“Hoy Ayazairah anong meron sa inyo ni Hreidmar?” Salubong agad sa akin ni Ariella. Pilit ko s’yang nginitian dahil sabi ko nga ayoko mun silang isipin dahil kailangan namin malaman kung anong nangyayari kay Tita Frydah. “Wala naman.” Pagsisinungaling ko sa kanila. “Bakit hindi mo sabihin sa kanila.” Natigilan ako sa sinabi ni Hreidmar. Hindi ko alam kung alin sa dalawa ang dapat kong sabihin sa kanila. “Magsisimula na akong ligawan si Ayazairah.” Napanganga silang lahat nang marinig ang sinabi nito. Kahit ako ay nagugulat pa din kapag sinasabi n’ya iyon. “Naks pumapag-ibig na pala ang ating pinuno.” Komento ni Huacas dahil nakikinig na din pala ang mga lalaki sa usapan namin. “Sabi ko na nga ba at may pagtingin s’ya kay Ayazairah.” Dagdag naman ni Mikhail. “Ayaw pa kasi umamin da

