"Just give me one more chance hon" si Marcus habang yakap yakap siya.
Panay pa rin ang iyak niya dahil sa mga sinasabi ni Marcus.Sa apat na taon ng pagsasama nila ngayon lang niya naramdaman na nuong suyo siyang niyayakap ng asawa.
"Nung umalis ka ng ilang araw sa bahay hon alam mo ba na gustong gusto kitang sundan sa Laguna?"pagpapatuloy ni Marcus.
"Bakit mo ko susundan?hindi ba hinihintay mo na lang naman na ako magfile ng annulment"?
"Yun din akala ko hon"
"Bakit nagbago isip mo Marcus?"
"Four years kitang kasama,nag aaway,nagkukunwari sa harap ng maraming tao that we're perfect couple,nagagalit ako sayo dahil napilitan akong pakasalan ka.At sa four years na yun nasanay na akong kasama ka"
"Four years na rin akong nagdusa Marcus, siguro naman bayad na ko sa kasalanan ko sayo" umiiyak pa rin siyang nakatingin sa asawa.
"Mahal kita Kath,nabulag lang siguro ako ng galit ko sayo nuon"madamdaming sabi ni Marcus.
Ewan niya pero yung sinabi na yun ni Marcus ang sobrang nagpataba ng puso niya.Dumating na ang oras na hinihintay niya ang mahalin siya nito.
"Mahal na mahal kita Marcus"
"Don't cry hon,mahal din kita" pagkasbi ni Marcus ay masuyo siya nitong hinalikan sa labi.
"Marcus nasa opisina tayo"saway ni Kath sa asawa na ayaw siyang tigilan sa paghalik.
"My wife so what I'm your husband walang masama na halikan ko ang misis ko"nanunuksong ngisi ni Marcus sa asawa.
"Kahit na po Mr Rodriguez oras po ng trabaho"sabay pisil niya sa ilong ng asawa.
"Napaka istrikta mo namang maging boss hon"kunway reklamo ni Marcus.
"Food delivery po Mam , Sir"si Trisha na kasunod ang mga pinadeliver ni Marcus.
"Thank you Trish,but I think hindi namin makakain yan ng mam mo" sabi ni Marcus habang binabayaran ang mga inorder niya.
"Sayang naman po ito"si Trisha na nagtataka.
"No inyo na yan pagsaluhan ninyo at pag kulang pa order pa kayo"sabay abot ng ilang lilibuhing pera sa sekretarya ng asawa.
"Naku thank you po sir"tuwang tuwang sabi ni Trisha.
"And Trisha cancel all the appointments of Mrs Rodriguez "
"Yes sir,pero mam"?tila nagpapaalam si Trisha kay Kath.
"Marcus hindi puwede ang gusto mo"si Kath na sumabat na sa usapan.
"Hon,no more but's ok,"baling nito kay Kath.
Wala rin siyang nagawa,umalis sila ni Marcus.Sa isang five star hotel sila nagpunta.Kanina pa ito tumawag para sa reservation narinig niya ito.
"Hon "malambing na tawag sa kanya ni Marcus.
"Bakit"?
"Kanina ka pa tulala,hon?
"Iniisip ko kasi baka nananaginip ako Marcus"
"It's for real honey"masuyong haplos nito sa pisngi niya.
"Alam mo bang plano ko na sana sumama kina mommy at Daddy sa America"
"Hindi mo na gagawin yun hon,hindi ba?"tila naniniguradong tanong sa kanya ni Marcus sabay hawak sa kamay niya.
Nginitian niya lang ang asawa,ngayon niya nakikitang sweet pala ito,kabaligtaran na palaging seryoso ang mukha at mahirap pangitiin.
"Iloveyou Kath"
"I love you too Marcus"
"Alam ko namang mahal na mahal mo ko hon "sabi ni Marcus sabay kindat sa kanya.
"Masyado ka ding bilib sa sarili mo Mr Rodriguez"
"Hon kaya nga pinikot mo ko dahil mahal na mahal mo ko at guwapong guwapo ka sa akin"pang aasar nito sa kanya.
Hindi na kagaya ng dati na masakit pakinggan yung salitang pinikot niya si Marcus.
"Nasa iyo din yun Mr Rodriguez,nagpapikot ka"ganti niya dito.
"Babawiin ko lahat ng nasayang na oras natin hon promise, magbakasyon tayo"
"Pareho pa tayong busy Marcus"
"Yun pa isang gusto ko hon,ang tumigil ka na sa trabaho,gusto koy ako muna focus mo malay natin baka makabuo na tayo"nakangiting sabi ni Marcus
Yun naman talaga gusto niya ang maging full-time wife and mother someday.Pero dahil nga sa kundisyon ng Daddy niya napilitan siyang magtake over.
"Hindi pa kaya ni Daddy mag work ulit Marcus,wala namang ibang puwede "
"I already talk to Dad hon,at sinabi niyang papauwiin ng Tito Arman si Anthony para maitrain mo ito."
"So planado na pala at magkasabwat pa kayo ni Daddy ha"
"Hon,gusto koy akin lang muna atensiyon mo"
"Okay po,masusunod po lahat ng gusto mo,pagdating ni Anthony isasabak ko agad yung lokong yun kasi pinagkaisahan niyo ko patalsikin sa trabaho"nakataas ang kilay na sabi niya sa asawa.
Masayang masaya siya kasi natupad na ang pangarap niya,ang maging masaya sila ni Marcus.Hihintayin na lang nila pag uwi ni Anthony ,Kasi sabi ni Marcus sooner daw dadating na ito.
Si Anthony ang anak ng Tito Arman niya na kapatid ng daddy niya.Kaya pala nung Isang araw ay tumawag sa kanya si Anthony at sinabing uuwi ito.Very close din silang mag pinsan.
"