Para akong napako sa aking kinauupan. Ni i-angat ang ulo'y hindi ko magawa. Hindi ko alam kung ano ang dapat mararamdaman. Galit? Lungkot? O kahihiyan? Masaya ako nitong nakaraan taon, mapayapa ang aking loob. "Sir, we are fast growing company. I'm sure di kayo magsisisi sa pag invest ninyo sa amin business. In fact, we have already opened branches outside the country including the Philippines and we are about to expand in other countries in Asia too." Masigla ang boses ni Luca. Mataas ang respeto niya kay Rafael. Hindi ko tuloy maiwasan maisip kung nasa wasto na ba ang dagan ng buhay niya ngayon? O kahit ang kanilang negosyo. Naging usapan sa Pilipinas dati ang kanilang pagsasara. Hindi ko mawari ang makita siya rito sa harap ko, matagumpay at mataas ang tingin ng mga nakapalibot sa k

