“Halika na.” Nilapitan na kami nila Hreidmar upang yayain nang umuwi sa aming tahanan. Sumisinghot-singhot pa akong tumayo upang sumama na sa kanila. Inaalalayan ako ni Hreidmar dahil hanggang ngayon ay tila nanghihina pa din ako sa nangyari. Hindi ko akalain na iyon na ang una at huling punta naming para makasama silang lahat. Sana ay mas sinulit naming ang mga araw na iyon. “Okay ka lang ba?” Medyo naaaninag ko na ang mukha ng lalaki dahil malapit na kami sa baba ng bundok. Nakikita na kasi ang buwan mula sa aming kinatatayuan dahil naputol na din ang mga malalaking punong kahoy. “Pinipilit kong maging okay.” Walang buhay na sagot ko sa kanya. Ayokong magkunwari na maayos ang aking pakiramdam dahil hindi iyon magiging katanggap-tanggap lalo na sa aking mga kasama. Minabuti na laman

