Maaga pa lang ay gising na ako dahil magsasanay na naman kami ngayon. Tatlong elemento nalang ang aming pag-aaralan kaya tiyak ko na matatapos na namin ito ngayong araw. Paglabasan ko ng pintuan ay naghihintay na pala si Hreidmar sa akin. “Kanina ka pa ba bakit hindi ka kumatok?” Base sa kanyang hitsura ay kanina pa ito naghihintay sa akin. “Kararating ko lang kakatok na nga sana ako kaso bigla mo naman binuksan.” Pagsisinungaling ng lalaki. Hindi siguro nito nais na malaman kong matagal na s’yang nasa harapan ng aking silid. “Ganun ba? Kung ganun ay halika na upang makapag-almusal na tayo.” Hinawakan ko pa sa kamay ang lalaki at hinila patungo sa hapagkainan. Pagkadating namin ay ang hari at reyna na lamang ang hinihintay. Nang makumpleto ang lahat ay magkakasabay na kaming kumain.

