"hon,let me explain" naguguluhang sabi ni Marcus.
Gusto niyang yakapin ang asawa kita niya ang nararamdaman nitong paghihirap ng kalooban.Pero hindi pa man niya nahawakan ang braso nito tinabig na ito ni Kath.
"Explain what? Para lokohin ako ulit ha Marcus? Niloloko mo ko malinawag na sa akin yun"marriing pagkakasabi ni Kath kay Marcus.
"Ahhhh....,ramdam ni Kath ang pananakit ng puson niya,kitang kita niya ang dugong umaagos sa binti niya.
"Hon you're bleeding" nag aalalang sabi ni Marcus.
"Ahhhh.....ang baby ko Marcus"
Wala nang inaksayang oras si Marcus,binuhat niya ang asawa at dali daling isinakay sa sasakyan.Halos liparin niya ang daanan makarating lang agad sa ospital.
"Sir hindi po kayo puwede sa loob"pigil ng mga nurse kay Marcus.
"Please hindi ako magiging sagabal walang kasama ang asawa ko dun"pakiusap ni Marcus.
"Kami na po ang bahala sa kanya,hindi po talaga puwede"
Awang awa siya sa hitsura ni Kath ng isakay niya kanina sa sasakyan,putlang putla at kita sa mukha nito ang takot at galit para sa kanya.
"Anak what happened?"ang mama niya kasama si Sofie.
"Kuya Kumusta si ate Kath"?si Sofie na nag aalala kay Kath.
Hindi na nasagot ni Marcus ang tanong ng dalawa ng biglang bumukas ang pinto at lumabas si Dra Sarmiento.
"Dra how's my wife and my baby?
"Mrs Rodriguez is fine now hintayin na lang natin siyang magising,but I'm so sorry she lost the baby."
"No it can't be Dra"?pasigaw na sabi ni Marcus.
"I'm so sorry Mr Rodriguez,pero kayo ang dapat unang makatanggap kahit masakit para maipaliwanag niyo kay Kath,hindi magiging madali sa kanya dahil from day one na nalaman niyang buntis siya nasubaybayan ko yung excitement niya everytime na pupunta siya sa clinic ko for check up,Too much stress ang nakikita kong dahilan ng miscarriage niya....
Nasa kuwarto na si Kath pero natutulog pa din ito para ding panganganak pinagdaanan nito sabi ni Dra Sarmiento.Kahit nakapikit ang asawa kita niya pamamaga ng mga mata nito.
Marahan siyang lumapit at hinalikan ito sa noo.
"I'm really sorry hon"mahinang usal niya, guilty siya dahil parte siya ng dahilan ng pagkawala ng anak niyaat alam niyang masasaktan si Kath.
"Anak ang importante okay si Kath siguro hindi para sa inyo ang batang yun "pag aalo ng mama niya sa kanya.
"Mama kasalanan ko ito,she knows everything about Shane and Mark"pag amin ni Marcus sa ina.
"Who is Mark Kuya"? nagtatakang tanong ni Sofie.
"Anak ko kay Shane"
"Oh my God,is that true Kuya?but how can you do this to ate Kath? Dismayadong pahayag ni Sofie.
"Anak bakit?akala namin okay na kayo ni Kath?"ang mama niyang kahit dismayado pinipilit maging kalmante.
"Sana Kuya hinayaan mo na lang si ate Kath nung pinalalaya ka na niya dati,mas lalo lang siya nasaktan,pano niya matatanggap na wala na ang baby niyo sa palagay mo"?
"Anak alam ko napilitan ka lang pakasalan si Kath nuon dahil pinilit ka din namin ng papa mo.Dahil alam kong magiging mabuting asawa si Kath sayo at kahit ako alam kong kunwari lang ipinakikita mo sa harap namin kahit minsan hindi kami nakarinig ng reklamo buhat kay Kath siguro dahil mahal na mahal ka niya.Kaya nung sinabi niya sa akin dati na sumusuko na siya naunawaan ko siya dahil hindi biro ang pagsasama ng apat na taon na isang tao lang ang nagmamahal.Ayaw ko ring maging miserable siya dahil anak na turing ko sa kanya.Pero ikaw itong humingi ng second chance anak at hindi naging madamot si Kath dahil mas pinili niya uling mahalin ka.And then ngayon sasabihin mo na may anak ka kay Shane anak please if you can't love Kath wag mo na siya saktan ng paulit ulit.She doesn't deserve it.Anak matagal ko nang tinatago ito pero siguro dapat mo ding nalaman ang totoong nangyari nung gabi ng birthday mo kung pano napunta si Kath sa kuwarto mo,sobrang lasing si Kath nun nasa guest room na siya nun pero kita ko siyang lumabas ng kuwarto ulit at uminom ng tubig nasalubong ko siya pero siguro sa lasing at antok niya kita kong sa kuwarto mo siya napapasok ikaw nung time na yun ay nasa labas pa sa may pool may mga kainuman ka pa.Hindi ko alam kung naintindihan mo ko nun kasi sinabi ko pa sayo na huwag ka nang umakyat at ang guest room sa baba na lang ang available.Kaya iniisip ko hindi mo na siguro maiisipang umakyat pa.Kaya mali ang iniisip mo nuon na plano un ni Kath.Kaya ng makita kayo ng papa mo kinabukasan nagulat din ako pero dahil botong boto ako kay Kath kaya pinilit kita.At alam mo ba kung bakit hindi nakarating si Shane sa birthday mo? Dahil bago ka pa mag birthday nakita ko na siyang may kasamang iba habang palabas ng hotel na hindi siguro alam ni Shane na pag aari ko.Kasama niya si James Dee at ipinakilala siya ni James sa akin na fiancee niya.Kaya nuon din ay binalaan ko na si Shane na layuan ka dahil ayaw kitang masaktan nung panahon na yun alam kong mahal na mahal mo si Shane."
"Ma,mahal ko si Kath ,huli na ng marealize ko yun kaya itinatama ko na ang lahat,si Shane bata na lang nag uugnay sa amin alam niya yun".
"Kung ganun anak fix this"
"What happened?" Si Kath gising na ito.
Umiiyak si Sofie po pati na rin ang mama ni Marcus.
"Hon,wag ka muna masyado magkikilos makakasama sayo"
"Ang baby ko Marcus Anong nangyari?"
"Sofie ,Ma Anong nangyari sa baby ko"?
"Hon, magpahinga ka muna makakasama sayo"pigil ni Marcus sa asawa.
"Tell me kumusta ang baby ko Marcus bakit hindi ko siya maramdaman" umiiyak na sabi ni Kath
"Wala na siya hon"
"No,hindi yan totoo Marcus"histerikal na iyak ni Kath bago pa man niya mahablot ang suwero ay nayakap na siya ni Marcus.
"Hon,ang importante okay ka, siguro hindi siya para sa atin kaya ganun"sabi ni Marcus habang yakap yakap si Kath.Ramdam na ramdam ni Marcus ang lungkot ng asawa niya.Umiyak ito ng umiyak matagal hanggag sa nakatulugan na nito ang pag iyak saka pa lang siya binitiwan ni Marcus.