Episode 6

843 Words
Narinig niyang umalis ang sasakyan ni Marcus, siguro para sundan si Shane.Kanina nung makita niya ang dalawa parang talagang sinampal na siya ng katotohanan.Kahit kailan hindi talaga siya mamahalin ni Marcus. Si Shane talaga ang mahal ng asawa.Bakit ba palagi siyang umaasa na isang araw mangyayari yun?Pero pagkatapos niyang patungtungin si Shane dito mismo sa bahay nila,tuluyang nawala na ang kakaunti niyang pag asa.Alam naman niya ang pagkakamali niya,pero sana inirespeto naman ni Marcus ang mararamdaman niya hindi na bilang asawa kundi bilang isang taong masasaktan.Ganun na ba talaga kawalang awa sa kanya ang asawa. Pakiramdam niya sasabog ang dibdib niya,kailangan niyang umalis hanggag wala pa si Marcus.Dala ang ilang gamit mabilis niyang nilisan ang bahay nilang mag asawa.Dala ang kotse pinuntahan ang resthouse ng mga magulang sa Laguna.May dalawang oras biyahe niya hanggag laguna alas diyes na ng gabi ng makarating siya sa resthouse.Buti na lang at gising pa ang dating yaya na ngayon ay siyang nangangalaga ng resthouse habang nasa ibang bansa ang mga magulang. "Iha,bakit hindi ka nagpasabing uuwi ka"? Ang tanging kasama lang ng Nanay Melba niya dito ay ang isa nitong apong nag aaral na rin sa kolehiyo.Pamilya na turing nila sa matanda. "Namiss ko lang po Nay Melba itong bahay saka kayo na rin po"yakap niya sa matanda.Ito ang nag alaga sa kanya simula bata.Dahil busy nuon ang mommy at daddy niya sa negosyo. "Ikaw lang ba mag isa anak?asan ang asawa mo?"tila nagtatakang tanong ng matanda. "May business trip po,mag isa lang po ako naiinip din po kasi ako sa bahay,saka parang gusto ko po munang magbakasyon "pagsisinungaling niya sa matanda. "Namimiss ko na din ang batang yun aba kelan ba kayo huling nagpunta dito mga isang taon na din ano anak" "Kung wala po ung business trip kasama ko po sana dito si Marcus nay"alam niya na kapalagayang loob ni Marcus ang yaya niya. "Teka anak Kumain ka na ba?ipaghahanda kita" "Wag na po mag abala Nay,ung paborito ko na lang pong kape ay sapat na."sabay ngiti ni Kath sa matanda. "O sige ipagtitimpla kita." "Nay pakisunod na lang po sa kuwarto para pong napagod ako sa biyahe" dagdag pa niya,pero ang totoo gusto niyang mapag isa na muna. Pinagmasadan niya ang dating silid walang nabago dito may mga gamit pa rin siya dito.Pakiramdam niya ay patang pata ang katawan niya pati na rin ang puso niya.Nagpalit na rin siya ng damit paglabas niya ng banyo nandun na ang kape niya.Wala siyang ganang kumain kanina bago pumunta dito nagdrive tru lang siya ng burger.Ninanamnam niya ang kapeng iniinom ng tumunog ang cellphone niya. Si Claire ang tumatawag.. "Hello Claire" "Kath may missed calls ka sa akin kanina pasensya na hindi ko nasagot,dami ko pasyente kanina" Kinokontak nga pala niya ito kanina. "Okay lang yun,yayain sana kita lumabas kanina pero nagbago na isip ko"kahit sa kaibigan ayaw muna niyang ikuwento ang nangyari sa kanila ni Marcus at ang pag alis niya ng bahay. "Daan ka sa clinic ko tommorow para makita mo naman yung bago kong clinic" "Sige,magpapabunot ako ng puso imbis na ngipin puwede ba?" "Are you okay Kath?"nag aalalang tanong ni Claire. "Yes I'm fine, palagi naman akong okay minsan lang hindi"pagbibiro pa niya sa kaibigan. "Kahit anong tago mo o biro mo hindi mo ko maloloko ha Kathleen,alam kong may problema ka at tungkol na naman sa asawa mo di ba?" "Claire,I'm okay sige na bye bye na gusto ko nang matulog" iniiwasan niya ang iba pang sasabihin ng kaibigan.Sasabihin na naman nitong tama na wag siyang magpaka tanga ng dahil sa pagmamahal niya kay Marcus. Hindi alam kung dahil sa kapeng ininom niya kung bakit alas dos na ng madaling araw gising pa rin siya.Kailangan niyang matulog at nang maayos niya dapat ayusin sa kumpanya bago siya umalis. Dumating si Marcus sa bahay ng 9pm mapansing wala ang kotse ni Kath.Madalas nag aaway sila at hindi nagpapansinan ni Kath pero hindi ito inaabot ng alas tres ng umaga pinakamalala na yung ala una na sinabi nitong kasama niya nun si Claire.Pero alas tres na ng umaga kanina pa niya inaabangang umuwi ito pero wala.Hindi siya makatulog nag aalala rin siguro siya dahil wala pa ang asawa.Hanggag umabot na ng liwanag hindi umuwi si Kath.Sa loob ng apat na taon ngayon lang hindi umuwi si Kath,alam niyang sobra itong nasaktan.Wala siyang ganang pumasok ngayon,nag aalala pa rin siya sa asawa,Binuksan niya closet ng mapansing may nakaipit na sulat dito. Marcus, Pinalalaya na kita.... Salamat sa mga sandaling nakasama kita,hindi ko makakalimutang minsan sa buhay ko naging Mrs Rodriguez ako. Aayusin ng abogado ko annulment papers. Kath Kanina pa niya hawak ang sulat ng asawa.Malinaw ang nakalagay malaya na siya.Pero bakit parang hindi siya masaya.Hindi bat ito naman talaga ang hinihintay niya ang palayain siya ni Kath.Napaupo siya sa kama na iniisip ang mga dapat niyang gawin. Kanina pa rin tunog ng tunog ang cellphone niya,tumatawag si Shane.Pero di niya magawang sagutin ito.Gusto niyang kausapin si Kath.Dahil parang may parte ng puso niya ang nawala. Sinubukan niyang tawagan ang asawa pero hindi ito sumasagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD