga spices. Kumuha siya ng ilang bote ng spices pero ibinalik niya ulit yun sa shelves.Bibili sana siya para sa bahay stock nila pero nagbago isip niya. Hinanap na lang niya si Shane na kumukuha ng pack ng corned beef. Mula sa mayamang pamilya si Kath pero sanay na sanay naman ito sa mga gawaing bahay na siya namang kabaliktaran ni Shane. "Parang wala ka mood babe"puna ni Shane sa kanya "Napagod lang ako babe dami kasi trabaho sa opisina" Hindi naman kasi siya sanay na nag gogrocery dahil si Kath naman may alam ng mga pangangailangan sa bahay. Pagkatapos nilang magrocery dumaan na lang din sila sa fast food dahil yun ang gusto ni Shane.Inihatid na rin niya ito sa unit niya. "Dito ka na matulog please babe" sabay yakap ni Shane sa kanya. "Shane,alam mong hindi puwede" Kahit naman nambabae siya iniingatan niya reputasyon niya.Mahirap sa panahon ngayon madaling kumalat sa social media pag may nakakita sa kanya lalo pa at kilala rin naman siyang isang matagumpay na negosyante pati na rin ang asawa niya. At may parte rin ng isip niya na alam niyang mali ang gingawa niya.Galit siya kay Kath,pero alam niyang hindi deserved nito ang lokohin niya ito. "Marcus bakit hindi ka pa makipaghiwalay sa kanya? Hindi mo naman siya mahal di ba?" nakangising sabi ni Shane sa kanya "Pero hindi ganun kadali Shane,alam mong hindi papayag mga magulang ko pag ganun ginawa ko, unless si Kath mismo makipaghiwalay sa akin." Pero alam niya hindi yun gagawin ni Kath kaya nga siya nito pinikot sa laki ng pagmamahal nito sa kanya. Alas onse na ng gabi ng makauwi siya,gising pa si Kath. Nakaharap ito sa laptop niya at mukhang nagtatrabaho pa din.Agad itong tumayo nang nakita siya at dumiretso sa kusina. Nagpalit lang siya n g damit at bumaba na rin sa kusina,nagugutom siya sa amoy ng hinandang pagkain ni Kath.Konte lang nakain niya kanina sa fast food kasama si Shane. "Kain ka na" sabi ni Kath na tapos na ayusin ang mesa. "andaming pagkain mong hinanda" puna niya dahil ilang putahe nakahain ngaun,pero lahat naman yun favorite niya. "Sinipag lang ako magluto,medyo maaga kasi ako nakauwi. "How about you kumain ka na"?natanong niya dito. "Yeah ,tapos na,kain ka na tawagin mo na lang ako pag tapos ka na kumain,tatapusin ko lang ung gingawa ko."nagmamadaling tinalikuran na siya ng asawa. Nagmamadali na itong umakyat,sabagay hindi naman talaga sila nagsasabay kumain puwera na lang kung napapadalaw dito mama at papa niya. Marami siyang nakain lalo na at ilang araw na rin siyang nag cacrave sa mga luto na ito ni Kath.Siya na rin ngkusa na magligpit ng pinagkainan niya.Alam niyang si Kath pa din gagawa nun kahit may tinatapos itong trabho. Natapos na niyang ligpitin lahat ng may makita siyang maliit na box sa counter table nila. "Happy Anniversary "nakasulat sa ibabaw nito. Anniversary nila ni Kath ngaun at hindi naman niya sadya naaalala yun,yearly si Kath lang palagi nakakaalala nun. Hindi niya maintindihan bakit parang nakadama siya ng guilt para sa asawa,masama loob nito kita niya yun sa mga mata ni Kath,dagdag pa din siguro ang pressure niya sa trabaho.Malaking responsibilidad ang magptakbo ng isang kumpanya.But Kath did it very well alam niya.Dahil dun mismo nagtatrbaho ang best friend niyang si Carl at madalas nitong purihin ang kanilang Lady boss. Kaibigan niya si Kath nuon bago sila naging mag asawa,kahit wala sa hinagap na may gusto pala sa kanya ang babae. Magkakabarkada sila ni Kath,palagi ito sa bahay nila at isa pa magkakaibgan ang mga magulang nila.Best buddy nga silang dalawa.Ni hindi pumasok sa isip niya na gusto siya ni Kath nuon,dahil may pagka boyish ito.Pero kahit ganun palagi siyang binibuild up ng kanyang mama mismo para sa kanya. Gustong gusto ng mama niya si Kath. Naalala niya kung paano siya napakasal kay Kath. Simple ng celebration gusto niya para sa kanyang 21st birthday,pero gusto ng mama niya may party.Invited lahat ng kaibgan niya pati si Shane.Pero hindi dumating si Shane nung gabing yun dahil may emergency daw sa pamilya nito sa probinsya. "Babe sorry hindi ako makakarating kailangan ko umuwi tumawag si mommy"si Shane. "Okay but promise me to text or call me pag andun ka na,ingat ka s biyahe mo" "Okay ,babe happy birthday ulit" "Thank you babe" Punong puno ng bisita ang mansion ng mga del Valle.Nanduon lahat ng mga kaibgan niya,kabilang si Kath duon. "Girl na girl dating mo Kath ah "si Greg na kaibgan din nila. Tiningnan niya si Kath kakaiba ang aura nito ngayung gabi,na dress ito ng floral na hanngang tuhod.Maganda si Kath aminado naman siya dun,ang mga legs nito perfect ang shape.Ang maamo nitong mukha. "Uy kayo ha,girl naman talaga ko"parang batang sabi nito. "Pero totoo Kath, your so beautiful tonight"si Marcus . Namula si Kath sa sinabi niya,kitang kita niya yun. "Sus,ang maganda lang naman sayo ay ang Shane mo"biro ni Kath sa kanya. Ewan pero parang may hinanakit yung salitang yun buhat kay Kath .Marami na silang naiinom ang iba ay nagsiuwian na,ang iba'y tulog na siguro sa guest room.Hindi na rin kayang uminom ni Marcus kaya pasuray suray na itong umakyat sa silid niya. Ang ganda ng panaginip niya may kaniig siyang babae,at alam niya hindi si Shane yun.Parang totoo lahat birhen ang babaeng katalik nya kahit panaginip alam niya yun.Ramdam niya ang lambot ng babae hanggag sa makatulog siya. "Marcus,Anong big sabihin nito?"umaalingaw ngaw ang boses ng kanyang papa na pumasok s kuwarto niya.Nagising siyang nakayakap sa hubad na katawan ng babae,na kasukob niya ng kumot.Nagising din dito at agad tinakpan ang sarili. "Kath paanong "? Naguguluhang sabi ni Marcus. "Fix you're self Marcus at mag uusap tayo "sabay talikod ng kanyang papa.Si Kath ay agad dinaluhan ng kanyang mama. "Everything will be alright iha,sige na mag ayos ka ng sarili mo"narinig niyang sabi ng ina. So hindi panaginip yun kagabi pero bakit hindi tumutol si Kath.Anong nangyari bakit nasa iisang kama sila. "No,papa hindi ko papakasalan si Kath" "Pagkatapos ng lahat ,magpakalalaki ka Marcus bigyan mo naman kami ng kahihiyan. "Lasing kami pareho" naguguluhang sabi niya sa ama. "Ke lasing o hindi papakasalan mo si Kath"ang mama niya. "Tinawagan ko na mommy at Daddy mo Kath "ang papa ni Marcus. "Pupunta tayo dun ngayon dahil babae ang anak nila"ang mama naman niya. "Kath sabihin mo sa kanila hindi kita pinilit"pakiusap niya kay Kath. "Marcus I'm sorry" si Kath na umiiyak "Papayag kang makasal tayo?Kath?" "I love you Marcus"sabi ni Kath. Na ikinabuwisit niya,so plano ba talaga ito ni Kath ang pikutin siya.Dahil puwede naman itong hindi pumayag sa gusto ng mama at papa niya.Pero naging makasarili ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD