Episode 7

984 Words
Three days na siyang leave sa trabaho,kung hindi lang urgent ayaw niya muna umalis sa resthouse,tahimik dito narerelax ang isip niya.Pero sa dami ng tungkulin niya bilang CEO hindi dapat maapektuhan ng problema niya ang kumpanyang itinayo ng mga magulang. "Good morning mam" bati sa kanya ng mga nakakasalubong niyang empleyado,kalimitan sa mga ito ay mas maedad pa sa kanya. She's one of young CEO dahil sa maaga ring iminulat ng magulang niya ang pagpapatakbo ng negosyo nila. Sa dami ng tumambak na trabaho nakalimutan na niya ang oras. Kumukulo na ang tiyan niya,tatawagan pa sana niya ang secretary ng bumukas ang pinto pumasok ang babae kasunod ang food delivery. "Thank you ipinag order mo na ko Trish"nakangiting sabi niya kay Trisha. "Mam hindi po ako nag order niyan" biglang tanggi nito. "Then,who?". Wala naman siyang tinatawagan kanina para mag order. "Tumawag po kasi ung asawa niyo mam,tinatanong kanina kung pumasok na kayo pagkatapos po 30min ago tumawag po ulit tinanong po kung nag lunch na kayo." tila kinikilig na sabi ni Trisha. "Si M,-Marcus?" "Yes,po mam ung pogi niyo pong asawa,may LQ ba kayo mam,napakasweet naman pala ni Sir Marcus mam" Ngumiti lang siya kay Trisha,lumabas na rin ito naiwan siyang nakatunganga sa padala ng asawa. Totoo ba ito? Bakit? Tatlong araw na silang hindi nagkakausap buhat ng umalis siya sa bahay nila.Kinausap na niya si Atty Galvez para sa annulment nila. Anong gustong palabasin ni Marcus? Lahat paborito niya ang pagkaing ipinadala ng asawa,kelan pa nito nalaman ang paborito niya kahit kailan hindi ito nagtatanong dahil hindi naman ito interesado sa mga bagay tungkol sa kanya.Dala ng gutom kinain niya mga pagkaing pinadeliver ng asawa. Tapos na siyang kumain ng tumunog ang cellphone niya. "Kath,?si Shane ito" "Anong kailangan mo?" "Umalis ka na sa buhay ni Marcus,alam mo bang matagal na niyang gustong hiwalayan ka hindi niya magawa dahil sa mama niya" Hindi ba alam ng babaeng ito na na ilang araw na niyang iniwan ang asawa dahil sa kanya. "Bakit ba atat na atat ka Shane?hindi bat sinabi mo nuon na hindi mo mahal si Marcus kaya ka lumayo at hindi dumating nuon sa birthday niya,dahil mas mahal mo si James ?" "Well nagbabago ang tao Kath,si Marcus pala mahal ko at mahal niya ko kaya pabayaan mo na kami tutal naman hindi ka niya mahal" "Nagbabago ba talaga Shane?o wala ka nang mahuthot kay James,alam ko ginawa mo kung bakit ayaw sau ng mama ni Marcus" "Sa palagay mo ba paniniwalaan ka ni Marcus?ikaw ang nagmanipula ng buhay niya kasi desperada ka kaya mo siya pinikot." "Puwede ba Shane nakakaabala ka na"sabay patay niya ng cellphone niya.Ayaw na niyang marinig ang masasakit na sinasabi ni Shane.Nakakasira ng araw ang babaeng yun. Pasado alas singko na ng lumabas siya ng opisina.Maraming trabaho siyang inasikaso tapos binuwisit pa siya ni Shane kanina. Bubuksan na niya ang kotse niya ng may humarang sa kanya.Si Marcus na nakahalukipkip ngayon sa harapan niya. "We need to talk Kath"matigas nitong sabi. "Hindi pa ba klaro sayo,pinalalaya na kita" naiyak na sabi ni Kath. "Akala mo ba ganun kadali?"inilapit nito mukha niya sa kanya. "Look ...hindi ba ito naman hinihintay mo nuon pa?" "No Kath,hindi ako pumapayag sa ayaw at sa gusto mo uuwi tayo sa bahay ngaun"sabay hila sa braso niya at isinakay siya sa kotse nito. Pilit siyang isinakay nito sa kotse niya,wala siyang nagawa kundi sumunod sa asawa,ayaw niyang makatawag ng atensiyon ang pag tatalo nila.Ano bang gustong mangyari ngaun ni Marcus? Wala silang imikan sa loob ng sasakyan,buntong hininga lang narinig niya sa asawa.Ang totoo first time nangyari ito na sinundo siya ng asawa.Sa apat na taon na kasal nila ngayon lang ito nagsasabing mag uusap sila,kung kelan isinusuko na niya ang pagmamahal sa asawa.Kung kelan handa na siyang palayain ito. "Kumain muna tayo" si Marcus ang bumasag ng katahimikan kanina pang bumibingi sa kanya. Hindi niya namalayang nakapark na pala sa isang mamahaling chinese restaurant.Tinulungan pa siya ng asawang tanggalin ang seatbelt niya dahil napansin nitong nakatulala pa rin siya.Pinagbuksan siya ng pinto at inalalayan habang papasok ng restaurant.First time na naman nangyari. Hanggang sa pag upon niya ipinaghila pa siya ng upuan. Nangingilid ang luha niya nararamdaman niyang gusto nang pumatak ng mga ito.Hindi niya maipaliwanag kung sa tuwa ba o sa awa sa sarili dahil sa wakas naramdaman niya ang mga simpleng bagay na nagbibigay kasiyahan sa bawat babaeng naghahanap ng pagmamahal sa asawa nila. "Why are you crying honey?" masuyong tanong sa kanya ni Marcus. "N-no napuwing lang ako"pagtanggi niya. "Kain ka na hon,hindi bagay sayo ang sobrang payat" si Marcus sabay kindat sa kanya. Hindi siya payat petite lang talaga siya.Kahit anong kain gawin niya hindi siya tumataba. Ano ba talagang gustong palabasin ng lalaking ito. Baka naman masaya ito dahil sa wakas papalayain na niya ito. "Hi Marcus bro" bati ng lalaking tila kararating lang ng lumapit sa table nila. "Jeff ,nice to see you again bro kelan ka dumating? "Last week lang,nakita lang kitang may kasama kang maganda" "Ahhmm,by the way bro meet my wife Kath"pagpapakilala ni Marcus sa asawa. "Nice to meet you Kath"baling nito kay Kath na akmang kakamay sa babae. ll "Hands off bro she's my wife "si Marcus na hinarang ang kamay ng kaibigan. "Okay bro,hindi ko alam seloso ka pala"sabi nitong natatawa. "Kilala kita bro" seryosong sabi ni Marcus. "Sabagay pag kasing ganda ba naman ni Kath ang kasama mo malamang maging possessive din ako kagaya mo" tatawa tawang biro ni Jeff. Namula siya sa sinabi ni Jeff,hindi na bago sa kanya ang may pumupuri sa kanya.Dahil sa totoo lang talaga namang maganda siya,kamukha niya si Sanya Lopez o mas maganda pa siya kay Sanya. Hindi nagtagal nagpaalam na rin si Jeff.Pakitang tao lang ba ang kinikilos nito?Siguro dahil nasa labas sila at kaibgan ni Marcus ang nakakita sa kanila.Kanina pa gustong tumalon ng puso niya sa ikinikilos ng asawa. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD