"Carole," "Mama! Gising na, nasa Pilipinas na tayo." Yugyog sa balikat ng anak ko sa akin. Agad akong namulat at napatingin sa katabing bintana ng eroplano. Kinuha ko ang aking makapal na jacket at napatingin sa ibang pasahero na pumipila papuntang labasan. Apat na linggo ang lumipas nang bumalik si Rafael sa Roma. Hinanda namin ang mga papeles na kinakailangan sa paglipat namin muli sa lugar kung saan ako isinilang at nagkaisip. Pagtapak ko ng lupa ay hindi ko maiwasan ang maging emosyonal. Ito ang lugar kung saan nagsimula ang lahat, ito ang lugar kung saan ako sinubok ng lubusan. Akala ko hindi na ako makakabalik at sa Roma na ako babawian ng buhay. "Frances, Come!" Ngiting ani ni Daniel at kinarga si Frances. Kitang kita ko ang kaligayahan sa kanyang mukha. Ganon din si Mama at s

