Napakatahimik ng silid at napakaganda nito. Madaming mga maliliit na puno kung saan ay aakalain mong artificial ang mga ito. Hindi din mawawala ang magaganda atmakukulay na bulaklak. Sa pinakagitnang bahagi ay makikita mo ang pinakamalaking punong kahoy na putol na at tanging ang malaking katawan na lamang nito ang nasa loob ng silid. Napakaaliwalas at tila napakasarap sa pakiramdam ang manatili sa silid na ito. Ang ipinagtataka ko lang talaga ay kung sino ang ipapakilala n’ya sa akin na nandito. Naipakilala na n’ya sa akin ang kanyang pamilya kaya sino pa ang natitira. Napaisip ako dahil may kutob ako na tila may alaga ang lalaki kaya ito ang nais n’yang ipakilala sa akin.Sa ganitong hitsura ng paligid malamang ay isang ibon ang kanyang alaga dahil hindi naman pwedeng manatili ang isa

