“Nakakahiya talaga.” Hindi pa din ako makapaniwala sa aking nagawa kanina. Mabuti na lang at hindi na sila nagtanong pa kung ano ang aking iniisip. Hindi ko din naman sasabihin sa kanila kahit pumuti pa ang kanilang mga mata sa pagtatanong. Maayos kong nagawa ang lahat ng kakayahan bilang aerokinesis. Napapansin ko din sa sarili na nadadagdagan ang lakas ko ngayon. Pakirmadam ko ay kaya ko ng gawin ang lahat gamit ang aking kapangyarihan maliban sa elemento ng tubig. Kailan ko kaya mahahawakan ang elemento ng tubig. Hiling ko n asana ay nandito pa ako sa Elementalia kapag nangyari iyon para malaman ko na din kung ano ang ibig sabihin ng kuwentas. Napahawak tuloy ako sa aking kuwentas kung saan isa nalang ang perlas na walang kulay. Nangangati na akong magtanong sa mahal na reyna tungko

