Pagkatapos mapagod lumangoy ay nag pasiya nang umahin sina Trisha at Luke dahil lumalalim na rin ang gabi. Tumuloy na sila sa hotel, naligo at pagkatapos ay humiga na sa kama dahil sa pagod na pagod sila sa pag lalangoy. Ni hindi na nila naisipang kumain dahil sa paglapat pa lamang ng kanilang mga likod ay nakatulog agad ang dalawa. Sa himbing ng kanilang pag tulog ay hindi nila namamalayan na may mga matang nakatingin sa kanila. "Mag saya ka Trisha dahil bilang na ang maliligayang araw mo kasama ni Luke. Gagawin ko ang lahat para mapaghiwalay ko kayo. Kaya sige sulitin mo ang araw na kasama mo pa siya dahil sinisiguro ko na mapapa sa akin siya habang buhay," tumatawang saad ni Patricia habang lihim na pinagmamasdan ang dalawa na himbing na himbing sa pag tulog. "Tara na Patricia at ba

