Kakasapit lang ng gabi nang napagdesisyon naming tunguhin ang hospital kung nasaan si Rafael. Gusto kong tumakbo agad palabas ng kanilang Mansyon ngunit pinipigilan ako ng kanilang driver dahil hindi raw muna tumatanggap ang hospital dahil sa maselang nangyari sa kanya. Kagat kagat ko ang aking kuko kasabay ng panginginig ng aking kalamnan. Hindi ako mapakali habang patuloy na dumadaloy ang aking luha sa aking pisngi. Wala na ba akong karapatan sumaya? Nabuhay ba ako sa mundo para maging malungkot? Sana panaginip lang ang lahat, sana hindi totoo na sinapit din ni Rafael ang nangyari kay Paris. "Bilisan mo!"Bulyaw ni Mrs. Goncuenco sa kanyang driver. "Opo!" Ani ng driver at dumoble ang kanyang bilis sa pagmamaneho. Pansin ko iba ang aming nadadaanang routa, hindi kaya nagkakamali lang

