"Good morning babe! Breakfast in bed!" ani Luke habang bitbit ang tray ng pagkain at inilapag ito sa kama. Tuwang-tuwa naman si Trisha na kagigising pa lamang at nakahiga pa sa kama. "Thank you! Pero sandali ha mag toothbrush muna ako ng mabilis ha!" saad naman ni Trisha at mabilis na bumaba sa kama at pumasok sa banyo para mag sipilyo. Mabilis na nag toothbrush si Trisha at pagkatapos ay bumalik na ito sa kama. Inabutan niya naman si Luke na inaayos ang kanilang kakainin. "Dito talaga tayo kakain sa kama?" nakangiting tanong ni Trisha. "Yes, babe. Kaya nga tinawag na breakfast in bed eh!" nakatawa namang saad ni Luke. "Ok. Let's eat!" ani Trisha na natawa rin dahil sa sinabi ni Luke. Masiglang kumain ang dalawa at paminsan-minsan ay nag susubuan pa. "So, mag susurf tayo ngayon?" t

