“Ayazairah tahan na.” Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako ngayon habang nakayakap kay Tita Frydah. Hindi ko maintindihan ang sarili. Naghalo-halo na naman ang emosyon na aking nararamdaman. Maayos naman ako nitong mga nakaraang araw pero bakit ganito na naman ang aking pakiramdam. Pakiramdam ko ay habang papalapit ako sa tunay kong pagkatao ay nagiging moody ako. Pinipilit ko naman tanggapin ang lahat ng impormasyon tungkol sa akin pero bakit ganito pa din. Ayokong maging nega habambuhay dahil hindi iyon tama bilang elemental sovereign. Kailangan matutunan kong kontrolin ang aking emosyon para sa aking kaharian. Paano koi yon magagawa kung hindi ko babaguhin ang sarili. “Tita ano po ba ang ibig sabihin ng kwentas na ito?” Humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya at tumingin di

