“Sana ay maayos ang kanilang kalagayan.” Tiningnan ako ni Hreidmar nang marinig nito ang aking sinabi. Sila Gaius at Fleur lang naman ang kilala kong elementalist na nangangalaga ng bundok. “Sige na maghanda na kayo upang makatulog ng maaga.” Utos sa amin ng mahal na reyna. “Bago pumutok ang araw ay kailangan n’yo ng makabalik sa mundo ng mga mortal upang tignan ang kalagayan ng ating elementalis.” Dugtong pa ng mahal na hari sa sinabi ng kanyang kabiyak. “Huwag kang mag-alala dahil titiyakin natin na walang masamang nangyari sa kanila.” Tumango lamang ako sa sinabi ng lalaki dahil iyon din ang tangi kong hiling. “Sige umuwi ka na para makapagpahinga at maaga tayong aalis bukas.” Itinaboy ko na ang lalaki dahil kailangan naming ng lakas para bukas. Hindi naming tiyak kung ano ang na

