“Ayazairah.” Malungkot na wika ni Hreidmar nang makapasok na din silang lahat sa bahay. Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin. Ilang buhay pa ba ang mawawala bago ko makumpleto ang lahat ng element. Bakit hindi pa ito ibigay sa akin para matapos na ang lahat na ito. Matapos kong kumalma dahil sa aking nakikita ay pinilit kong umupo na muna sa sofa. Pakiramdam ko ay bibigay na ang aking katawan dahil sa walang katapusan na pagkawala ng aking mga mahal sa buhay. Bata pa lamang ako ay kasama ko na sila ditto sa bahay bilang katulong ni Tita Frydah. Hindi ba nakukuntento si Abigur sa kanyang ginagawa. Kailangan ba talaga na ubusin n’ya ang lahat ng malalapit sa akin. Kung inaakala n’yang manghihina at susuko ako dahil sa kanyang ginawa ay nagkakamali s’ya. Madami na ang nagbuwis ng b

