Mag isa lang siya sa kuwarto nilang mag asawa,ang silid na naging saksi sa tahimik na pagdurusa niya,hindi siya nagrereklamo siguro dahil alam niyang kasalanan niya rin ipinilit niya ang sarili niya sa asawa.
Sa silid na ito tahimik niyang nailalabas mga luha niya.Pakiramdam niya basang basa na unan niya,wala siyang tigil sa pag iyak.Nakatulugan na niya ang pag iyak dala ng gutom kaya siya napabangon.Alas onse na pala ng gabi,mga ilang oras din siyang nakatulog.
Ipinasya niyang bumaba para magluto ng makakain niya.Hindi pa umuuwi ang asawa niya.Tinatamad siyang magluto kumuha na lang siya ng cup noodles at nagpasyang yun na lang kainin.Hindi pa niya natatapos kainin ang noodles ng tumunog ang doorbell.Tumayo siya para pagbuksan ang bisita ng dis oras ng gabi,hindi naman siya nangangamba dahil nasa exclusive subdivision sila hindi ang mga ito magpapasok ng hindi kilalang tao.
"Good evening Kath,hinatid ko lang si Marcus sobrang lasing na kasi yung kotse niya ipapahatid ko na lang dito bukas"si Brix ang kaibigan ni Marcus.
"Thank you Brix"
Tinulungan siya ni Brix na maiakyat ang asawa sa kuwarto.Sa laki ng katawan ni Marcus hindi niya makakaya ito kung hindi siya tinulungan ng kaibigan.Inihiga ito ng ayos ni Brix.
"Salamat ulit sa paghahatid sa kanya"
"Kath,may problema ba kayo ni Marcus?"
Gusto niyang sabihing oo pero gaya ng dati ayaw niya pag usapan lalo nat malapit kay Marcus ang makakaalam.
"W-wala naman"naisagot lang niya.
"Kath,kasi ano,kanina nung dumating siya sa bar kasama niya si Shane,pero pinaalis din agad ito ni Marcus"sabi ni Brix.
Napalunok siya sa sinabi ni Brix,pilit niyang tinatago ang luha niya.
"Hindi ako kunsintidor na kaibigan kaya ko sinasabi sayo Kath,of course I know kung anong ginagawa ni Marcus,pero bakit hinahayaan mo lang siya na saktan ka."
"Okay lang ako Brix,"pilit niyang kinukumbinsi ito.
"Magpahinga ka na din Kath aalis na ko at baka hinihintay na rin ako ni Cindy,kung may problema wag ka mahiya kaibigan na rin kita "
"Salamat pero okay lang kami Brix,no worries, siguro ay nagkataon lang na nagkita sila ni Shane.
Nang makaalis si Brix dali dali niyang binalikan ang asawa at binihisan ito kahit hirap na hirap siya.Pinupunasan niya ito ng biglang hawakan ng asawa ang braso niya.Namumungay ang mga matang nakatingin ito sa kanya.Maya maya pay hinahalikan na siya ng asawa.Kasama sa obligasyon niya sa asawa ang paligayahin ito.Nakatulog silang magkayakap dahil halos ayaw siyang bitiwan ni Marcus matapos siyang angkinin nito siguro dala ng kalasingan ng lalaki.
Himbing na himbing pa si Marcus marahan niyang inalis ang braso nitong nakayakap sa kanya,Pinagmasadan niya ang guwapo nitong mukha.Marahan niyang hinalikan sa noo ang pinakamamahal na lalaki.Gusto man niyang awayin ito dahil sa nangyari kahapon sa opisina nito pero hindi niya magawa pag kaharap na niya ito Nagsuot siya ng roba at tinungo ang banyo.Linggo naman ngayon hindi na niya gigisingin si Marcus hahayaan niya muna itong matulog.
Nakapagluto na siyay tulog pa din ang asawa.Kakain na lang ito pagkagising niya.Magsisimba muna siya hindi lang dahil espesyal na araw niya ito kundi gusto rin niyang magpasalamat sa diyos.
Alas nuwebe na nagising si Marcus,pagbaba niyay nasalubong niya ang kanilang kasambahay na si Manang Siony linggo kasi kaya nandito ito sa bahay nilang mag asawa.
"Magandang umaga ho sir,"bati ng matanda.
"Good morning po Manang
"Nakahanda na po almusal niyo,umalis po si mam"habol pa ng matanda.
Tumango lang siya,linggo ngayon pero umalis si Kath.Pagkatapos ng nangyari kahapon alam niyang masama loob ni Kath at pati na rin si Sofie.Alam talaga ni Kath ang almusal na bagay sa kanya pag ganitong may hang over siya.
Nagpapahangin siya sa garden ng makatanggap ng tawag mula sa mama niya.
"Marcus,kanina ko pa tinatawagan ang asawa mo magkasama ba kayo,give her the phone nang mabati ko naman siya"
"Mama hindi kami magkasama siguro may binili lang yun sa labas"
"Anong surprise mo sa kanya anak?
Anong sinasabi ng mama niya?Anong meron?
"Bakit ma,Anong meron?" naguguluhang tanong ni Marcus.
"Don't tell me hindi mo naaalala na birthday ng asawa mo o inaartehan mo lang akong gago kang bata ka"reklamo ng ina sa kabilang linya.
"O-of course mama naalala ko po".
"Ibati mo ko sa kanya ha anak at please lang bigyan niyo na kami ng apo ilang taon na ba si Kath 25 na puwedeng puwede bang mag kaanak kayo"
"Okay mama bye "pagpapaalam niya sa ina kukulitin lang siya ng ina pag hindi pa niya binaba telepono.
Birthday ngayon ng asawa,kung hindi ipapaalala sa kanya hindi niya yun alam dahil kailan ba niya pinagtuunan ng pansin mga bagay na tungkol dito.
Nakakailang tawag na niya ay hindi pa siya sinasagot ng asawa,tinext na rin niya ito.Saan ito nagpunta?
St.John Children Foundation,dito dinala si Kath ng mga paa niya matapos niyang magsimba.
"Thank you Mrs Rodriguez sa mga dala mong foods sa mga bata pati na rin yung mga vitamins na ipinadala niyo po kamakalawa."
"Basta sabihan niyo po ako sister kung ano pa po ang kulang niyo dito nakahanda po akong tumulong"
"Kasing bait ka talaga ng iyong mga magulang ,hindi mo kami nakakalimutang tulungan Kath,naalala ko nuon bata ka pay kasama ka na ng mommy at daddy mo dito para tumulong sa mga bata sa ampunan na ito.
"Masaya na po akong makitang nakangiti ang mga bata sister"
"Hindi lahat ng nakangiti iha ay masaya"makahulugang sabi ng madre sa kanya.
"Pero kailangan po natin minsan na magkunwari sister,nakatawa siya pero gustong pumatak ng luha niya.
"Napakabuti ng puso mo Kath,pero sa likod ng maganda mong mukha nakikita kong malungkot na mga mata mo."
"Sister,para pong hindi ko na kayang magkunwari"napahikbi na siya at nakayakap kay sister Ann,alam nito ang kuwento ng buhay mag asawa nila ni Marcus.
"Kung hindi mo na kaya hindi naman kahinaan ang pagsuko,bagkus kalakasan din itong matatawag dahil panibagong laban ang haharapin mo ang kalimutan siya."
"Ginawa ko na pong lahat para maging mabuting asawa,kahit masakit na hindi niya ko mahal,umasa po akong pagdating ng araw mamahalin niya rin ako,pero apat na taon na sister wala na po talagang pag asa."
"Anuman maging desisyon mo ipinanalangin ko na malampasan mo ito,tama na muna ang iyak may inihanda kami halika dahil birthday mo ngayon kami namay naghanda rin ng sorpresa sayo.
"Thank you po sister"
kahit paano ay nalimutan niya saglit ang problema naaliw siya sa mga batang nag uunahang magpabibo sa harap niya.Hapon na ng umalis siya ng ampunan.Ayaw pa niyang umuwi,tumigil pa siya sa coffee shop malapit lang sa subdivision nila.Magpapalipas muna siya dito ng konting oras.Inilabas niya ang cellphone sa bag niya. 20 missed calls
20 messages
Lahat yun galing sa asawa,nakasilent phone niya kanina dahil nagsimba siya nalimutan na din niya ito Kasi naaliw siya sa mga bata sa ampunan.
From : Marcus Where are you?
Iisa lang laman ng text parepareho lang.Ngayon lang ito nangyari.
Nagmamadali siyang lumabas ng coffee shop at ipinasya niyang umuwi na.Ang totoo nakadama ng saya ang puso niya Kasi alam niyang hinahanap siya ng asawa.Umaasa na naman ba siya?
Kakapasok pa lang niya ng bahay tila hindi namalayan ng dalawang taong naglalampungan sa sofa hindi pansin ng dalawa ang presensiya niya.Kung alam lang niyang ito masasaksihan niya hindi na sana siya umuwi,ito siguro dahilan kaya siya hinahanap ni Marcus para makitang andito si Shane.Sa mismong bahay pa nila,ni hindi na siya nirespeto ng asawa.
"What a surprise!,"galit na sabi niya para makuha ang atensyon ng dalawa.
"Kath " gulat na reaksyon ni Marcus na parang natauhan dahil sa nakitang galit niya.
"Respeto naman Marcus,bahay ko rin ito hindi mo dapat binababoy ng ganito"pasigaw na sabi niya.
"Babe"sabay kapit ni Shane kay Marcus
"Umuwi ka na Shane"may diing sabi ni Marcus.
Pero hindi pa rin kumikilos si Shane nakasiksik sa tabi ni Marcus.
"Uuwi ka ba Shane?o kakaladkarin kita palabas ng pagmamahay ko at tatawag ako ng security"si Kath na nagbabanta.
Maging si Marcus nagulat sa galit na nakikita sa asawa niya.Ito naman yung gusto niya ang masaktan ng todo ang asawa.
Nagdadabog na umalis si Shane,kaninay nagpapasaklolo ito ng tingin kay Marcus para siguro ihatid siya nito pero nanatiling hindi kumikilos man lang ito kaya minabuti nitong umalis na.
"Kaya ka ba tumatawag at hinahanap kung nasan ako, para ano para sabihing andito si Shane?"puno ng hinanakit na sambit ni Kath.
"Kararating lang ni Shane, nakatulog ako sa sofa hindi..." naguguluhang sabi ni Marcus hindi niya maituloy ang pagpapaliwanag.
"What "? Marcus all this time pinalalampas ko lahat.Pero yung dalhin mo dito ang babae mo sobra naman yun bahay ko din ito"tila nauupos na napaupo na si Kath.
"I didn't mean it okay hindi ko alam na pupunta dito si Shane"nasabi na lang ni Marcus baka sakali mabawasan sakit na nakikita niya kay Kath.Gusto niyang lapitan ang aswa pero hindi niya magawa.
"You won,Marcus,ito na yung hinihintay mo siguro nuon pa lang dapat sumuko na ako"hilam na hilam na ng luha ang magandang mukha ng asawa.
Oo gusto niyang masaktan at gumanti sa asawa niya,pero bakit ngayong nakikita niya itong hirap na hirap ang kalooban ay gustong gusto niya itong yakapin.Gusto niyang sabihing mali ito ng iniisip,na hindi niya gusto ang nangyari.Tumatawag siya kanina dahil gusto niyang sabihin sa asawa na "Happy birthday"gusto sana niyang bumawi.
"Ganun ba ko kawalang kwentang tao Marcus, para harap harapan mo ko bastusin sa sarili kong pagmamahay? Siguro nga deserve ko ito at siguro sa lahat ng pasakit mo sa akin simula pa nuon bayad na ko,"malungkot na tinig ni Kath ,tumayo na ito at tinungo ang kuwarto.
Nakatulog siya sa sofa kanina sa sakit ng ulo dala ng hang over niya ng nagdaang gabi.Nagising na lang siyang may humalik sa kanya at oo gumanti siya ng halik na tila ba nakalimutan niyang andito sila sa bahay at sa ganung tagpo sila naabutan ni Kath.Kaya galit na galit ito.