"Let's go honey" masuyong nakaalalay si Marcus sa kanya na hinihintay siyang tumayo.
"Marcus,let me go please?"
"We're going home honey"
"B- but..." "No more buts okay,uuwi tayo sa bahay natin"madiing sabi nito at mukhang hindi ito papayag na hindi siya sasama.
Sunud sunuran siya sa lahat ng sinasabi ni Marcus, gustong tumutol ng isip niya pero hindi na muna siya nagsalita.Kanina pa siya naninibago sa asawa.May parte ng puso niya na sobrang natutuwa pero nandun ang takot niya na "frank "lang lahat itong nangyayari.Tumunog ang cellphone nito habang nasa biyahe na kami pauwi.
"Pauwi na kami ready na ba lahat?"yun lang ang sinabi nito.Sinong kausap nito si Shane ba?
Tumingin sa kanya si Marcus,pero umiwas siya ng tingin dito.
"Okay kayo na muna bahala diyan,on the way na kami"muli ay sabi nito bago ibinaba ang telepono.
"Parang wala ka sa mood hon,hey ayokong makitang nakasimangot ang misis ko"maya mayay sabi nito sa kanya.
"Ano ba kasi itong palabas mo Marcus"hindi na niya natiis na sabhin dito.
"Relax honey,malalaman mo mamaya"sabi nito sa kanya.
Nasa harapan na sila ng bahay nang hindi niya inaasahang may nangyayari sa bakuran nila.May pa party ba ang asawa niya?
"Come on hon kanina pa sila naghihintay"si Marcus na inalalayan siyang bumaba ng sasakyan.
Maraming bisita.Anong meron?Andun si Sofie na ngiting ngiti sa kanya.Mukhang okay na sila ni Marcus kasi kita niyang naka thumbs up ang dalaga sa Kuya niya.
Sunod na nahagip ng mata niya si Claire.
"Ininvite ako ng asawa mo my dear" bulong nito sa kanya ng makalapit sa kanya.
Naguguluhan pa rin siya,bakit may pa okasyon yata ang asawa niya ng biglaan.
Nasagot lahat ng tanong niya ng bumungad sa kanya ang dalawang taong miss na miss na niya.
"Mom,Dad" sabay yakap sa mga magulang.
"Namiss ka namin anak"ang daddy habang haplos haplos ang buhok niya.
"Paano po ang treatment niyo dad?"nag aalalang tanong nito sa ama.
"Binigyan kami ng two weeks ng doctor ng daddy mo na break"ang mommy niya na siyang sumagot sa tanong niya.
"Kaya sinamantala na namin anak,may kailangan din kaming ayusin ng mommy sa Davao ang mga properties ng lolo at lola mo dun"
"At dahil birthday mo hon last week hindi man lang tayo nakapag celebrate dahil busy tayo kaya ininvite ko sila na ngaun gawin ang celebration ng birthday mo"si Marcus na lumapit na din sa kanya.
"Si Marcus ang kinontak namin kaninang umaga pagkababa namin sa airport anak"ang daddy niya "At siya may plano ng surprise na ito,dahil medyo nagtatampo ka daw sa kanya"ang mommy naman na ngiting ngiti kay Marcus.
"Akala po kasi ni Kath nalimutan ko ang birthday niya"si Marcus na parang kapanipaniwala ang kuwento pero binayaan niya lang.
So this is it kaya pala extra sweet ito kanina pa sa kanya may ganito palang palabas.Buti na lang at talagang sa apat na taon na silang magkasama kagaling na talaga siyang umarte.Muntik na siyang maniwala sa asawa na totoo ang mga ikinikilos nito.
"Thank you so much honey" bigay todo ang ngiti niya sa asawa.Ayaw niyang mahalata rin siya ng mga magulang niya.
Dahil nasabik sa mommy at daddy niya hindi siya halos umalis sa tabi ng mga ito si Marcus ay kita niyang abala sa pag istima ng mga bisita.Paminsan minsay nahuhuli niyang nakatingin sa kanya ang asawa.
Maraming bisita puro close relatives nilang mag asawa,na lahat ay naniniwalang happy ang married life nila... Minsan lang sila magkatipon tipon ng ganito masaya na sana siya pero pag naalalang palabas lang naman ito ng asawa para hindi sila mabuko.
Dahil sa pagod sa biyahe ang mommy at daddy niya pinagpahingga muna niya mga ito.Ipinagpabukas na lang ang pag uwi ng Laguna at si Marcus mismo nagprisintang maghatid sa mommy at daddy niya. Isa isa nang nag aalisan mga bisita.Nagliligpit na rin catering service na kinuha ni Marcus.
Pababa na siya ng hagdan ng maulinigan niyang may kausap si Marcus sa terasa sa itaas.
"No hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Kath" si Marcus ang nagsasalita. "Bro nagiging unfair ka lalo kay Kath pag hindi mo sinabi sa kanya"si Gabriel ang kausap ni Marcus.
Hindi pa sana siya aalis sa kinatatayuan niya pero nakita niyang akmang aakyat ng hagdan si Sofie pero nung makita siya nito hindi na ito tumuloy hinintay na lang siya nitong makababa.
"Aalis na ko ate Kath sabay na ko kay Kuya Jake at sa girlfriend niya"
"Thank you for coming Sofie"
"Sinabi sa akin ni Kuya na ok na daw kayo,nagbabawi na ba ate?"tila nanunuksong sabi nito.
Pati si Sofie binibilog ni Marcus ang ulo.Nung Isang araw lang galit na galit ito sa Kuya niya,pero sabagay ganun siguro pag magkapatid,hindi niya Kasi naranasang may kapatid.
"Yes Sofie "ok na kami sinabi na lang niya para wala ng maging usapan pa.Saka ayaw niyang mawala respeto ni Sofie sa Kuya niya.
"Thank you ate sa pag intindi kay Kuya"
Tango lang at ngiti naisagot niya kay Sofie,nakita niyang magkasunod na pababa na sina Marcus at Gabriel.
"Aalis na din si Gab honey"si Marcus na lumapit sa kanya.
Tumango na lang din siya,alam niyang base sa narinig niya kanina sa magkapatid alam ni Gabriel o may alam si Gabriel sa problema nila.
Kasalukuyang nagpapa alam ang iba pang bisita ng tumunog ang cellphone ni Marcus.At dahil katabi niya ang asawa kita niya kung sino tumatawag. Si Shane...
Bahagyang tumingin sa kanya si Marcus,nagkunwari siyang hindi niya ito napapansin.Lumayo na ito sa kanya para kausapin si Shane.Matagal ang usapan nila dahil nakaalis na halos lahat ng bisita kita niyang may kausap pa rin ang asawa sa telepono.
At si Shane pa rin yun.... Sinadya niyang lumapit ng hindi nito napapansin.
"Ingat ka Shane,kung may kailangan ka pa tawagan mo ako" maliwanag na dinig niya ang sinabi ni Marcus.
Binabahay na ba ito ng asawa niya?
"Basta para sayo Shane,handa akong gawin lahat"dagdag pa ni Marcus.Tumalikod na siya ayaw niyang marinig ang paglalambingan ng dalawa.
Buo na pasya niya,sasama siya sa magulang pabalik ng America.Hindi na niya kaya,siguro maiintindihan siya ng mommy at daddy niya.Kahit kailan si Shane talaga ang mahal ni Marcus.Tuluyan nang tumulo mga luha niya ng makapasok siya ng silid nilang mag asawa.
Hindi niya namalayang nakatulog na siya sa pag iyak.Basa ng luha ang mukha niya ng mapasukan siya ni Marcus.Marahan niyang pinunasan ang luha ng asawa.Alam niyang nasasaktan si Kath.Una pa lang yun na gusto niyang mangyari ,pero alam niya sa sariling hindi na ganun dahil may puwang ang asawa sa puso niya,nabulagan lang siguro siya dati dahil sa galit.Pero yung ilang araw na wala si Kath sa bahay naramdaman niyang namimiss niya ito.
Ang simpleng pag aasikaso nito sa kanya,ang minsay pagkataranta nito pag walang reaksyon niyang tinitikman ang niluto nito.
Kath is a good wife,hindi niya maitatanggi yun.
Mahal niya pala ito.
Pero may kinakaharap pa siyang problema si Shane dahil kailangan na kailangan siya ni Shane .Tatapusin niya muna tungkol kay Shane.