Episode 11

383 Words
6months later... Hindi naging madamot si Kath ibinigay niya ang second chance na hinihingi ni Marcus.Hindi na siya tumuloy pa America si Anthony na ngayon ang OIC ng kumpanya.Bumibisita pa rin siya dun minsan twice or once a month na lang mas pinili niyang maging plain housewife ni Marcus paminsan minsan ay secretary niya sa opisina ng asawa pag loaded ang trabaho nito. "Good morning ma'am Kath" "Good morning Beth" "Ang suwerte naman po talaga ni sir sa inyo mam,pati dito sa opisina maasahan niya kayo" "Yun naman kasi ang dapat Beth,suportahan ang asawa,Kaya tip ko sayo yan pag nag asawa ka na" "Ibang iba na talaga si sir ngayon simula nang maging okay kayong dalawa wala nang mga chipipay na nagpupunta dito"sabi ni Beth na ang atensiyon ay nasa pinapatas nitong folder "Totoo naman yun,at masaya kami ngayon na hindi ko akalaing mangyayari" "Good morning mukhang pinagtsitsismisan niyo ko ha" "Good morning Sir"si Beth "Hindi naman hon,pero parang ganon na nga"nakatawang harap ni Kath sa asawa. "Hmmm.... Sabagay alam ko naman na inlove na inlove ka sa akin ei"sabay halik sa asawa,kahit nandun si Beth " ehem...Excuse po muna lovebirds at dadalhin ko lang po ito sa Accounting" si Beth sabay talikod sa kanyang mga boss. "Hon hindi ka na nahiya kay Beth"namumulang sabi ni Kath kay Marcus. "Eh ano naman,you're my wife"nakangising sabi nito. "Sabagay nakikita ka naman niya dati na iba kinikiss mo di ba" "Are you jealous honey"? "No,hindi ha" "Sus,nuon yun honey,hindi ko na gagawin yun promise" "Alam ko at naniniwala naman ako sa pagbabago mo". Walang araw na hindi ipinakita ni Marcus ang pagbabago niya,Ang bagay na pangarap lang niya nuon ay ibinigay na sa kanya ngayon ng mas sobra pa sa inaasahan niya. Maghapong pagod na pagod si Kath hindi pa kasi dumadating si Manang Siony at yung pamangkin niya buhat sa bakasyon ng mga ito sa probinsya. Katatapos lang niya magluto ng hapunan nila ni Marcus ipinasya niyang magshower muna.Nakaharap siya sa malaking salamin nila ng napagmasdan niya sarili sa salamin,maputla siya at may mga pasa na naman ang hita niya.Ganito naman siya pag darating buwanang dalaw niya. Pero bigla siyang napaisip kung kelan nga ba siya huling nagkaroon hindi kaya... "Oh lord sana Naman po" Kailangan niya munang makasigurado bago niya sabihin kay Marcus...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD