ABIGUR POV Hindi talaga ako nagkamali na gamitin ang katawan ni Frydah bilang aking vessel. Tuluyan ko ng nilisan ang katawan ng nobyo ni Mara at lumipat kay Frydah. Gayunpaman ay nahihirapan ako minsan kapag nagigising ang diwa ni Frydah dahil naghahati kami sa kanyang katawan. Muntik ko na din ikamatay ang ginawa ng babae sa aking kaluluwa noon nang gamitin n’ya ang kapangyarihan na binigay sa kanya ng reyna. Mabuti na lamang at hindi ako nagpatalo kaya hanggang ngayon ay bilanggo pa din s’ya sa sarili n’yan katawan. Totoo ang sinabi ko sa kanya na ako ang bahla sa kanyang mga alaga dahil ako ang gumaganap sa tungkilin ng babae. Mabuti na lamang din at hindi ak nabubuking ng mga bata at tiwala sila na si Frydah ang kanilang kasama. Natutuwa ako dahil malaya akong nakakalapit sa mga

