“Nasa huling division na tayo at ito ay ang aquakinesis.” Itinuro pa ni Nixie at Keijie. Ito na din ang huling araw para malaman namin ang mga kakayahan na pwede pa namin gamitin kung kinakailangan. Pagkatapos ay magsasanay na kami kung saan patuloy namin gagamitin ang mga kapangyarihan. “Ang unang kakayahan ay tinatawag na water beam kung saan ay halos kaparehas lang din ang ginagawa sa mga naunang kakayahan ng bawat elemento.” “Ako na muna ang gagawa.” Suhestiyon ni Nixie at iniwan na ang kanyang kapareha para magtungo sa kanyang puwesto kung saan gagawin ang natutunan. Mabilis na kumilos si Nixie. Normal na lang para sa kanya ang kakayahan dahil madalas din nila itong gamitin. Pagkatapos ay bumalik na din agad s’ya sa kanyang inuupuan. “Ang susunod na kakayahan ay tinatawag na water

