"I really miss you anak"ang mommy niya ka videocall niya
"Thanks mommy,sobrang miss ko na din kayo ni Dad"
Miss na miss na din naman niya talaga ang mga magulang.
"Kami man anak,kaya lang alam mo namang may mga treatment pang gagawin sa daddy mo,kahit cancer free na siya marami pa series of test na kailangan.
"Pupunta ko diyan mommy pag hindi na ako masyado busy dito,miss ko na kayo." Naglalambing na boses ni Kath.Sa mga pabahon na balot siya ng lungkot lagi niya winiwish na sana andito sa tabi niya mga magulang niya.
"Okay,anak but don't worry ayos kami dito nandito naman mga kapatid ng daddy mo,alam naming malaking responsibility ang iniwan namin sayo, besides may sarili ka nang pamilya anak."
" Aayusin ko po schedules ko pupunta ko diyan"
"Okay,anak isama mo si Marcus,last year ikaw lang nagpunta.Para makarelax din ang asawa mo,hindi puro kayo trabaho ha" bilin ng mommy niya.
Sana nga sumama si Marcus paano kung hindi na naman?Magsisinungaling na naman ba siya sa magulang niya.
Anong idadahilan na naman niya sa mommy at daddy niya.
"Mam Kath excuse me po"may bisita po kayo si Miss Sofie po boses ng secretarya niya.
"Papasukin mo siya,thank you"
Maya maya pay bumungad na sa kanya ang magandang si Sofie. Ngiting ngiti ito at mukhang masayang masaya.Bunsong kapatid ito ng asawa at madalas bumibisita sa kanya pag may hihingin itong pabor.
"Hi Ate Kath"sabay yakap nito sa kanya.
"Hmmm Anong kailangan ng aking beautiful sister in-law"
"Ate " tila batang naglalambing si Sofie.
Sobrang malapit ito sa kanya,kahit nuong magkaibigan pa lng sila ni Marcus.
"Kasi nga po ate kailangan kong magpaalam kay Kuya Marcus,may out of town po kasi kami ng mga kaibigan ko "
Ibinilin kasi si Sofie ng mga magulang habang nasa business trip ang mag asawa sa Japan.Sila muna ni Marcus ang bahala dito.
"Hay naku Sofie,kilala mo naman Kuya mo"banta niya dito.
"Kaya nga po ate samahan mo ko magpaalam tayo kay Kuya,puntahan natin siya sa office niya"
"Hindi ba puwedeng mamaya na pag uwi ng kuya mo,sa bahay ka na din matulog"
"Ngaun na ate Kath bukas na kasi alis namin" pamimilit pa nito sa kanya.
Mabilis na ipinacancel ni Kath schedule ng hapon ding yun,hindi rin naman siya titigilan ni Sofie kaya minabuti nang samahan niya ito.
Diretso na sila sa opisina ng asawa sa 10th floor,pagbukas pa lang ng elevator nagulat na si Beth na secretary ng mister niya.Parang gusto siyang pigilan nito,sa tingin niya,pero bago pa man ito nakapagsalita nalagpasan na ito ni Sofie at tuloy tuloy na pumasok sa opisina ng kapatid.
"K -kuya Marcus?"gulat na sabi ni Sofie nang maabutan niyang naghahalikan sila ni Shane.
"Look Sofie hindi ka ba marunong kumatok"? iritadong sita nito sa kapatid.
"Niloloko mo si ate Kath how dare you"?
galit na galit na baling nito sa kapatid.
At ikaw babae ka hindi mo na alam na may asawa na si kuya at sa pagkakaalam namin may asawa ka na rin.
"Ako ang mahal ng kuya mo " nakangising sagot nito kay Sofie
"Shane just leave mag uusap pa kami ng kapatid ko"awat ni Marcus.
"Hindi mo mahal si Kath bakit ba ayaw mo yun ipaintindi diyan sa kapatid mo"si Shane na halatang buwisit sa biglang pagdting ni Sofie.
"What, your a liar"baling ni Sofie kay Shane.Kahit kailan hindi naging malapit loob niya sa ex gf ng Kuya niya.Dahil nakikita niya tunay na kulay nito pag hindi kaharap si Marcus.
"Stop it, Sofie"si Kath na pumasok na loob ng opisina ng asawa niya.Alam niyang totoo sinasabi ni Shane.
"Good job my dear friend"baling ni Shane kay Kath na pumapalakpak.
"Shane,bakit?"punung puno ng luha ang mukha niya kahit Anong pigil niya hindi niya magawa.
"Bakit?inagaw mo sa akin si Marcus hindi ba? " matapang na sagot ni Shane.
"Alam mo ang totoo Shane,hindi ko gagawin yun kung ....
Hindi niya natapos ang sasabihin ng isang malakas na sampal ang binigay sa kanya ni Shane.
"Mang aagaw ka desperada yun ang totoo"galit na sabi nito,"huwag kang gumawa ng kuwento dahil diyan ka naman magaling hindi ba kaya mo nga napikot si Marcus."
Kahit sabihin niya ang totoo kay Marcus ngayon hindi naman ito maniniwala sa kanya.
Sadyang iniwan na siya ni Shane nuon dahil nabuntis ito ni James,ang mga magulang mismo ni Marcus ang nagsabi nuon sa kanya.Sinadya nitong hindi na pumunta sa birthday ni Marcus dahil sa kahihiyan na nalaman ng mga magulang ng lalaki.Pero bakit ngayon nagbabalik ito sa buhay ng asawa niya na parang walang nangyari.
"Umalis na kayo dito "baling ni Marcus kay Kath at kay Sofie walang ekspresyon mukha nito.
"I can't believe you kuya,"pati si Sofie ay umiiyak na ding dinaluhan si Kath.
Wala silang nagawa kundi lumabas ng opisina ng asawa.Si Shane ang dapat umalis pero sila pinalabas ni Marcus.
"Umuwi ka na Shane"
"Pero babe?"
"Umuwi ka na sa bahay na tayo mag usap,kilala ko si Sofie magsusumbong yun sa mama at papa.
"Bakit kasi nagtitiis ka na kasama si Kath,ako ang mahal mo inagaw ka lang naman niya sa akin ei"
Kung tutuusin kaya naman niyang gawin ang sinasabi ni Shane. Pero alam niyang ikakagalit yun ng mga magulang.Si Kath ang gustong gusto ng mama at papa niya.
"Lumaban ka ate Kath"nangingilid ang luhang sabi ni Sofie ng makapasok sila sa loob ng kotse.
"May laban ba ko? kahit kailan hindi ako minahal ni Marcus,ang lahat ay palabas lang dahil ayaw niyang magalit si mama at papa."umiiyak na sabi ni Kath
"Pero sayo siya kasal ate,kaya may laban ka."
"Labag yun sa kalooban ng kuya mo,kahit kasal siya sa akin si Shane ang mahal niya."
Ang tanga tanga kasi niya sa sobrang pag ibig niya kay Marcus pumayag siyang mangyari yun. Inakala niyang mamahalin siya nito,pero nagkamali siya.
"Ate Kath,alam kong mahal na mahal mo si Kuya,kaya wag ka sumuko please.
"Please wala kang sasabihin kay Mama at Papa Sofie,"pakiusap ni Kath.
"Pero ate Kath ano hahayaan mo silang dalawa na saktan ka?"tutol si Sofie sa nais niyang mangyari
.
"Please, ayokong alalahanin pa nila ako Sofie,mas lalo ko lang kinakaawaan ang sarili ko pag ganun at alam niya din na lalo lang siyang kamumuhian ni Marcus.
"Okay ate,pero andito lang ako ate Kath pag kailangan mo ng kausap"
Hinatid niya na si Sofie sa dorm nito.
Ipinasya din nito na hindi sasama sa mga kaibgan bukas.
Ngaun alam na ni Sofie na hindi totoong okay silang dalawa ni Marcus.Sana lang wag madulas ito sa mama at papa nila.