“Hay bakit ba dito ako pumasok.” Kasalukuyan kong sinisisi ng sarili ngayon dahil sa ginawa ko. Iba talaga ang pakiradam k sa kulay kalawang na pintuan na iyon pero ditto pa din ako pumasok sa kulay ginto. Nagsisisi ako dahil nakakatakot ang hitsura nitong napuntahan ko ngayon. Pakiramdam ko ay may kung anong mangyayari sa akin dito. Madilim ang paligid at wala akong ibang makita. “Kmusta na kaya ang mga prinsesa.” Kinakausap ko ang sarili ko dahil nakakaramdam na ako ng takot. Hindi ko pa naman masyadong kabisado ang aking kapanyarihan kaya mahihirapan ako nito. “Ano ba ang pwede kong gamitin na pang-ilaw?” Pinagpilian ko ang elemento ng apoy at lightning. Naisip ko na medyo parehas naman sila pero madalas kong makita si Alvara na ginagamit ang kapangyarihan pang-ilaw dahil sa liwana

