"Anong gagawin namin?" Hindi namin alam kung anong gagawin. Sa totoo lang ay hindi namin nasundan lahat ng ginawIa ni Gaius kaya wala kaming clue. "Oo nga saka bakit ang daming pinto?" Tinuro ni Bruice lahat ng pintong nakikita. "Walo lahat ang pinto na aking nakikita pero pito lang kami." Nakakunot ang noo na tanong ni Alvara. "Maglalaro ba tayo?" Hindi din napigilan ni Nixie ang magtanong. "Bakit magkakahiwalay kami?" Si Tenanye naman ang sunod na nagtanong. "Nakakatakot pa kapag umalis ka sa inyong puwesto." Nagrereklamo na wika naman ni Fayeth. Hindi nito nakalimutan ang nangyari sa kanya kanina dahil nalusaw ang kanyang tinapakan. "Girls kalma lang hintayin natin ang instruction ni Gaius." pag-awat ni Ariella sa walang katapusan na pagtatanong namin. Nginitian naman s'ya ni Gai

