HREIDMAR POV Hindi ko kayang pigilan ang sarili na mapangiti habang tinitignan si Ayazairah. Masaya ako ngayon dahil hindi ko na kailangan magtago sa kanya ng tunay kong pagkatao. Mabuti na lamang at tinawagan ako ni Gaius upang sabihin na kailangan n’ya ang gang para sa pagsasanay ng mga prinsesa. Sa tingin ko ay hindi namin sila natulungan dahil nalaman agad ni Ayazairah ang tungkol sa amin. Hindi ko naman akalain na ganun kabilis n’ya iyon malalaman. Napangiti ulit ako ng maalala ang simpleng rason dahilan para mabuking kami. Unang beses ko pa lamang na nakita si Ayazaiah ay naramdaman ko na agad na mabuti s’yang tao. Tama nga aking naisip dahil napatunayan ko iyon sa school. Pasalamat ako na lumayas ang anim na prinsesa sa kaharian kaya kami napadpad sa mundo ng mga tao at nakilal

