Maaga siyang nagising may pasok siya ngayon hindi na siyay nag abalang magluto dahil hindi na niya nagisnan si Marcus,mas maaga itong umalis sa kanya.Buhat ng pinauwi siya ni Marcus hindi pa sila nakakapag usap.Palagi itong wala at gabi na kung umuwi.Ang mommy at daddy Niya ay next week na ang lipad puntang America may ilang bagay pa lang ang mga itong inaasikaso sa Davao.Mataman niyang sinipat ang sarili sa salamin,bago bumaba sa opisina na lang siya mag aalmusal.
Humahakbang pa lang siya pababa ng hagdan amoy na amoy niya ang bango ng sinangag, pero weekdays ngayon imposibleng andito si Manang Siony.Dali dali siyang bumaba para tingnan kung sinong nagluluto.
"Good morning hon" masayang bati sa kanya ni Marcus
Totoo ba ang nakikita niya si Marcus ang nagluluto naka boxer shorts ito naksando at suot ang apron niya.
"Hon sabayan mo ko kumain"si Marcus ulit.
Ipinaghila pa siya nito ng upuan,hindi niya alam kung uupo ba siya bakit ba napapatulala siya sa ginagawa ni Marcus.
"Late na ko sa opisina na siguro ako kakain"nasabi lang niya.Tatalikod na sana siya.
Maagap naman siyang nahawakan ni Marcus.At pilit siyang ibinalik sa upuan.
"No hon, kailangan mong kumain"sabi nito habang nilalagyan ng pagkain ang plato niya.
Ano bang nangyayari sa taong ito,hindi nito kailngang magpanggap dalawa lang sila dito sa bahay ngaun.
"B- bakit"?tanong niya kay Marcus.
"Masama bang ipagluto ang asawa ko"sabi nito sa kanya sabay kindat.
"Hindi mo kailangang magkunwari ngayon dalawa lang tayo dito" sabi ni Kath in a sarcastic tone. "Pssst stop talking honey,kumain ka muna,masamang magalit kasi umagang umaga,saka hindi bagay sayo nagagalit honey" saway sa kanya ni Marcus.
Masarap ang luto nito,kahit simpleng sinangag lang at tocino yun nasarapan siya.Hindi siya pinaglipit ni Marcus at baka madumihan daw damit niya.First time magluto ng breakfast si Marcus.
"Thanks sa breakfast Marcus but I have to go,marami akong aasikasuhin ngayon" paalam niya kay Marcus.
"Ihahatid kita give me 20 more minutes para makapaghanda sabay na tayong pumasok "sabay talikod nito.
Hindi na nito hinintay na makasagot siya mabilis na itong nagtungo sa kuwarto.Wala na siyang nagawa kundi hintayin ito.Saktong 20 minutes nakabihis na ang asawa.Naka corporate attire ito hindi niya mapigilang humanga sa kakisigan ng asawa.
Inalalayan siya nitong sumakay sa kotse.Bakit ba ganito si Marcus sa kanya,ayaw niyang bigyan ng ibang kahulugan ang kakaibang ipinapakita ng asawa.Dahil ayaw niyang umasa isa pa inaasikaso na ni Atty ang annulment papers nila.
"Hello Beth"si Marcus kausap ang secretary nito.Nakaloud speaker si Marcus kaya dinig Niya usapan ng dalawa ipinaalala nito mga appointment ng boss niya.
"Cancel all my appointments today Beth"maya mayay sabi nito.
"Sir paano po yung appointment niyo with Mr.Velasco?
"Cancel it,okay"
Nakapang opisina ito pero hindi naman pala ito papasok.Narating nila opisina niya sa Makati umikot ito para pagbuksan siya ng pinto.
"Thanks"sabi niya kay Marcus.
Akala niyay babalik na sa loob ng sasakyan ang asawa pero kasunod niya itong naglakad.Hanggag sa elevator ay nasa tabi niya ito.Silang dalawa lang nasa elevator kaya binalingan niya ito.Nakangiti lang ito sa kanya.
Narating nila opisina niya kita niyang nagulat secretary niyang si Trisha kasi kasama niya si Marcus.
"Good morning ma'am ,sir"bati ni Trisha
Tuloy tuloy naman siyang pumasok sa opisina niya, kasunod pa din ang asawa,nakaupo ito sa sofa at nakadekwatro.
"Marcus what do you think you're doing?"
"Hon tinatamad akong pumasok ayoko namang sa bahay nakakaiinip kaya dito muna ko sa opisina mo"
"Marami akong trabaho Marcus"
"That's exactly my point honey tulungan kita kaya ako andito"
"No I don't need help"
Katok sa pinto nagpatigil sa pagtatalo nila.Si Trisha na bahagyang sumilip muna bago pumasok.
"Mam nasa conference room na po si Mr.Belmonte kararating lang po niya"
"Trish sunod na ko thank you"
Nakalabas na si Trisha nang magsalita si Marcus. "I'll go with you"
Hindi na lang niya pinansin ang asawa,bahala siya kung gusto nitong sumama.Basta alam niya kasunod niya ito.
"Good morning Mr Belmonte"masiglang bati ni Kath sa ka meeting niya.
"Good morning,alam mo mukhang kahit hindi pa tayo nagkakadeal dito na ko kukuha ng supplies para mga gagawin kong medical mission dahil hindi pala totoong maganda ang CEO dito kundi napakaganda"makahulugang sabi nito.
"Thank you po sir"
"You're young masuwerte naman ng boyfriend mo kung meron na" si Mr Belmonte na gustong malaman kung may boyfriend siya.
"Ahhmm yes I'm so lucky "biglang singit ni Marcus sa usapan.
"So you're the boyfriend"si Mr Belmonte na nakatingin kay Marcus.
"No, I'm the husband sir"sabay akbay nito kay Kath.
"Nice to meet you",medyo nag iba ang timpla ni Mr . Belmonte sa sinabi ni Marcus,pero hindi lang ito nagpahalata.Madaling natapos ang meeting na yun.Hindi pa rin umaalis si Marcus na tila ba enjoy na enjoy pa itong nakikipag kuwentuhan sa mga employee niya.Dinig na dinig niya kuwentuhan nang mga ito ng break time .
"Ang suwerte naman talaga ni mam kay Sir ano bukod sa guwapo na mabait pala,akala natin dati ay hindi kasi ni hindi man lang niya dinadalaw dito si mam"si Steff ang nagsasalita isa sa staff niya.
"Masuwerte din naman si sir kay mam ha bukod sa mabait na napakaganda pa ng boss natin"sabad naman ni Trisha.
Yun naman kasi akala nilang lahat.Akala nila perfect couple sila ni Marcus.
"Hon nagugutom ka na ba?magpapadeliver ako"si Marcus
"Marcus puwede ka nang pumunta sa opisina mo kesa tinatambayan mo ko dito"
"No,para ano ikaw mag isa makipag usap sa client mo?buti na lang at naagapan ko kanina Mr Belmonte na yun kung makatingin sayo"mabilis nitong sabi
"What ?"
"Hindi ba kung hindi ko sinabing asawa kita panay paramdam sau ng gagong yun"iritang sabi ni Marcus.
Ayaw niyang isipin na nagseselos ang asawa.Pero bakit parang ganun gusto nitong sabihin.
"Marcus,baka nakalimutan mo na inaayos na ni Atty ang annulment natin"
"Kinausap ko na si Attorney at sinabi kong hindi na yun tuloy?"ani ni Marcus
"What?bakit mo ginawa yun"si Kath
Kaya ba hintay siya ng hintay ng update ni attorney pero hindi siya nito kinokontak dahil kinausap ito ni Marcus.
"Dahil hindi ako pumapayag na makipag hiwalay sayo Kath,una isipin mo mga pamilya natin kung anong sasabihin nila"matamang nakatingin sa kanya si Marcus habang nagsasalita.
"But Marcus"
"No buts please,Alam kong hindi maganda naging simula natin hon,pero please let's make it work together"sabay hawak nito sa kamay niya.
Parang may sariling isip mga luha niya na nag uunahang pumatak.Totoo ba ang sinasabi ng asawa niya? Sobrang saya nararamdaman niya.
"Don't cry honey"yakap sa kanya ni Marcus.
"Nagbibiro ka ba Marcus?"
"No I'm not hon,totoo sinasabi ko sayo ayusin natin ito,"madamdaming sabi ni Marcus.
"