“Pasensya na po.” Nahihiyang wika ko sa aking mga magulang na nakarinig din sa aking pagsigaw. Pinandilatan ko pa ng mata ang lalaking katabi. Mabuti na lamang at walang ibang nagsalita sa kanila dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko naman pwede sabihin sa kanila na kinikilig ako sa sinabi ni Hreidmar. Mas nakakahiya iyon lalo at kasama namin ang aking mga magulang. Pero hindi ko makalimutan ang sinabi ni Hreidmar. “I like you.” Tila naririnig ko pa din hanggang ngayon ang kanyang sinabi kahit pa nga sa isip ko lamang iyon. “Balita ko ay masaya kayong lahat sa ginawa n’yong pagsasanay.” Masayang wika ng mahal na reyna habang nakatingin sa aming lahat. Nagbago naman ang ngiti sa kanyang mga labi nang magawi sa aming puwesto ni Hreidmar ang kanyang tingin. Umiwas agad ako

