"Luke! Bilisan mo naman, gusto ko nang matutong lumangoy eh!" sigaw ni Trisha habang nagtatampisaw sa dalampasigan. Inaayos pa kasi ni Luke yung mga gagamitin niya for surfing. Pero bago iyon ay tuturuan niya muna si Trisha na lumangoy. "Ok, mabilis lang to Trisha!" sigaw din ni Luke na nagmamadali sa ginagawa. Nang matapos ay patakbo siyang pumunta kung nasaan si Trisha. Nang makalapit ay agad sinabuyan ng tubig ni Trisha si Luke na ikinabigla nito. "Ah ganun ha? Tangkang sasabuyan rin ni Luke si Trisha ng tubig ng mabilis itong tumakbo sa buhanginan kaya hinabol ito ni Luke. Masayang naghahabulan ang dalawa na para bang walang anumang pinoproblema. Maririnig ang tawanan ng dalawa. Mabilis na tumakbo si Luke upang maabutan niya si Trisha. Dahil sa binilisan nita ang takbo ay inabutan

