" Buona sera, Carole!" Ani nang mag asawang amerikano na nakatira katabi ng apartment. Binigyan ko sila ng matamis na ngiti bago tuluyang pumasok sa Apartment. "Bouna sera, couple!" Nakakatuwa dahil sa tinagal tagal naming pamamalagi rito ay may nakikilala kaming mga taga ibang bansa rin na naninirahan rito sa Roma. Pagbukas ko ng pintuan ay sumalubong sa akin ang anak kong nanonood ng anime habang si Daniel nama'y nagbabasa ng libro sa kusina, sabado ng gabi galing trabaho. Agad ko nilapag ang mga pinamiling prutas sa giliran ng pintuan. "Daniel, si Papa at si Mama?" Tanong ko sa kanya nang mapansin wala ang kanilang presensya rito. "May pinuntahan ate." Sira ko ang pinto at dumalo sa anak ko upang bigyan siya ng halik. Ngumiti siya at ganon din ang ginawa sa akin. Sa tuwing ngu

