“Tignan mo.” Itinuro pa nito sa akin ang kanyang nakikita. Hindi pa rin ako makakilos dahil mas gusto kong pagmasdan ang kanyang mukha. “Hreidmar anong ginawa mo sa akin?” Tanong ko sa sarili kahit alam ko naman kung anong sagot. Hindi ako dapat magtaka dahil totoo na itong nararamdaman ko. Tuluyan na akong sumuko sa kanya kahit hindi pa ako nito lubos na niligawan. Dahan-dahan akong tumingin sa langit kung saan makikita ang napakagandang bahaghari. Napakaganda nitong tignan at tila hindi lamang kami ang nakakaramdam sa kung anong enerhiyang binibigay nito. Natigilan din ang ibang elementalist sa buong kaharian nang makita ang bahaghari at lahat sila ay nakatingin din sa kalangitan. “Hindi ko akalain na may gantong kakayahan tayo na tutulong para din sa ating mga kasama.”Masayang wik

