5 months na tiyan ni Kath hindi na siya makadalaw sa kumpanya,bukod sa ayaw ni Marcus.Si Anthony na lang ang nagpupunta sa bahay nila para sa mga update na nangyayari sa kumpanya.
"Hello hon"
"Yes , honey akala ko may meeting ka bakit ka tumawag"
"Yes hon,I need your help naiwan ko yung folder sa library paki bigay kay Beth on the way na siya papunta diyan."
"Okay hon copy"
Pagkababa ng telepono bumaba siya para pumunta sa library,lugar ito ng asawa niya pag sa bahay nagtatrbaho.Nakita naman niya agad ang folder na sinabi ni Marcus.Saktong andun na rin si Beth.
"Mam Kath ang ganda ganda mo pa rin kahit buntis ka"
"Thank you Beth"
"Pasensya na mam Kath ha kailangan ko itong masala kagad ky sir kaya di na po ako magtatagal."pag paalam ni Beth.
"Sige Beth,ingat ha"
Kumaway na lang si Beth at sumakay na sa service na padala ni Marcus.
Tatawagan na sana niya si Marcus para sabihing nadala na ni Beth ang ipinakukuha niya,pero hindi niya maisip kung san naiwan ang cellphone niya.Ipinasuyo niya kay Manang na tingnan sa kuwarto pero wala ito duon.Naisip niyang baka naiwan niya sa library.
Dun nga niya nakita naibaba niya siguro ng dinampot niya ang folder.Umupo muna siya at ipinasyang duon muna sa library naiinip na rin siya sa kuwarto nila.
Kasalukuyang pumipili siya ng librong puwede niyang basahin ng makarinig siyang parang nag vibration na cellphone at nasisiguro niyang hindi kanya yun.Tumigil ang vibration na narinig niya pero maya maya ay narinig na naman niya ito,hinila niya ang drawer na pinananggalingan ng tunog binuklat niya mga papel na nandun at sa ilalim nito nandun ang cellphone.Kinuha niya ito at nagulat siya sa caller na tumtawag.Si Shane.
Tumigil na ito sa pagtawag.Kinakabahang Binuksan niya ang cellphone nakalock ito,pero nakita niyang na wallpaper dito si Shane ,si Marcus at isang baby.
Sinubukan niya ang password na ginagamit ni Marcus sa cellphone niya,hindi gumana.Kailangan niyang mabuksan ang cellphone na ito.Kanina pa niya gustong umiiyak ayaw niya munang husgahan ang asawa.Lumabas siya ng library at kinuha ang susi ng kotse niya.Bitbit niya ang cellphone kailangang masagot mga tanong sa isip niya.
"Manang aalis lang po ako"
"Pero iha,sabi ng asawa mo wag ka na magddrive "
"Manang mag iingat po ako"
Sari sari ang naiisip niya ng makasakay ng kotse,Anong ibig sabihin nito?bakit magkasama sila sa picture?at bakit may extrang cellphone si Marcus?
Kailangan niyang makausap si Marcus,narating niya ang building ng opisina ng asawa.Pero hindi pa siya nakakapark ay kitang kita niya ang kausap ng guard.Si Shane.Maya mayay kita niyang tumawag may tinawagan ang guard.Naghintay pa siya ng ilang minuto kung papasok ba si Shane o hindi kita niyang nakikipagtalo siya sa guard at masama ang mukha.Hindi nagtagal nakita niyang nilapitan ni Marcus si Shane.At sumakay sa kotse ng asawa niya si Shane.Kung kanina ay napipigilan niya ang luha ngayon ay halos ayaw ng maampat nito sa pagtulo.Sa loob ng kotse ng uusap ang dalawa.Hindi siya makikita ng mga ito dahil nakakubli ang kotse niya.
Sinubukan niyang tawagan ang asawa,nakailang ring muna ito bago siya sinagot nito.
"Hon,nasa meeting ako"mahinang boses ni Marcus.
Hindi na siya magsalita at pinatay na niya ang tawag.Nagsisinungaling ang asawa.Sa loob ng kotse niya ibinuhos lahat ng sakit na nararamdaman niya .All this time akala niya okay na sila ni Marcus,pinaramdam nitong mahal siya ng asawa.Pero hindi pala may tinatago si Marcus sa kanya.Kung kaninay gusto niyang humingi ng explanation kay Marcus ngayon ay hindi na maliwanag na niloloko siya ng asawa.
Umabot ng 30 minutes bago lumabas ang dalawa sa kotse.Kitang kita niya kung paano sila magyakapan nakatalikod si Marcus pero kita niyang naghahalikan ang dalawa bago sila naghiwalay,kita niyang kumaway pa sa asawa si Shane bago umalis.
May relasyon pa din siya kay Shane.Nilisan niya ang parking lot ng masigurong nakaakyat na si Marcus at nakaalis na si Shane.
Ayaw niya munang umuwi..hindi niya alam kung anong iisipin ngayon.Ang nuong akala niya totoong mahal na siya ng asawa.Mali siya dahil si Shane pa rin ang laman ng puso ng asawa. Ang lahat ng ipinakikita ni Marcus ay kasinungalingan.
"Hindi ba sinabi sa inyo Manang kung san siya pupunta"?alalang sabi ni Marcus.
"Hindi po,sandali lang daw po siya halata ko pong nagmamadali"
Alas otso na siya nakauwi,marami pa siyang inasikaso sa opisina.Dumaan pa siya kay Shane Kasi mapilit ito.Tumawag si Kath sa kanya kanina,pero pinatay din agad kasi sinabi niyang may meeting pa siya.Nakalimutan na niyang tawagan ito ulit.Kanina pa niya tinatawagan ang asawa pero ayaw nitong sagutin ang tawag niya.
11pm na ..."Kath,where are you"?sambit ni Marcus.
Tinawagan na niya si Claire at nasa Palawan pala ito ngayon.Wala siyang alam na puwedeng puntahan ng asawa.Kinuha niya susi ng sasakyan niya at kahit hindi niya alam kung saan hahanapin ang asawa.Palabas na siya ng garahe ng siya namang pagdating ng kotse ng asawa.
"Hon it's late san ka ba galing"?
Pero nilagpasan lang siya ni Kath at dire diretsong pumasok ito sa loob ng bahay.Nakita niyang nakaupo ito sa sofa at nakapikit.Limang buwan nang buntis ang asawa pero bahagya pa lang umuumbok ang tiyan nito,pag nakatalikod itoy hindi mo mahahalatang buntis dahil wala namang nagbago sa katawan nito.Nilapitan niya ang asawa pero nanatili itong nakapikit.
"Hon may problema ba"?si Marcus na kahit hindi dumilat si Kath alam niyang nakatunghay sa harapan niya ang asawa.Ang luha niyang pinipigil ay nagpupmilit lumabas.
"Leave"marriing sabi ni Kath at nagpatakan na mga luha niya kahit nakapikit siya.
"Hon tell me anong problema"? naguguluhang sabi ni Marcus.
"Pag sinabi ko sayo aaminin mo ba"? si Kath na matiim ang pagkakatitig kay Marcus.
"Hon,what are you talking about"
"Alam ko na Marcus,alam ko na niloloko mo ko"?
"Hindi kita niloloko Kath,puwede ba wag ka mag isip ng ganyan" hahaplusin niya sana pisngi ng asawa pero tinabig yun ni Kath.
"Sino si Mark?"
Nagulat si Marcus sa sinabi ng asawa,kaya ba ganito ay dahil alam na nito tungkol kay Mark?
"Hinihingi ko na sayo kalayaan ko,pero sinabi mong mag umpisa tayo ulit.Para ano Marcus para saktan ako ulit?hindi pa ba sapat sayo ang apat na taon na paulit ulit mo kong sinasaktan para sa kasalanan ko?Alam mo ba ang mas masakit ngayon kasi naniwala ako sayo na puwede mo akong mahalin"?
"Kath ,let me explain kung iniisip mo na niloloko kita hindi yun totoo."
"Tama na Marcus,sa patuloy mong pagsisinungaling sa akin hindi mo alam kung paano mo ko winawasak"